Laktawan ang galugad

Monthly Archives: Marso 2008

at sa wakas ay sinagot na rin ako ng pakipot kong adviser. sabi nya sige na daw at ipabind ko na daw ang aking thesis. ang tamis ng mga salitang iyon. daig ko pa ang nakajackpot sa super mega lotto of the world.

at pagkatapos ay sumaglit ako sa costume play ng kaibigan ko. noong una, feeling ko ang freak ng mga tao dun dahil para silang mga myembro ng anime cult. pero eventually ay naenjoy ko rin dahil sa dami ng photo opportunities. may mga costumes na pwede mong isuot at magpipicture picture kayo. at mabentang mabenta yung friend ko dahil ang daming nagpapapicture sa kanya. parang artista. lalapitan ka talaga ng tao at tatanungin kung pwede bang magpapicture sayo. sana nakacostume din ako. para naman maramdaman ko for once ang nararamdaman ng mga artista. pero okay lang dahil  may picture naman ako with cleopatra, ultraman and ironman. yung ibang anime chars na katabi ko sa picture, di ko marecognize.

and at this point ay babalik muna ako sa pagkahighschool dahil gusto kong ilathala ang mga infatuations ko these days. karugtong ito ng aking post na guilty pleasures.

babala: ito ay isang manipestasyon ng aking wirdong panglasa.

9. lauren dyogi

buzaldred1.jpg

nakita ko sya uli sa TV. paano ko ba idedescribe ang appeal nya? para kasing lagi syang inaantok. naseseksihan ako sa mga taong parang laging inaantok. lalo na kapag successful yung taong iyon. para kasing, effortless success. parang “Ok inaantok pa ako ng lagay na ‘to, maghintay kayo kapag alive, alert at enthusiastic ako”. tsaka gusto ko ang mga taong may malulungkot na mata kasi parang ang deep nila. tsaka seksi rin ang diction ni direk. very particular ako sa ‘r’ at ‘s’ ng mga tao. naseseksihan ako kapag pinopronouce ang mga letrang ito in a conio manner. hehe. dahil dyan kaya ko gustong magbraces.

10. dj mod

dj_mod.jpg

noong una ay di ko maamin sa sarili ko ung bakit napukaw ng taong ito ang aking atensyon dahil parang wala syang kahit anong stereotypes ng pagiging gwapo. pero natutuwa ako sa kanya kapag game k n ba. ang alam ko sya ang may pakana ng papaya craze na umabot na maging sa Good Morning America. so bakit ba? kasi naiinggit ako sa ngiti nya sa tuwing mahahagip sya ng camera. parang lahat ng parte ng katawan nya ngumingiti. tsaka literal na umaabot sa tenga yung smile nya.

11. boypren ni minnie

kevjumba.jpg

bata pa kasi si kevjumba. ayoko sa mga bata. pero gusto ko yung boypren ni minnie. ang kyut habang kinkanta nya ang save me ni josh verdes. favorite song ko na nga ‘yon e.

i have na weirdest feeling now. gusto ko ‘tong idescribe sa abot ng aking makakaya.

i feel numb. napapagod na akong mag-emote sa drama ng buhay ko. i’m surprised kasi ang taas ng tolerance ko sa pain – hindi ako makaiyak. kaya ‘yun i feel numb.

and because i feel numb, i feel sad. because people aren’t suppose to be numb. they should be passionate. they should be energetic. but is this possible if you feel tired of feeling?

one of the reasons why i feel sad is because i am jealous. pero ‘di yung inggit na inggit to the point na naglalaway na. i just feel a little bit jealous of people in general. it seems that everyone can pull it off. bakit ako hindi? natrigger ito nung nakita ko yung friendster account nung school mate ko na itatago ko na lang sa pangalang ‘moffats’. kasi nakita ko sa Microsoft sya nagtatrabaho. not that i want to be in the same company, pero the thought of her being relatively stable, the thought of her being ahead of me at the moment, and the thought of her being a loser back then (wala akong galit sa taong ito at hindi ko sya binubully pero ganun ang perception ko sa kanya), makes me feel uneasy (alarmed yata) and a little bit jealous at the same time. parang naririnig ko syang sinasabihan ako ng: “And who’s the loser now?”. pero naiinis ako na nararamdaman ko yun kasi alam ko mabuti syang tao ang she deserves all the best in life. yung bestfriend ko naman nasa isang bigating accounting firm. yung kababata ko, nasa sony na at balita ko pabalik balik sya sa mga asian countries. yung isa ko pang kababata,although di pa nga graduate, e nakapagtour na ng europe dahil member ng isang glee club. kaya feeling ko, everyone seems to be going places, at ako nandito lang. at naiinis ako kung bakit ko nararamdaman ito dahil ayoko nang magself pity epeks. sawa na ko please lang.

