Laktawan ang galugad

May kurot lang siguro ang rejection pero all in all ay kuntento naman ako. The fact na nabilang ako sa fast track, the fact na inirekomenda ako ng prof ko sa kumpanya na gumawa ng printer namin, ay isang malaking karangalan na. So bakit ba? Feeling ko kasi ‘di ako natanggap. Ang katagang: “The manager will review your application. Just keep your lines open” ay alam naman nating katumbas ng: “Hindi ka namin gusto pero ayaw ka naming saktan”. Ang rejection ay rejection pa rin kahit na ikubli mo ito sa iba’t ibang paraan. Pero gusto kong linawin na hindi ako nalungkot sa resulta. In fact katulad ng sinabi ko kanina, kuntento ako.
Mayroon akong inattendan na seminar kung saan binigyan kami ng tips kung ano ang dapat gawin after graduation. Kasama dun ang tamang attitude kapag may interview ka. Ayon sa speaker, isang batikan sa larangan ng HR, higit sa pagbebenta ng sarili, ang interview ay dapat tinitingnan bilang isang oportunidad ng pagtuklas – ang pag-alam kung gusto mo ba talaga yung trabaho. Nasabi ko na ba sa blog na ito na hindi ko gustong pumasok sa IT Industry? Oo, yan ang irony ng aking buhay dahil isa akong CompSci graduate. Kaya lang ako napasabak sa interview na iyon ay dahil nga sa rekomendasyon ng propesor ko na nalinlang ko na magaling ako sa mga bagay na may kinalaman sa computer. Oo, aaminin ko na meron naman akong alam. Pero wala kasi dun ang puso ko. At sawa na akong maging mediocre. So nung interview, talagang inapply ko ang natutunan ko sa seminar na iyon.

Tanong: Do you have issues with shifting schedules.
Sagot ko: Honestly yes. My body clock is not flexible. I don’t think I can handle shifting.
Tamang sagot: NONE. I CAN WORK FOR YOU ANYTIME.

Tanong: Are you proficient in JAVA?
Sagot ko: No because when programming in JAVA, I don’t think that I am able to take advantage of its object oriented nature, I still tend to do it procedurally.
Tamang Sagot: Although I don’t consider myself as an expert in that language, I am confident that what I know is sufficient and given enough time and practice, I know that I can be proficient in it.

Tanong: With your qualifications, I think you’ll be suited as a software developer.
Sagot ko: No sir, I prefer testing (God knows I can’t stand programming). Sort of a QA.
Tamang Sagot: YES. ANYTHING YOU WANT SIR. I’M A FRESH GRADUATE AND I SHOULD NOT BE CHOOSY.

Tanong: Are you willing to work on weekends and holidays?
Sagot ko: No sir.
Tamang Sagot: Yes sir. I’ll do anything for the job!

Tanong: So when are you willing to start?
Sagot ko: Sometime in May or June. I want to think it over and I want to compare various offers.
Tamang Sagot: ASAP sir! ASAP. Whenever you need me

So basically kulang na lang sabihin ko, “I’m not interested”. Hindi ko binenta ang sarili ko at nagsabi lang ako ng totoo. Sampalin mo nga ako. Ang laki laki ng sweldo dun pero ginanun ko lang.
Hindi sa pagmamayabang pero kaya ko naman ipasa ang interview na iyon kung gugustuhin ko lang. Kaya ko rin syang linlangin gaya ng ginawa ko nung interview ko for OJT, gaya ng ginawa ko sa mga professors ko, at gaya ng ginawa ko sa lahat ng tao(except aybi and ate marliz). Pero hindi ko na kayang manggago. Gusto ko nang itama ang mga mali ko. Now na!
Sa isang banda kaya ako sumipot sa interview na ‘yon ay dahil iniisip ko rin na baka kailangan mung akong pumasok sa mga ganung trabaho bago ko magawa yung gusto ko. Ang mahal kasi ng tuition sa School of Fashion and Arts:

Associate’s degree 2yrs Fashion design and marketing:P325,000

Diploma courses

1yr Fashion design P195,000
Fashion marketing P180,000

Certificate programs:

Fashion design, Clothing Tech, Merchandising P60,000 each
Short courses 14 sessions P15,000
8 sessions P12,500

So katangahan ba ang ginawa ko? Sampalin mo nga ako.

 

 

7 Comments

  1. sa tingin ko tama naman ang sinagot mo…kung hindi ka nagmamadali maghanap ng work. naging totoo ka lang naman sa sarili mo kaya wala kang dapat pagsisihan. sayang na kung sayang pero panigurado naman akong di ka rin magtatagal sa work na yun kung di mo talaga sya gusto.

    watusiboy: yeah. in the long run, ang pinakamahalaga naman ay kung gusto mo ang ginagawa mo o hindi. salamat.

  2. tama. iba pa rin yung masaya ka sa trabaho mo kasi kahit papanu mkakaapekto yun sa pagiging ‘effective’ mo bilang empleyado.

    salamat nga pla sa pagdaan sa page ko. 😉

    watusiboy: camilee, ang kyut nung pic mo. ikaw ba yan o si aiza seguerra nung bata? hehe. salamat!

  3. hindi kita sasampalin kasi pareho tayo ng sitwasyon..gusto ko ring mag skul sa Fashion and Arts…pero eto ako ngayon balik pag-aaral sa Management (nagtatrabaho na kasi kaya balik pag-aaral ang term)…gano man kalaki ang sweldo basta di fulfilling at di ka masaya dun…la pa ring kwenta…

    hahays..kelan ko ka pa kaya mapag-aaralan ang totoong gusto kong kurso…Payn Arts, major in Interior design..tsk tsk…mananatiling suntok sa bwan…

    watusiboy: uy natry mo na bang maginquire sa philippine school for interior design? sila kasi yung nagdedesign sa pinoy big brother, diba? gusto ko rin ng interior design. hehe. ang dami kong gusto. minsan nga iniisip ko nang sumali sa game ka na ba para makapagenrol sa mga ganyang skul e.

  4. uhm! tinamaan ka ba? lols
    kung hindi mo pa namang kailangan agad ng trabaho eh wag ka munang magmadali. madami pang opportunities dyan at sa tingin ko eh kaya mo namang ipasa kung gugustuhin mo. mabuti nang ikaw yung mamimili kesa naman sa tatanggap ka agad ng trabaho na hindi mo talaga magugustuhan.
    ganyan din yun dahil ni gi ep ko eh, IT ang course niya pero ayaw niya munang mag-work sa field as a programmer. gusto niya muna daw maging full-time asawa ko..hahaha
    ang mahal naman ng TF sa fashion and arts. pero magandang course yan. pagpatuloy mo lang ang gusto mo.

    watusiboy: oo nga e, tinamaan ako sa post mo e. panindigan ko na lang kaya yung sinabi ni oscar wilde? parang mas madali yun e. hehe. sana magkatuluyan kayo ng gi ep mo.

  5. Hey, I’m new to all this blogging thing – and I’ve set up my own…it’s very cosmoplitan about my personal life of fashion, make-up and bitches!!
    comment on the gossip!! Plz??
    I’ll be waiting…
    xoxo

    watusiboy: great! sige, dadaan ako.

  6. nope. Hindi. Kung yun yung alam mong tama eh…

    napansin ko na nagbago ang avatar mo wei. kanina ko pa tinitingnan pero di ako makabuo ng image. malabo na siguro mata ko. hehe. in time, malalaman ko rin kung tama ang mga sinagot ko. sana talaga.

  7. grabe ha! ang tarush ng mga sagot mo. kung sa iba cguro na hu wud see it as an honest answer and wud credit u for it ay ok na ok, pero bihira yun..

    pero on d aderhand, mas ok na yun kesa mapunta ka sa work na inde mo nmn maeenjoy. being honest wd urself liberates u. congratz and kudos 😀

    oo nga bihira yung mga ganung kind. pero kasalanan ko din kasi pumunta punta pa ‘ko dun. hay, natatawa na lang ako ‘pag naalala ko ang mga sinagot ko sa kanya.


Mag-iwan ng puna