Laktawan ang galugad

matapos ang apat na buwan ng walang patumanggan pagcocode, pagdugo ng ilong, at pakikipagkulitan sa adviser ko, sa wakas at nakapagdefend na rin ako kanina. ito ang ‘the event’ sa buhay namin ng mga kacourse ko. dito kasi kami sinusubukan kung natutunan ba talaga namin ang dapat naming matutunan o kung nagpapanggap lang kami.
iniexpect ko na iihawin ako ng buhay sa loob ng dalawang oras na iyon. knowing ang mga ugali ng mga ‘yun, hindi nila pinapalagpas ang kaliitliitang detalye ng mga bagay bagay. pero maswerte ako at good mood si sir. panay ang ngiti at bitiw ng punchlines. at nandun din si pumpkin, kyut na kyut. tuwang tuwa nga ako pag siya ang nagtatanong. ang ganda kasi ng boses. relax lang ang mood ng defense ko. nakaupo lang kaming lahat at
para lang akong nagkwekwento.
hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon- i survived UP. parang kailan lang nung pumasa ako ng UPCAT. ang angas ko pa nun. kasi kung dati ang hinala ng mga kamag-anak ko ay panay lang ang pameryenda ko sa mga titser ko kaya ako nakakakuha ng mataas na grade, pagkatapos kong matsambahan ang pagsusulit na iyon, ang tingin na nila sa akin ay isang utak na naglalakad. life changing talaga ang pagpasok sa UP. from a conservative catholic school, namulat ako sa liberalismo. unang sabak ko sa UP, pinanood agad kami ng art film na puro kangkangan. sa anthropology naman, kama sutra. natutunan ko rin na marami rin palang hindi katoliko at may mga taong hindi naniniwala sa Diyos.
Sa UP ako nadevirginized. Sa UP ko unang naranasang bumagsak. yung tipong nag-aral ka naman pero wala pa rin. dito ko rin natutunan na may mga pagkakataong walang awa ang buhay – pagsabaysabayin daw ba ang math exams. natutunan ko rin na mas mahalaga
na masipag ka kaysa matalino. ang dami kong kakilalang matalino pero hindi nakakatapos dahil tinamad sila. lahat na yata ng emotional at mental tortures naranasan ko dito. sa hirap ng buhay, hindi mo ito kakayanin kung ikaw lang mag-isa. dito ko nakilala ang ilan sa mga tunay kong kaibigan – ang mga kasakasama ko sa hirap at saya ng buhay kolehiyo. mas mature na ang level of friendship. kung nung high school mga petty matters lang ang nasheshare, ngayon nasasabi ko na sa mga kaibigan ko pati ang plano kong mag-ampon sa hinaharap.BTW, tenk yu aybi por lending mi yor laugh tough.
kaya natutuwa ako na finally pumayag na sila na pakawalan ako sa totoong daigdig. sabi nila it’s hard to enter UP, it’s even harder to get out of it. pahirapan talaga. hindi sila makukuntento hangga’t hindi mo pa nailalabas ang kahulihulihang patak ng dugo at pawis mo. hindi ko nga maisip kung pano ko nakaya yun. mabait lang talaga si Lord sa akin. pagkatapos ng defense, konting revisions na lang, isang final exam at ako na ang hahawak ng manibela ng buhay ko. inaamin ko natatakot ako. paano kung hindi ko marating ang gusto kong puntahan? paano kung mabunggo ako at mapadpad saisang dead end? pakiramdam ko papunta na ako sa isang daigdig kung saan araw araw ang pagsusulit at defense.

all glory to God

Advertisements

3 Comments

  1. goodluck to you 🙂

    watusiboy: salamat geisha!

  2. “pagcocode”? comsci ka?
    yung kapatid ko grumadweyt last year from UP, games programmer na siya sa Anino.
    hindi man ako diyan nanggaling (pero wish ko lang) alam ko kung gaano kahirap mag-aral sa UP base sa humpak na hitsura ng kapatid ko nung nag-aaral pa siya.
    good luck!

    watusiboy: salamat fill. nakakarelate ako sa humpak na itsura ng mga UP estyudeynts. pero di naman lahat ganun. meron pa ring mga kyut gaya ko. hehe.

  3. hey..!
    salamat sa pag bisita..!

    watusiboy: salamat din. sure, y not coconut?


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: