Laktawan ang galugad

Monthly Archives: Hunyo 2008

dear blog,

ngayon ko lang narealize na naaassociate ko sa happiness at good feeling ang snow. siguro isa yun sa mga dahilan kung bakit gustong gusto ko ang pelikulang serendipity at sinubaybayan ko ang koreanovelang my girl. syempre idagdag pa dyan na hopeless romantic ako at talaga namang kyut si julian. kita mo naman snow flakes na ang drama ng bago mong header image. hindi ko sinadya yan. feeling ko kasi bagay sa theme na ito ang faded blue kaya naghanap ako ng imahe na may katulad na kulay. ‘yang header na yan ang pumukaw sa atensyon ko. tsaka ko lang narealize na may snow nung naupload ko na.

nagsawa na kasi ako sa dati mong itsura – ang lalaki kasi ng font. tsaka para lang ako nagbabasa ng isang ms word document – puro puti ang nakikita ko. ang totoo nyan minsan natempt akong gawin kang black. ewan ko kung nainggit lang ako sa kulay ng mga ibang blog. pero di ko na rin tinuloy kasi naisip ko rin na itim ang kulay ng rak-en-rol, galit at kadiliman. medyo salungat sa personalidad ko.

pero sa totoo lang, hindi ko alam kung kuntento na ako sa itsura mo ngayon. para kasing ang putla mong tingnan. parang walang kabuhay buhay. minsan gusto kong gumawa ng flicker account o kaya lagyan ng litrato ang lahat ng post ko para magkakulay ka lang. gusto kong makakita ng shades of orange and apple green. maglagay kaya ako ng litrato ng krismas tree? o kaya mistle toe? duh, panindigan ba ang christmas feel.

pasensya ka na tamad talaga ako pagdating sa mga ganitong bagay. ‘di rin kasi ako masyadong magaling magphotoshop. tsaka ko na lang iibahin ang itsura mo kapag nagsawa na ulit ako. sa summer siguro lalagyan ko ng mga bukonut trees, beach at hot babes ang header na ‘yan.

maiba ako. maraming nangyari nitong nakaraang tatlong buwan. kahit ako nagtataka kung bakit hindi ko ‘yon naikwento sa iyo. siguro dahil nagkaroon na ako ng sense of censorship. kahit papaano ay may mga naliligaw din dito. kahit papaano ay sumasagi rin sa isip ko kung ano ang iisipin nila. hindi naman ako nagpapaapekto masyado dun. siguro namimiss ko lang yung dating openess natin sa isa’t isa. totoo rin siguro yung kasabihan na may hangganan ang kalayaan.

marami ring mangyayari sa mga susunod na araw. hayaan mo, babawi ako sa iyo. basta, depende sa mood ko. o pano, makuntento ka muna sa itsura mo ngayon. ciao!

Ang problema kapag kyut ang nag-iinterview sa’yo ay nangingiti ka nang wala sa lugar at kailangan mong magpanggap na dahil yun sa mga sinasabi mo at hindi dahil sa kanya. Ngingiti rin sya, mamental block ka at lalo ka pang mangingiti pero kailangan mo na itong pigilin dahil kapag ngumiti ka pa nang ngumiti e magmumukha ka nang abnormal. Bukod pa sa pag-iisip sa kung ano ang isasagot mo sa mga tanong nya, kailangan precise din ang gagawin mong pagtingin – yung hindi mukhang pangpervert pero ‘di naman mukhang disinterested. Tapos titingin at ngingiti uli sya sayo at kakailanganin mo nanamang ulitin ang mga pinaggagawa mo.

God that’s torture!

kapag nabalitaan mong yung kapitbahay nyo ay kailangang idialysis linggo linggo panghabangbuhay habang tindera lang sa palengke yung asawa nya, may apat silang anak at kanailangan nang huminto nung panganay nila sa kolehiyo dahil sa hirap ng buhay, bigla ka palang mahihiya sa mga nirereklamo mo sa buhay lalo na kung ang mga reklamong ito ay hindi naman magreresulta sa kamatayan o kaya pagkakawatakwatak ng pamilya.

marami na akong napanood at naririnig na istorya ng kahirapan. yung mga batang nagrurugby dyan sa monumento ni bonifacio para ‘di makaramdam ng gutom, yung mga pamilyang namumulot ng pagkain sa basura para muling iluto at yung mga taong walang ibang alam kainin kung hindi noodles at galunggong. sa sobrang dami na nga ng ganitong istorya, parang naging manhid na ako. pero iba pala kapag nangyari ito sa mga taong kakilala mo. maawa ka, mahihiya ka sa sarili mo at mapapagtanto mo kung gaano kababaw ang mga pinagngangawa mo.

kung nababasa lang siguro nila ang blog ko, sasabihin nila sa akin: “really now?”.

churi koreanmine. after so many years ay ngayon ko lang gagawin ang tag mu. churi, churi. 🙂

Here are the rules:

1. Mention the person who tagged you and create a link back to them.
2. Copy-paste the traits for all the twelve months.
3. Pick your month of birth.
4. Highlight the traits that apply to you.
5. Tag 12 people and let them know by visiting their blogs and leaving a comment for them.
6. Let the person who tagged you know when you’ve done it!