nafufrustrate ako na ang whiny ko. nakakapagod ding magreklamo. sana hayop na lang ako. para simple lang ang buhay. iisipin ko na lang kung paano ako kakain tapos ‘pag nakakin ako, matutulog na ako. yung tipong wala na akong pakelam kung ano ang tatak ng damit ng mga tao, kung meron na bang condo unit yung friends ko at kung artista na ba yung kapitbahay namin. pero ayokong maging baboy kahit mahaba ang orgasm nila kasi nabubuhay lang sila para katayin. pero ok lang kung ako yung baboy ni george clooney kasi ‘pag nagkataon, ako ang magiging coolest baboy in town. pero ang gusto ko talaga, yung pinakasimpleng lifeform katulad ng amoeba. isipin mo, kahit sa inidoro pwede akong mabuhay.

bakit kasi ang komplikado ng buhay?

Don’t waste your time on jealousy. Sometimes you’re ahead, sometimes you’re behind. The race is long, and in the end it’s only with yourself.

– Mary Schmich

I don’t usually answer surveys even in friendster. pero dahil galing ang tag na ito kay randomdemeanor at dahil natotouch ako sa mga ‘pseudo posts’ nya sa blog ko, at dahil sya ang living testimony na hindi pangit ang mga bloggers (yep, nakita ko ang picture mo. so bagong gising pa ang lagay na yon? hehehe), i’ll make an exception. naku random magsasagot na nga lang ako ng serbey at baka akalain na binayaran mo ako para dito. hehe.

PS. ako ay isa ring living proof na hindi pangit ang mga bloggers.

Rules: Use the first letter of your name to answer each of the following.Your answers have to be real places, names, and things. Nothing made up! Use different answers if the person who answered the survey before you had the same initial letter. You can’t use your name for the boy/girl name question.

Your name
Watusiboy. Pero syempre di yan ang pangalan ko dahil hindi naman adik ang mga magulang ko. ‘A’ talaga ang start ng pangalan ko. at tsaka baka dumugo ang ilong ko at mag-internal hemorrhage ako kung ‘w’ ang gagamitin ko.

Four words
ammm…avatar, aloha, almond, actuary

State/country
Angola

Boy name
Apollo kasi parang ang gwapo ng dating. Pero Andrei na lang dahil Andrei ang gusto kong name kung papipiliin ako.

Girl name
Asela. maganda ang boses nyan.

Occupation
Ant keeper- meron bang ganun?

Word that describes you the best
Ako ay isang masalimuot na nilalang.

Something you can wear
Andies. Brip. Baksers. Yung mga ganun.

Something found in a kitchen
Atsara?

Name one object that is so valuable to you
ang pamilya ko at tsaka ang bahay namin at symepre ang mp3 player ko

Something you shout
Ang bobo ko! Di ako makaisip.

Something you do at school
aral. Yep nerd.

Name of a friend/schoolmate
Attala. Ganda ng name no?

Name of an animal
Aardvark. Di ko alam itsura nyan

Name of a drink
apple juice

Name of a holiday
Araw ng mga Kalayaan.

Name of a subject in school
Algebra. Marami akong ganito.

Name of a cousin
Antonia. Sabi kasi ng lola ko pamangkin nya si Julius Babao. So pinsan ko si Antonia. Sa tingin ko di pa naman ulyanin ang lola ko at hindi nya ‘to iniimbento. pero hindi alam ng pamilyang babao na nageexist ako.

Name of a fast food chain
Aristocrat. Fast food ba yun?

Name of a person you’re crushing or had a crush on
A member of madz. Si sheen. So ginawa ko na lang article yung ‘a’

Name of a food you like
Anything sweet like oatmeal cookies.

Name of a food you do not like
ampalaya.

Name of a kid’s toy
Anything. Yung pamangkin ko pati deodorant pinaglalaruan.

Name of a flowering plant
anahaw. Yak puro dahon lang yata yun.

Name of a shopping mall
Asia, SM Mall of.

Name of a person you like
Ang nanay ko

Name of a person you dislike
Angas. Yung mga ganun

Name of place in your school
Antique shops. Maraming antique shops malapit sa school namin

Name of an object in front of you
Alahas. Charing!

the text below is from a friend gina. ivhory ang totoo nyang name. pero gina ang nickname nya. adik kasi sya. naalala ko tuloy na merong schoolmate yung kaklase ko na ang pangalan Gina Tan. Gutom siguro yung magulang nya nung nagiisip ng mapapangalan. ‘pag binaligtad mo naman Tan, Gina – parang ‘di magandang pakinggan. parang may galit sa anak.
anyway eto yung text ni gina:

3d_doraemon.jpg

Nobita: bakit kahit isipin ko na kaya kong gawin ‘to, di ko pa rin makaya?
Doraemon: simple lang yan Nobita! kasi iniisip mo lang, hindi ka naniniwala.

just as when i’m so consumed with this dilemma, something lucy torres said in one of the episodes of sweet life struck me – “life is not all about you. you are are but a dot in the universe. life is more than your desires, problems and self centeredness. stop whining and just be thankful that you’re still alive”. she said this in connection with the statement of tessa prieto regarding the most important lesson she learned in yoga. i had the impression that the girl is shallow and that all she cared about are the christmas decors all around her body. but i was wrong. tessa said that after her yoga classes, all she can think of is the overwhelming gratefulness for the gift of life. according to her, the fact that you are still alive and healthy is more than enough reason for you to be happy and contented. i view her differently henceforth. this is a woman who celebrates life, a woman with a very healthy disposition. i envy how she can just put on those outrageous outfits and simply not care if others will approve of it or not. i wish i was like her. i need that attitude right now.

ok, medyo enough na muna ang pagbabad ko sa blog ko. last week ok lang kasi anyway, katatapos lang ng thesis ko. treat ko na yun para sa sarili ko. ang cheap ko talaga.

icoconvince ko ang mga magulang ko na payagan nila akong umattend sa fashion forum sa Benilde. sasabihin ko, grad gift na nila yun. hay, ang noble na gift. gusto ko sana ipod e. pero ganun talaga. sacrifice muna hanggang hindi pa successful.

so tinatapos ko na ang mga revisions dito sa system. so far ok na. yung paper na lang. parang tinatamad na nga ako. vacation mode na ang utak ko.

balak ko na imbes na ubusin sa blogging ang spare time ko, tatambay na ako sa job street. para naman mapagplanuhan ko na ang aking career. yeah, i don’t want a job – i want a career. may difference daw yan. in a nutshell mas meaningful ang huli. feeling ko talaga nasa crossroad ako – either magpakasafe ako at ipursue itong nalalaman ko sa IT o magtake ako ng risk at gawin yung gusto ko. ano ba kasi ang pumipigil sa akin? siguro yung expectations ng iba. ako lang kasi ang nakatapos ng UP at iniexpect nila na papasok ako sa malalaking kumpanya. tsaka gusto ko kasing kahit papaano, may maabot sa mga magulang ko. yung dalawang kuya ko kasi, kahit nagtatrabaho na, nanghihingi pa rin ng pera. kapag IT ang pinursue ko, alam kong magagampanan ko ang role ng isang mabuting anak. mahina na siguro yung 15k isang buwan kapag doon ka sa industriyang iyon pumasok. pero it doesn’t feel right. alam ko na hindi rin ako tatagal dun. without any exaggeration alam kong kapag doon ako, magkakasakit ako at baka mapamahal pa sila ng gastos pagpapagamot sa akin. kung dun naman sa isa, alam kong magsisimula ako sa mababa – baka nga sa pinakamababa. pero feeling ko dun ako magiging masaya. i cannot give what i don’t have. kailangan ko muna sigurong magpakaselfish. gagawin at gagawin ko rin naman ‘to, bakit ko pa patatagalin?

so kinompute ko ang minimum na sahod na kailangan ko upang hindi na ako aasa ng allowance sa magulang ko at makakapag-abot sa kanila at the same time. 12K / month ang kailangan ko. sana makakita ako ng ganun.

gusto kong ispend ang holy week upang magreflect. actually, parang malinaw naman sa akin ang lahat. siguro, gusto ko lang mag-ipon ng lakas ng loob na gawin ang sa tingin kong tama at harapin ang consequences na kaakibat nito.

