last december, sinabi ko sa manager ko yung concern ko about sa pagkainip ko sa promotion. sabi ko sa kanya, nageenjoy ako at gusto ko pang magstay, pero parang hindi ko nararamdaman na nacocompensate ako properly. and so sabi ko, i’m seriously considering outside oppotunities. in fact, nung time na ‘yun, just a week ago, nakatanggap ako ng offer (na hindi ko nagustuhan). ang sabi ko, kung meron akong makikitang mas magandang oppotunity, aalis na ako.
ang sabi nya, magset daw ako ng deadline. para daw kasing ang vague nung plano ko. naghihintay lang ako kung ano yung mauuna – yung promotion o yung mas magandang trabaho.
so secretly nagset ako – march 1, 2011.
ang guess what, last thursday, kinausap nya ulit ako – promoted na daw ako. so sinabi ko sa kanya yung deadline ko. sabi nya, that’s a clear message from God that i should stay.
minsan daw kasi, dahil sa pagmamadali natin, hindi natin nakikita nang maayos ang mga bagay. na minsan yung opportunity, nandyan lang, hindi mo pa makita.