Laktawan ang galugad

Monthly Archives: Pebrero 2008

VENGEANCE IS NOT OURS IT’S GOD’S – from a declamation piece.

naalala ko ang line na ‘to dahil nabalitaan kong nawalang ng trabaho ang kolektor sa fx terminal na sinasakyan ko. inaamin ko, noong una natuwa ako kasi feeling ko nakaganti na ako sa kanya. pero on a second thought, hindi na masyado – bad yun at baka karmahin pa ako. kailangan kong ipaliwanag ang nauna kong reaksyon. feeling ko kasi sya ang epitome ng salitang ‘ungas’. kahit hindi ko masyadong alam ang word na ‘to, wala lang, feeling ko bagay sa kanya ang salitang ungas. idedescribe ko muna ang itsura nya. pandak sya, maitim, at makapal ang bigote. tapos meron syang kontra bida aura. kung baga sa pelikula, perfect fit sya sa mga roles tulad ng rapist, drug pusher, holdaper and goon. pero hindi naman dahil sa itsura nya kaya ako nabadtrip sa kanya. meron kasi syang ‘ayokong-magsukli-attitude’. nagagalit sya kapag buo ang binabayad ng pasahero with nasty comments and irap on the side. bad trip diba? trabaho nya namang magsukli. marami na akong encounters sa kanya pero yung huli ang pinaka hindi ko malilimutan. bumili ako ng fried noodles noon dahil ugali kong kumain sa fx. tapos habang nageenjoy ako sa aking food trip, bigla syang naningil. e buong singkwenta pesos ang pera ko. ang gusto nyang mangyari, bigyan ko sya ng sampu para bente ang isukli nya sa akin. aba nagalit ba naman at nagcomment ng: “nakabili ka nyang noodles tapos sampu wala ka”. Hindi ako nakareact dahil nagulat ako at pinakailaman nya ang inosenteng noodles ko. tsaka, ano naman ang konek? kapag bumili ka ba ng noodles, automatically meron ka na ring sampung piso? duh! nainis ako kasi hindi ako nakareact. hindi kasi ako confrontational. namemental block ako kapag may tensyon.
siguro hindi ako nakagetover sa insidenteng yun. ang plano ko, sa susunod na sakay ko, magbabayad ako ng limang daan. kapag nagreklamo tsaka ko sasabihin yung line na nirehearse ko: “kuya, hindi ko trabaho ang bigyan ka ng eksaktong halaga. trabaho mo ang manukli! kung wala kang panukli, problema mo na yan”. plano ko ‘tong sabihin with full apathy and ease. para swabe. kaya lang hindi ko na tinuloy. nagbus na lang ako. bakit naman ako mageeffort nang ganun para lang makipag-away?
hanggang sa nabalitaan kong natanggal na nga sya bilang kolektor ng terminal na ‘yon. sabi nung drayber, mahina na daw ang kita dahil nagbubus na lang daw ang mga tao. kaya ayun, tinanggal na sya.
on one hand, nalulungkot ako para sa kanya dahil kaya ko naman lunukin ang pride ko – baka kasi meron syang pamilyang ipinapakain. on the other hand, siguro lesson na rin yun para sa kanya. dapat kasi, kapag nasa transportation industry ka, wag kang ungas. kasi, pagod ang mga tao galing eskwela, trabaho at kung ano ano pa. hindi dapat sila nastrestress sa fx kasi kaya nga sila sumasakay dun ay para maging komportable. kaya sa mga kolektor, taxi driver, jeepney driver, barker at kung ano ano pa, magbago na kayo.

una sa lahat, mapaglaro ka. sabi ko sayo, wag lang kami ipahiya. yun lang. pero ginawa mo kaming 3rd place sa quiz bee na iyon. ang inaalala ko lang naman, baka isa kami sa first batch na maeeliminate. e dyahe naman yun diba? UP kasi kami at mataas ang expectation ng mga tao.