Di tulad ng ibang Pilipino, hindi ako naexcite kakaabang sa labang Pacman at Marquez. Ewan ko, hindi talaga ako boxing aficionado. Aminado naman akong wala akong sense of camaraderie with the rest of our kababayans pagdating sa bagay na ito. Buti na lang hindi ako kriminal dahil kung nagkataon, hindi hadlang ang laban ni Pacman sa paggawa ko ng krimen. But don’t get me wrong, proud ako para kay pacman – ang public enemy number 1 ng mga Mexicano. Kaso tanga talaga ako pagdating sa boksing. Minsan kasi nakisali ako sa panonood ng laban ni Pacquiao kasama ng ilang kamag-anak Kanya-kanya ng palitan ng boksing opinion na animo’y mga boksing commentator. Sabi ng tito ko, nag-iba daw ng strategy si Pacquiao – sa bodega daw ito tumitira. Sabay comment ako ng: “Tito, ano ang bodega”. Toink. Nandyan din yung sisigaw sila kasi ang ganda daw ng binitiwang suntok ni Pacman samantalang ako’y tahimik lang at bagaman nanonood ay nagtatanong sa aking sarili kung bakit hindi ko nakita ang sinasabi nilang suntok. Kaya masasabi ko na ako’y certified tanga pagdating sa boksing. Kung gusto mo akong ma-out of place sa isang party, dapat kontratahin mo yung lahat ng tao dun at sabihin sa kanila na ang pwede lang na topic sa mga conversations ay boksing. Anyway, dapat ay iacknowledge ako ng channel 2 dahil nakapagcontribute ako sa ratings nila. Buti na lang talaga pinalabas nila yung Ang Cute ng Ina Mo, kundi mabuburyong na ako sa boksing.
Minsan iniisip ko na parang sabong ang boksing dahil pinagpupustahan ng mga manonood ang mga manlalaro.Hindi kaya nafifeel ni Pacman na nadedegrade ang kanyang pagkatao dahil tinuturing syang ‘manok’ ng mga tao. Kung sabagay, kung limpak limpak na halaga naman ang kapalit nun, maiisip mo pa ba yun? Pero bilib talaga ako kay Manny(except nung tumakbo syang kongresman) kasi nararamdaman ko ang conscious effort nya na magbigay karangalan sa bansa. Teka, sports naman ang boksing diba? Baka kasi isipin ng mga foreigners na champion tayo sa pakikipagbasagan ng mukha.
Kaya lang napansin ko na may favoritism ang mga Pinoy. Si Pacman ‘pag nanalo at bumalik ng bansa, may heroes welcome with matching parade all over the metro. At mismo ang pangulo ang nagcocongratulate sa kanya.Yung ibang Pinoy Pride parang hindi naman binibigyan ng ganitong treatment – tulad na lang ng Philippine Madrigal Singers. Sila lang ang nag-iisang choir sa mundo na nanalo sa European Grand Prix (ang tinaguriang choir olympics) nang hindi lang isa kundi dalawang beses. Mantakin mo yun! Nasa Pilipinas ang pinakamagaling na choir sa buong mundo. O kaya si Jed Madela at ang Philippine All Stars. Isama mo pa si Happy Slip. Uulitin ko, si Happy Slip – ang adiksyon ko.
Ang dami na talagang sikat na Pinoy. Pero bakit ganun? Sa kabila ng pagiging world class at magaling natin, hindi pa rin tayo maunlad? Naalala ko tuloy ang sinabi ng professor ko. Ang solusyon daw sa problema ng Pilipinas ay ang pagpatay sa mga kongresman at mga ganid sa pwesto. Hmmm…

May kurot lang siguro ang rejection pero all in all ay kuntento naman ako. The fact na nabilang ako sa fast track, the fact na inirekomenda ako ng prof ko sa kumpanya na gumawa ng printer namin, ay isang malaking karangalan na. So bakit ba? Feeling ko kasi ‘di ako natanggap. Ang katagang: “The manager will review your application. Just keep your lines open” ay alam naman nating katumbas ng: “Hindi ka namin gusto pero ayaw ka naming saktan”. Ang rejection ay rejection pa rin kahit na ikubli mo ito sa iba’t ibang paraan. Pero gusto kong linawin na hindi ako nalungkot sa resulta. In fact katulad ng sinabi ko kanina, kuntento ako.
Mayroon akong inattendan na seminar kung saan binigyan kami ng tips kung ano ang dapat gawin after graduation. Kasama dun ang tamang attitude kapag may interview ka. Ayon sa speaker, isang batikan sa larangan ng HR, higit sa pagbebenta ng sarili, ang interview ay dapat tinitingnan bilang isang oportunidad ng pagtuklas – ang pag-alam kung gusto mo ba talaga yung trabaho. Nasabi ko na ba sa blog na ito na hindi ko gustong pumasok sa IT Industry? Oo, yan ang irony ng aking buhay dahil isa akong CompSci graduate. Kaya lang ako napasabak sa interview na iyon ay dahil nga sa rekomendasyon ng propesor ko na nalinlang ko na magaling ako sa mga bagay na may kinalaman sa computer. Oo, aaminin ko na meron naman akong alam. Pero wala kasi dun ang puso ko. At sawa na akong maging mediocre. So nung interview, talagang inapply ko ang natutunan ko sa seminar na iyon.