JULY: Fun to be with. Secretive. Difficult to fathom and to be understood. Quiet unless excited or tensed. Takes pride in oneself. Has reputation. Easily consoled. Honest. Concerned about people’s feelings. Tactful. Friendly. Approachable. Emotional temperamental and unpredictable. Moody and easily hurt. Witty and sparkly. Not revengeful. Forgiving but never forgets. Dislikes nonsensical and unnecessary things. Guides others physically and mentally. Sensitive and forms impressions carefully. Caring and loving. Treats others equally. Strong sense of sympathy. Wary and sharp. Judges people through observations. Hardworking. No difficulties in studying. Loves to be alone. Always broods about the past and the old friends. Likes to be quiet. Homely person. Waits for friends. Never looks for friends. Not aggressive unless provoked. Prone to having stomach and dieting problems. Loves to be loved. Easily hurt but takes long to recover.

at heto naman ang tag ng kainuman kong si beero. kantatero daw kasi ako. ang totoo, di na ko masyadong kantatero. sober na kasi ako e. naputulan kasi kami ng cable 7 yrs ago at ‘di na ako nakakapanood ng mtv. simula naman nung nagkaroon na ako ng mp3 player e tinamad na akong makinig sa radyo. ang alam ko na lang yatang current song ay yung low na madalas pinapatugtog ng mga nagdadaan dyip na may malakas na speaker at syempre ang always be my baby ni david cook. nastunt ang aking musical knowledge sa 90’s at early 2000.

Here’s the rule: Answer the questions with song titles (your fave songs or songs that you like to play most of the times). No side comments please. Let the song titles explain your answer.

The questions and my answers:
1.) How am I feeling today?
– stuck in a moment

2.) Where/when will I get married?
– kay tagal

3.) What is my best friend’s theme song?
– unbreakable

4.) What is/was highschool like?
– doo woop

5.) What is the best thing about me?
– in your eyes

6.) How is today going to be?
– unusual way

7.) What is in store for this weekend?
– start of something new

8.) What song describes my parents?
– world’s greatest

9.) How is my life going?
-clueless

10.) What song will they play at my funeral?
– breathless?

11.) How does the world see me?
– sweet sexy thing

12.) What do my friends really think of me?
– funny honey

13) Do people secretly lust after me?
– check yes juliet

14.) How can I make myself happy?
– in Him alone

15.) What should I do with my life?
– follow your dreams

16.) Will I ever have children?
– all i want

17.) What is some good advice?
– contented eye

18.) What do I think my current theme song is?
– kaisa isa niyan

19.) What does everyone else think of my current life?
– black

20.) What type of men/women do you like?
– grow old with you

21.) Will you get married?
– all i want

22.) What should I do with my love life?
– follow your dreams

23.) Where will you live?
– london bridge

24.) What will your dying words be?
– never say goodbye

kaanoano ba ni lionel richie…

…si dagul?

minsan kasi magkamukha sila.

pagkatapos mastroke nang limang beses, namatay na kahapon yung kapitbahay naming si ka lino. pinsan daw sya ng tatay ko, kaya mas tama siguro na tawagin ko syang tito lino, pero ‘di naman naging magtyuhin ang turingan namin kaya balik na lang ako sa ka lino. nakakalungkot din dahil hindi ko na sya makikitang nakaupo sa harap ng bahay nila kapag lalabas ako ng kalye namin. at sana’ y hindi ko na nga sya makita lalo na’t madalas akong gabihin ng uwi.

ayoko sanang sabihin ito dahil baka sabihin na wala akong respeto sa kamamatay lang, pero patawarin ako ni ka lino, sya yung ayokong maging ‘pag namatay ako. ‘di ko matandaang nagtrabaho sya at madalas ay lasing. at sa loob ng nakalipas ng sampung taon o higit pa yata, nandun lang sya’t nakaupo sa harap ng bahay nila. ang impresyon sa akin, simula nung unang beses syang nastroke, parang naghintay na lang sya ng kamatayan dahil nakukuha pa nyang manigarilyo. pero in fairness naman sa kanya, sa tingin ko ay mabuti syang lolo dahil sa manakanakang pagpunta nya sa bahay namin upang hanapin ang apo nya. o ayan ka lino, fair ako. kaya mo kayang magbasa ng blog? sana hindi.