i am so humbled. kaya mo talagang gumawa ng mga imposibleng bagay. una sa lahat, hindi na ganoong katalas ang memorya ko at may ugali akong kalimutan ang mga leksyon pagkatapos ko itong maipasa. wala akong ideya kung anong katanungan ang mga lalabas at kung anong area ng Comsci ang dapat tutukan. pero lumabas ang mga tanong na kahit papaano ay naretain sa utak ko. at para naman sa mga tanong at mga termilohiyang hindi namin alam kung saan hinango dahil ngayon lang namin napakinggan, minabuti mong matsambahan naming sagutan. bakit tsamba? una sa lahat, hindi rational explanation ang mga ginamit ko para makuha ang mga sagot na iyon. pero umuubra naman. at nakakakamangha dahil saktong tumatama. hindi ko maisip na coincidence lang iyon.

mabigat ang loob ko nang sumali sa kompetisyon na iyon dahil una sa lahat, hindi ko naman yun ginusto. isanali ako ng professor ko nang walang kamalaymalay. sumama ang loob ko dahil alam mong wala na akong kayang ibigay. ayoko ng balikan ang bangungot ng buhay ko. said na said na ako. ang pagkakasali ko ay hango lamang sa maling kuro kuro – marami kasing nagsasabi na may ibubuga ako kahit alam ko sa sarili ko na wala. alam mo rin yan diba? hindi ko naman linya ito. hindi ako analytical at rational.

sa kabila nito, tumuloy pa rin ako. may magagawa pa ba ako? kapag hindi ako tumuloy, e di wala na akong excuse para hindi magexam sa isang subject ko. inexcuse na kasi kami ng professor ko para sa kompetisyon na iyon. ang sabi ko sa iyo, ikaw na ang bahala. siguro may plano ka. minsan kasi, pasaway ako. hindi ko type ang mga gusto mo. at ang mga gusto ko yung ayaw mo. sabi ko sa sarili ko, bahala na. kung hindi palarin, masisisi mo ba ako? nagthethesis ako. at isa pa, ako ba ang nagsali sa sarili ko? sa loob loob ko, magdusa sila.

pagpasok ko sa kwartong iyon, pakiramdam ko isa akong insekto. lahat yata ng mga tao doon nakasalamin. tsaka parang ang bigatin. parang walang ginawa sa buhay kung hindi mag-aral ng mga algorithm. nabalot ako ng pagaalinlangan sa sarili ko. kaya ko bang tapatan ang mga taong ito?

kaya dinaan ko na lang sa biro ang lahat. sabi ko sa kapartner ko, kaya namin iyon, kahit iba ang nararamdaman ko. hindi ko alam kung dala ng kawalang pag-asa o desperasyon pero sa mga gaps, nagdodrowing ako ng mga krus sa answer sheet namin. biniro ko uli ang kapartner ko. sabi ko kailangan ka talaga namin. sumasang-ayon naman sya at sumasakay sa mga biro kung iyon.

cross1 cross2

hindi ko na maalala kung ano ang nangyari. natapos ang tatlumpung mahihirap na tanong at isa isang natatanggal ang mga kalahok. masaya kami dahil isa kami sa mga natira. yung lang naman ang hiniling ko sa’yo diba? ayoko lang talagang mapahiya. hindi ko na rin alam kung paano namin nakuha ang 79 pts na iyon – ang pangatlo sa pinakamataas. kung tsamba man yun o hindi,  isa lang ang sigurado ako – na hindi namin iyon nagawa nang kami lang. nandun ka alam ko.

nagpapasalamat ako dahil nanalo kami kahit hindi namin hiniling iyon. nagpapasalamat ako dahil sa mga ipinakita mo sa akin – na kaya ko naman kung nandyan ka lang. ano ba ang gusto mong iparating? na magtiwala uli ako sa sarili ko? nakalimutan ko na iyon e matapos ng mga pinagdaanan ko. katulad ng sinabi ko, pakiramdam ko insekto ako sa mundong ito.

pero maawain ka sa mga insekto. hindi mo silang hinahayaan magapi ng mga higanteng nilalalang. kalaban namin ang defending champion nung isang taon. nakakapagtaka lang na hindi sila nagplace. galit ka siguro sa mga mayayabang. at sa amin ka naawa. salamat talaga.

sa mga sandaling iyon ko nakita na hindi masyadong mahalaga ang mga kaya kong gawin. ang higit na mahalaga ay ang kaya mong gawin para sa akin.

