Laktawan ang galugad

Monthly Archives: Hulyo 2010

cute sana yung mama kanina sa jeep. kaso wala syang buhok sa kilikili.

there’s this gay guy in the office, who i know as being narcissistic as confirmed by our common friend, who told that common friend of ours that i’m cute. well, this rarely happens to me – being commended by my own kind. i usually hear this kind of compliment from female friends. things like, “nakakainis naman naging bakla ka pa”. Or “kung hindi ka lang bakla, papatulan talaga kita”. which makes me wonder – was it because of my new shirt yesterday that made that narcissistic gay guy notice me? or is there really a raw material underneath just waiting for a makeover? now i feel narcissistic. haha

i realized that i have a fetish for older accomplished men. so meet Jose Midas Marquez –  then SC spokesman and now the court administrator:

bukod kay crush # 1 and 2, meron pa akong ibang prospects. pero lesser prospects lang, not to the level of crush number 1 & 2.

bakit?

si boytoy/wow ulam, as the name implies, e talaga naman hot. pero one time, pinakita sa akin nung friend ko yung usapan nila sa OC:

friend ko: so magreresign ka?
boytoy: siguro sa july pa, tatapusin ko pa kasi yung ban ko e.
friend ko: ay oo nga pala, may BOND nga pala.
boytoy: oo, mahal yung ban e.

so there.

si voldemort/lord voldemort/LV/he-who-must not be named naman, nung nakita ko profile nya sa Facebook, naging telephone clerck daw sya.

feeling ko may calling ako sa fashion industry, hindi ko nga lang alam sa ngayon kung saang aspeto. sa katunayan, pagkagraduate ko, ang una kong ginawa ay ang magvolunteer sa fashion week.

pero narealize ko na hindi ako para sa mga damit at events. una, hindi ako sosyal at wala akong kahilig hilig makiparty. pangalawa, minsan, wala talaga akong pakialam sa sinusuot ko.

katulad na lang nung isang araw, pagkagaling ko sa palengke, pinagtawanan ako nung labandera namin. nakabeach walk kasi ako, yung sa isang paa, red, sa kabila naman blue.

today is my 24th bday.

kanina, habang naglulunch kami, tinanong  ako ng lolo ko.

lolo: ikaw ba ang may bday ngayon? ilang taon ka na?
ako: 24 po.
lolo: 24? ‘di ka pa nag-aasawa?

sa puntong ito, gusto kong sabihin: lolo, hindi po legal magpakasal ang dalawang lalaki sa Pilipinas.

pero dahil alam kong homophobic, conservative at diabetic ang lolo ko, ang nasabi ko na lang: hindi pa po.

next topic please.