Tanong: Do you have issues with shifting schedules.
Sagot ko: Honestly yes. My body clock is not flexible. I don’t think I can handle shifting.
Tamang sagot: NONE. I CAN WORK FOR YOU ANYTIME.

Tanong: Are you proficient in JAVA?
Sagot ko: No because when programming in JAVA, I don’t think that I am able to take advantage of its object oriented nature, I still tend to do it procedurally.
Tamang Sagot: Although I don’t consider myself as an expert in that language, I am confident that what I know is sufficient and given enough time and practice, I know that I can be proficient in it.

Tanong: With your qualifications, I think you’ll be suited as a software developer.
Sagot ko: No sir, I prefer testing (God knows I can’t stand programming). Sort of a QA.
Tamang Sagot: YES. ANYTHING YOU WANT SIR. I’M A FRESH GRADUATE AND I SHOULD NOT BE CHOOSY.

Tanong: Are you willing to work on weekends and holidays?
Sagot ko: No sir.
Tamang Sagot: Yes sir. I’ll do anything for the job!

Tanong: So when are you willing to start?
Sagot ko: Sometime in May or June. I want to think it over and I want to compare various offers.
Tamang Sagot: ASAP sir! ASAP. Whenever you need me

So basically kulang na lang sabihin ko, “I’m not interested”. Hindi ko binenta ang sarili ko at nagsabi lang ako ng totoo. Sampalin mo nga ako. Ang laki laki ng sweldo dun pero ginanun ko lang.
Hindi sa pagmamayabang pero kaya ko naman ipasa ang interview na iyon kung gugustuhin ko lang. Kaya ko rin syang linlangin gaya ng ginawa ko nung interview ko for OJT, gaya ng ginawa ko sa mga professors ko, at gaya ng ginawa ko sa lahat ng tao(except aybi and ate marliz). Pero hindi ko na kayang manggago. Gusto ko nang itama ang mga mali ko. Now na!
Sa isang banda kaya ako sumipot sa interview na ‘yon ay dahil iniisip ko rin na baka kailangan mung akong pumasok sa mga ganung trabaho bago ko magawa yung gusto ko. Ang mahal kasi ng tuition sa School of Fashion and Arts:

Associate’s degree 2yrs Fashion design and marketing:P325,000

Diploma courses

1yr Fashion design P195,000
Fashion marketing P180,000

Certificate programs:

Fashion design, Clothing Tech, Merchandising P60,000 each
Short courses 14 sessions P15,000
8 sessions P12,500

So katangahan ba ang ginawa ko? Sampalin mo nga ako.

 

 

parang season long task ni Big Brother. ang instruction nya, kailangan ko raw ihelera yung mga dominos sa bahay nya para daw hindi makalat at para na rin hindi ako mahirapang kumilos – mahirap kasi pag pakalat kalat ang mga dominos. pag natapakan ko yun, baka madulas pa ako. mahirap na. gusto lang daw nyang siguraduhin ang kaligtasan ko. pero dahil hindi naman natural sa akin ang paghilera ng mga dominos, ang sabi ko sa kanya gagawin ko iyon kapalit ng isang reward. wala naman talaga akong natanggap na confirmation pero feeling ko ibibigay naman nya yun – hindi naman sya maramot. kaya pinagtyagaan kong ihelera isa isa ang mga yun. minsan nakakasawa na. mas madali kasing manira kaysa mag-ayos. hanggang hindi ko na namalayan na marami na pala akong nagawa. tama nga si Big Brother, mas maganda kung hindi pahalang halang ang mga dominos para mas maaliwalas ang bahay.
Siguro natuwa na rin sya sa nagawa ko at hindi ko inaasahan na ibinigay nya sa akin ang reward na hinihingi ko. ayos talaga ‘tong si Big Brother, hindi sumisira sa mga pangako nya. nakuha na nya ang loob ko, mabait naman kasi talaga. pero hindi ko sya nakikita at may mga panahong nabobore na akong maghilera ng mga domino. may mga panahon na hindi ko na ito binabantayan. masaya na ako at nakuha ko na ang gusto ko, good shot pa ako sa Kanya. kaya ayun, nanginig ang kamay ko sa ginaw nang umihip ang hangin. nagtumbahan lahat ng domino. nakakalungkot kasi ang gulo gulo na naman. tsaka ako ang sumira sa kasunduan namin – yun lang naman ang hiningi nya sa akin.
kaya maiintindihan ko po kung magagalit kayo sa akin. sana ‘wag nyo pong isipin na user ako – tao lang po at minsan gumagana rin ang animal instinct. sori talaga. sana wag po akong maevict.
ang hirap uli ihilera although mayroon naman na hindi natumba. mas katanggap tanggap kasi ayusin ang ‘total mess’ kaysa sa partially destroyed. parang natetempt tuloy akong guluhin na lang uli total gulo gulo na naman e. eto ang mahirap – ang magsimula uli

ahaha. tinatry ko ang signature.

matapos ang apat na buwan ng walang patumanggan pagcocode, pagdugo ng ilong, at pakikipagkulitan sa adviser ko, sa wakas at nakapagdefend na rin ako kanina. ito ang ‘the event’ sa buhay namin ng mga kacourse ko. dito kasi kami sinusubukan kung natutunan ba talaga namin ang dapat naming matutunan o kung nagpapanggap lang kami.
iniexpect ko na iihawin ako ng buhay sa loob ng dalawang oras na iyon. knowing ang mga ugali ng mga ‘yun, hindi nila pinapalagpas ang kaliitliitang detalye ng mga bagay bagay. pero maswerte ako at good mood si sir. panay ang ngiti at bitiw ng punchlines. at nandun din si pumpkin, kyut na kyut. tuwang tuwa nga ako pag siya ang nagtatanong. ang ganda kasi ng boses. relax lang ang mood ng defense ko. nakaupo lang kaming lahat at
para lang akong nagkwekwento.
hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon- i survived UP. parang kailan lang nung pumasa ako ng UPCAT. ang angas ko pa nun. kasi kung dati ang hinala ng mga kamag-anak ko ay panay lang ang pameryenda ko sa mga titser ko kaya ako nakakakuha ng mataas na grade, pagkatapos kong matsambahan ang pagsusulit na iyon, ang tingin na nila sa akin ay isang utak na naglalakad. life changing talaga ang pagpasok sa UP. from a conservative catholic school, namulat ako sa liberalismo. unang sabak ko sa UP, pinanood agad kami ng art film na puro kangkangan. sa anthropology naman, kama sutra. natutunan ko rin na marami rin palang hindi katoliko at may mga taong hindi naniniwala sa Diyos.
Sa UP ako nadevirginized. Sa UP ko unang naranasang bumagsak. yung tipong nag-aral ka naman pero wala pa rin. dito ko rin natutunan na may mga pagkakataong walang awa ang buhay – pagsabaysabayin daw ba ang math exams. natutunan ko rin na mas mahalaga
na masipag ka kaysa matalino. ang dami kong kakilalang matalino pero hindi nakakatapos dahil tinamad sila. lahat na yata ng emotional at mental tortures naranasan ko dito. sa hirap ng buhay, hindi mo ito kakayanin kung ikaw lang mag-isa. dito ko nakilala ang ilan sa mga tunay kong kaibigan – ang mga kasakasama ko sa hirap at saya ng buhay kolehiyo. mas mature na ang level of friendship. kung nung high school mga petty matters lang ang nasheshare, ngayon nasasabi ko na sa mga kaibigan ko pati ang plano kong mag-ampon sa hinaharap.BTW, tenk yu aybi por lending mi yor laugh tough.
kaya natutuwa ako na finally pumayag na sila na pakawalan ako sa totoong daigdig. sabi nila it’s hard to enter UP, it’s even harder to get out of it. pahirapan talaga. hindi sila makukuntento hangga’t hindi mo pa nailalabas ang kahulihulihang patak ng dugo at pawis mo. hindi ko nga maisip kung pano ko nakaya yun. mabait lang talaga si Lord sa akin. pagkatapos ng defense, konting revisions na lang, isang final exam at ako na ang hahawak ng manibela ng buhay ko. inaamin ko natatakot ako. paano kung hindi ko marating ang gusto kong puntahan? paano kung mabunggo ako at mapadpad saisang dead end? pakiramdam ko papunta na ako sa isang daigdig kung saan araw araw ang pagsusulit at defense.

all glory to God