ang gusto ko ‘pag namatay ako ay masabi ko sa sarili ko na nagawa ko ang lahat ng dapat kong gawin para wala nang lingunan ‘pag nakita ko na yung light at the end of the tunnel. move on na to the next level. pag nagkataon kasi, baka mafeature pa ako sa mga halloween specials ng iba’t ibang shows sa tv. ang papangit pa naman nung nagrereenact na mga multo sa rated k. hindi nila mabibigyan ng justice ang kakyutan ko.

‘pag namatay ako, gusto ko cremated. ayokong matulad dun sa kuting na namatay sa loob ng sasakyan namin – nalusaw sya at inuod. ayokong bumaho. gusto kong unahan yung mga decomposers para may diginity. tsaka gusto ko sa columbarium ako ilagak dahil praktikal na, sosyal pa.

meron kaming loka lokang titser nung high school na muntik nang sugurin ng mga magulang ng mga kaklase ko. paano ba naman, pinagawa kami ng sarili naming lapida sa isang illustration board with matching last will and testament. nabanggit ko dun yung cremation ko pero may twist. gusto ko ilagay sa fireworks yung abo ko tapos papasabugin sa kalawakan. binabawi ko na yun ngayon dahil ang totoo, pautot ko lang naman ‘yon para tumaas ang grade ko. ginaya ko lang yun sa ripley’s. ang hassle kaya nun sa judgement day. kung bubuhayin ako uli ni God, manggagaling pa ako kung saan saan. baka bago pa ako mabuo, pawis na pawis na ako.

eto yung isa sa pinakagusto kong line sa Interview with GOD:

what surprises you most about humankind? God answered.. “That they live as if they will never die and die as though they had never lived.”

pangalawang beses ko pa lang makapunta ng greenbelt. noong una, inilibre ako nung boss namin sa ojt. noong pangalawa naman, inilibre ako ni kaye (e wala kasi akong dalang pera). oo kuripot ako. hindi ko maatim na gumastos ng tatlong daan para sa isang plato ng kanin at ulam. kung sa jollibee mo kasi gagamitin ang ganung pera, dalawang champ na ‘yon diba? tsaka na lang ako tatambay sa mga ganitong lugar kapag mayaman na ako.

tinanong ako ni miah, bakit daw wala pa akong boyfriend? dalampu’t isang taon na wala pa rin. marami akong dahilan. una, gc kasi ako noong kolehiyo at wala akong panahon para dyan. unless papayag yung tao na maging second priority ko sya. pangalawa, ayoko kasi na ako ang hahanap. gusto ko kusang dumating. yung parang napapanood ko sa mga pelikula. yung magkakabungguan kayo, mahuhulog yung libro mo, pupulutin nyong dalawa at magkakatinginan kayo, magngingitian, tapos dun na magsisimula yung lahat. yung ganun (gusto yata akong batukan ni kaye nung sinabi ko ‘to dahil ayon sa kanya, dapat imeet mo yung tao halfway). pero siryusli, may inhibitions ako kung sa bar lang kayo magkakakilala. gusto ko sa work o kaya friends na talaga kayo. pangatlo, gusto ko kasing maramdaman yung feeling na “it’s more than sex”. so far, wala pa akong nakikitang ganun. at yun yung dahilan kung bakit never akong nakipagcommit sa mga nakilala ko. ang dasal ko nga kay Lord (kung makakalusot lang naman), kung may ibibigay sya sa akin, make it feel right. at pang-apat, sabi kasi ni Lord bawal. kahit ano pang rationalization ang gawin ko, paano ko macocontest kung sinabi nyang bawal? batas yun.

hindi na ako ganoong kaapektado ngayon kesa noon. noon kasi, may self pity factor pa akong nalalaman. ano ba ang mali sa akin? sadyang hindi ba ako pinagpala? siguro napagod na lang ako sa ganitong drama. nageeffort na ako ngayon na iappreciate ang mga bagay na meron ako at pinipilit kong huwag nang tingnan yung mga bagay na wala sa buhay ko.

anyway, may chismis ako. nakita namin si edu manzano. dba si pinky webb ang napapabalitang gf nya? iba yung kasama nya sa greenbelt. hehe.