Laktawan ang galugad

Monthly Archives: Hulyo 2008

tinanong ako nung konduktor sa bus kung estudyante daw ba ako. shit. muntik na akong magblush.
dalawa lang ang ibig sabihin nun – hindi pa rin nawawala ang aking student appeal o mukhang uniporme yung long sleeves na gray na binili ko dyan sa tutuban. pero dahil blog ko ‘to, sinisuguro ko na dahil yun sa una.

yung nag-aalok sa aking ng flyers ng fitness first, ano kaya ang iniisip nya? na isa akong health buff? o lubha akong nangangailangan ng ehersisyo?

yung nag-aalok sa aking ng credit card, iniisip kaya nyang kaya ko yun bayaran? o isa akong empleyado na walang disiplina sa spending habits na pwede nilang iharass ‘pag nagkataon?

yung nakakabadtrip na nagaalok sa akin ng discount card sa motel na nagtataka ako kung may mga kumukuha ba nun? ano kaya ang iniisip nya? na nakakapagtakang wala akong partner? o isa akong manyakis na parokyano ng mga motel?

ang gusto ko sana, alukin ako nung mga ahente ng mga condo dahil ang ibig sabihin nun mukha akong mayaman o maganda yung suot ko (pangmayaman) o mukha akong mabango (parang mayaman).

Company B ang pinili ko. Ang ibig sabihin nyan, sa ngayon, goodbye itouch, foodtrips, and expensive clothes. Kailangan ko munang mag-ipon para sa plano kong pag-aaral uli. Nabasa ko rin yung libro ni Francisco Colayco. Isang responsibilidad daw ang pag-iipon dahil ito ay pag-iinvest sa iyong future. Sana lang mapanindigan ko. The mind is willing but the flesh is weak.

Gusto kong pasalamatan ang lahat ng nagcomment sa previous post ko. Lumakas ang loob ko na panindigan ang desisyon ko. Ipagpaumanhin din ninyo ang delayed kong pasasalamat/reply dahil minabuti ko munang gawing opisyal ang lahat bago ako magkwento dito.

Naging mahirap para sa akin ang desisyon na ito dahil kahit na ano pa ang sabihin ko, ang pera ay pera pa rin. Myerkules ng gabi, sinulat ko sa papel ang mga rason ko kung bakit dapat si company A o si company B ang piliin ko. Nakasulat ako ng 50+ reasons kay company B nang walang kahirap hirap habang pito lang ang naisulat ko para kay company A. kaya obviously, si company B na ang pinili ko.

Hindi ako martir para pakawalan si company A dahil hindi naman kami mayaman. Kaya nauwi ako sa pakikipagbargain kay company B kahit unsolicited ito. Bigla kasi silang nagset ng price at hindi man lang ako tinanong. Sa huli, pumayag din silang taasan ang offer nila. At kahit hindi naman ganoong kataas, ayos na rin dahil at least alam kong pinapakinggan nila ako. Yun ang nagustuhan ko sa kanila ā€“ marunong silang makinig.

Hindi ko nga akalain na sa kanila ako mauuwi. Unang encounter ko sa kanila, sablay. Pinagexam nila ako noon pero nung nalaman kong may bond yung posisyon na yun, pagkatapos na pagkatapos nung exam, sinabi ko dun sa HR na hindi na ako tutuloy kung may bond. Nakakasiguro ako na hindi ko iyon ginawa para magmalaki o sa kung ano pa man. Pagkagraduate ko kasi, ang pangako ko sa sarili ko, hinding hindi na ako papasok sa isang bagay na hindi ko gusto.

Pagkatapos ng makapagbagdamdaming speech na iyon, ibingay sa akin yung resulta. Pasado daw ako. Toink.

Hindi na ako umasa na tatawag uli sila pagkatapos nung ginawa ko pero tumawag uli sila 2 weeks after. That time iba na yung posisyon na inooffer nila ā€“ wala ng bond. Yahoo. Pagkatapos nilang ipaliwanag sa akin yung posisyon, dun na nagkaroon ng spark. Feeling ko talaga, hulog ng langit sa akin ang posisyon na iyon.

Akala ko magiging mahirap ang mga susunod na pangyayari. pero pagkatapos kong ipaalam kay company A ang naging desisyon ko, hindi ako nakaramdam ng panghihinayang. Ewan ko ba, abnormal yata ako.

Hindi ko sigurado kung tama ang naging desisyon ko. Siguro panahon lang ang makakapagsabi nun. Pero masaya ako sa ginawa ko at sa ngayon, siguro iyon ang mahalaga.

kung pipili ka ng trabaho, hindi daw dapat pera ang maging pangunahing basehan sa gagawin mong desisyon. ayon yan sa isang batikang HR na nagbigay sa amin ng talk bago kami grumaduate.

madaling sabihin ngunit mahirap gawin.

merong akong dalawang job offers ngayon. wala akong masasabi sa offer ng company A. lumaki nga ang ulo ko sa offer nila. feeling ko superstar ako. sa company B naman, hay, napabuntong hininga na lang ako. hindi man lang nag-effort tapatan yung offer ng company A. naawa ako sa sarili ko sa offer nila.

in fairness ay mas established naman si company B. kuripot nga lang

ang problema mas gusto ko si company B. sa lahat ng interviews na napuntahan ko, dun lang ako nagkaroon ng spark. at gusto ko talaga yung trabaho relative sa lahat ng inapplyan ko.

may mga tao na habang nakikipagsex ay nagiimagine ng ibang tao. ganun yung nararamdaman ko sa mga interviews nung mga ibang companies – si company B pa rin ang nasa isip ko. doon ko lang naiimagine ang sarili ko sa ngayon.

pero sa tindi ng offer ni company A, parang may nagsasabi sa akin na, “teka lang, kung gugustuhin mo, pwede ka naman dito sa akin.” pero wala talagang spark e. at aaminin ko na kung tatanggapin ko man ito, dahil lang ‘yon sa pera.

inclined ako na tumuloy kay company B. sana ay hindi ko pagsisihan ang desisyong ito pagdating ng araw.

nagdadalawang isip pa rin ako. hanggang hwebes na lang ang deadline ni company A. kailangan kong magdesisyon.