Dalawapu’t isang taon na pero hanggang ngayon wala pa ring impact sa akin ang araw ng mga puso. Although nung grade three ako, naaalala ko na naging king of hearts ako. Nakalimutan ko na kung bakit o kung anong criteria ba ang ginamit sa pagpili nun. Basta sabi ni Mrs. Mogado ako raw yung King of Hearts. Period.

Ayokong sirain ang mood ng araw na ito. ayoko ring kwestyunin ang okasyong ito. Hindi namang masamang maglaan ng araw para ipagdiwang natin ang pag-ibig natin sa ating mga minamahal. Ang ayoko lang, kapag dumarating ang araw na ito at hindi ka naman romantically involved kanino man, aminin mo man o hindi, parang may kurot pa rin. Para kasing kulang ka.  Oo, pwede mo ngang ipagdiwang ang okasyong ito kasama ng iyong kaibigan, pamilya. Pero gusto ko rin namang icelebrate ito with someone na meron akong malisya. Gusto ko ring makipagdate. Gusto ko rin ng first kiss(although technically speaking, hindi na possible yun). Ayoko na ng meaningless sex. Oo nagrereklamo ako.. Kung dalampung isang taon na  kasi at ganito at ganito palagi, nakakasawa rin naman. Ano ba ang mali sa akin? Sadya bang ipinanganak ako na walang swerte sa aspetong ito ng aking buhay. Bakit yung iba, kahit mukhang paa, hitik sa lablayp? Unfair talaga ang buhay.

Kanina, talagang bumabaling ako  ng tingin kapag nakakakita ako ng mga love birds. Para kasi sinasabi nila sa akin na para sa kanila  lang ang araw na ito. Isa pa unhealthy raw kasi na tinatakam mo ang sarili mo sa isang bagay na hindi mo naman kaagad makukuha.

Eto lang siguro ang kailangan ko ngayon. Ang ilabas ito dito sa blog ko. So what kung wala akong love life?

“But seek first His kingdom and His righteousness, and all these things will be added to you.” –Matthew 6:33

I had a date with my adviser’s husband – the head of our program. Unlike the usual dates which you look forward to, this one is something I am dreading to happen. Basically, my output was scrutinized. On one hand, it was good presenting to him. At least I know what to expect come the defense proper. But it made me feel bad at the same time. Aside from the bombarding me with loads of criticisms, the premise of my work was questioned. He said something to the effect that if he had the chance to scrutinize my work before, it would not have passed the first round of defense – which made me question my work. Am I working 7 days a week 12 hours a day for a piece of crap? Why did they approve it in the first place if he had issues with it? He was there when I defended it. I mean they gave me a grade – a clear indication that I have completed the requirements in the prerequisite course. Wasn’t that a clear signal to begin the project?

 It would have been easier if his questions were purely technical and strictly in terms of the whereabouts of the system. But to challenged system itself. O common! Should that have been settled already? It certainly affected my working momentum. Anyway, I don’t have a choice but to pursue what I have and to address the issues he pointed out. It’s too late to make major revisions. Right now, I’m officially refusing to be affected by it. Back to work. Got to get things done

minsan iniisip ko, hindi natin masisisi si adam and eve kung bakit sila natuksong kainin yung mansanas. si God naman kasi, siningle-out pa yung punong yun. kung ako rin si Adam and Eve, at sinabi sa akin ni God na pwede kong kainin ang lahat ng prutas except yung isa na nasa gitna ng kagubatan, hindi matatanggal sa isip ko yung prutas na yun. syempre macucurious ako kung bakit pinagbabawal na kainin yun. diba totoo naman? kung may nagsabi sayong wag mong isipin ang isang bagay, mas lalo mo syang iisipin. paradoxical intention yata ang tawag dun.
pero tama yung pari kanina. kung tutuusin, ang dami naman nilang pwedeng gawin. pwede silang maligo, matulog, maglaro, magsex, mag-alaga ng mga hayop, at kumain ng maraming maraming prutas. pero sa kabila ng lahat ng yan, mas pinili pa rin nilang gawin yung kaisa-isang bagay na pinagbabawal ni God – ang kainin yung prutas sa gitna ng gubat.
bakit ba makulit ang tao? kung ano yung bawal, yun yung gusto nating gawin. kung ano yung bawal, dun tayo nasasarapan. katulad na lang ng lechon o chicharon. ang sarap sarap pero pag inaraw araw mo, aatakihin ka naman sa puso.
minsan tinatanong ko kung bakit pa tayo binigyan ng mga desires kung napakaprone naman nating abusuhin ito.
kung bakla ka at pumasok ka sa isang relasyon, masama daw iyon. common sense pa lang daw, hindi daw nagcocomplement ang organ ng lalaki at lalaki. pero kasalanan ba ng mga bakla na ganun sila? kasalanan ba nila kung lalaki rin ang gusto nila? so ano ang dapat gawin? kung susundin ko yung sinabi ng pari – totoo marami namang pwedeng gawin na ibang bagay. pero minsan hindi ko maiwasang mainggit sa mga tao may significant other lalo na ngayon na papalapit ang valentines. totoo, naiingit ako kapag may nakikita ako sa lrt na sweet na sweet. lalo na kapag nabalitaan mo na halos lahat ng kasabayan mo nung high school ay meron ng ka-on. sa lipunang mayroon tayo, ipapadama sayo na hindi ka kumpleto kung wala kang karelasyon.
minsan tinatanong ko si God, bakit sa dinamidami ng pwedeng ipagbawal, yung sexual orientation ko pa. at this point, naiintindihan ko pa. kasi feeling ko hindi pa naman talaga ako handa sa ganun. feeling ko hindi pa ako mature enough para magdala ng relasyon. pero if ever ready na ako, ibibigay kaya sa akin yun. e bawal nga diba? marami talaga akong tanong. kung meron lang direct dial sa langit, tatawag talaga ako. gusto kong malaman ang mga dahilan.

mga text message sakin ni perl. hindi naman talaga kami close pero sinama nya ko sa text group nya. mahilig sya sa mga short but memorable lines. di ko alam kung san nya kinukuha to. kay God yata kasi tinatamaan ako.

> There are 2 irrvrsible things that we shud luk out: wrong decision and wasted time.

>the Lord satisfies every heart that rests in Him..

>God can use confusing times to bring clarity to our calling.

>a painless lesson is one without any meaning..

>God’s law leads to blessings.

>And what’s in the heart defines the measure of a man.

>Keeping in track w/ jesus in gud and bad times makes us finish this life w/ fewer regrets.

>Sometimes crying doesn’t mean u’ve given up.. Instead it’s a way of saying: “i want to release all the pressure and i’ll be fine..”

> Goodbyes divert us from the call.

>Every man is born with a vacuum, an emptiness that can only be filled by finding God.

kailangan ko na sigurong huminto. literal na masakit na ang daliri ko kakapindot maghaponsa keyboard na ito. at may isang linggo nang ganito ang regimen ko. kailangan e. sacrifice kung baga. total eto na naman yung last. sabi nga nila, ang thesis daw dapat ang masterpiece ng iyong student life. sana talaga matapos ko.

parang jungle na ang thesis ko. ang daming pasikot sikot. kahit ako naliligaw na. hindi naman talaga sya mahirap dahil wala naman akong ginamit na complex algorithm. sobrang dami nya kasing functionalities. napakaburiri pa ng karamihan. kaya eto ako ngayon, nahihilo na.

hindi na ako nakaattend ng job fair kanina sa sobrang dami kong gagawin. sa tantsa ko, early next next week na ang schedule ko sa defense. good luck talaga sa akin, wala pa naman akong laptop. hindi ko pa alam kung paano magpagana ng SSL sa windows. ni hindi ko pa napapakita sa adviser ko yung ginawa ako. at ever since ng madamdaming tagpo ko with JP(i repeat, sya ang world record holder ng pinakanakakabadtrip na tao sa mundo), hindi na ako nagkaroon ng contact sa client ko.

siguro may mga bagay talaga na kahit hindi natin gustong gawin, kailangan nating gawin.