Laktawan ang galugad

ok, medyo enough na muna ang pagbabad ko sa blog ko. last week ok lang kasi anyway, katatapos lang ng thesis ko. treat ko na yun para sa sarili ko. ang cheap ko talaga.

icoconvince ko ang mga magulang ko na payagan nila akong umattend sa fashion forum sa Benilde. sasabihin ko, grad gift na nila yun. hay, ang noble na gift. gusto ko sana ipod e. pero ganun talaga. sacrifice muna hanggang hindi pa successful.

so tinatapos ko na ang mga revisions dito sa system. so far ok na. yung paper na lang. parang tinatamad na nga ako. vacation mode na ang utak ko.

balak ko na imbes na ubusin sa blogging ang spare time ko, tatambay na ako sa job street. para naman mapagplanuhan ko na ang aking career. yeah, i don’t want a job – i want a career. may difference daw yan. in a nutshell mas meaningful ang huli. feeling ko talaga nasa crossroad ako – either magpakasafe ako at ipursue itong nalalaman ko sa IT o magtake ako ng risk at gawin yung gusto ko. ano ba kasi ang pumipigil sa akin? siguro yung expectations ng iba. ako lang kasi ang nakatapos ng UP at iniexpect nila na papasok ako sa malalaking kumpanya. tsaka gusto ko kasing kahit papaano, may maabot sa mga magulang ko. yung dalawang kuya ko kasi, kahit nagtatrabaho na, nanghihingi pa rin ng pera. kapag IT ang pinursue ko, alam kong magagampanan ko ang role ng isang mabuting anak. mahina na siguro yung 15k isang buwan kapag doon ka sa industriyang iyon pumasok. pero it doesn’t feel right. alam ko na hindi rin ako tatagal dun. without any exaggeration alam kong kapag doon ako, magkakasakit ako at baka mapamahal pa sila ng gastos pagpapagamot sa akin. kung dun naman sa isa, alam kong magsisimula ako sa mababa – baka nga sa pinakamababa. pero feeling ko dun ako magiging masaya. i cannot give what i don’t have. kailangan ko muna sigurong magpakaselfish. gagawin at gagawin ko rin naman ‘to, bakit ko pa patatagalin?

so kinompute ko ang minimum na sahod na kailangan ko upang hindi na ako aasa ng allowance sa magulang ko at makakapag-abot sa kanila at the same time. 12K / month ang kailangan ko. sana makakita ako ng ganun.

gusto kong ispend ang holy week upang magreflect. actually, parang malinaw naman sa akin ang lahat. siguro, gusto ko lang mag-ipon ng lakas ng loob na gawin ang sa tingin kong tama at harapin ang consequences na kaakibat nito.

Advertisements

6 Comments

  1. gudlak sayo at sa decisions mo.. at sabi daw,
    pray hard..it works 😉

    uy, tag line yan ni recom echiverri. hehe. taga caloocan ka ba koreanmine? salamat. 🙂

  2. wow! gudlak sa paghahanap ng career! 😀

    salamat ferbert! sana may makita ako.

  3. aba.. mganda yang mga planu moh… pwedeng pa join hehehe…

    sige sige. d more the merrier. ahehe.

  4. sus!! ako kaya?..kelan kaya ako maka-decide kung aling career ang tutunguhin ko…ah, cguro pagtapos na ko sa college noh?…(Watusiboy:Malay ko sayo..)…heheheh…sagutan mo yung tag ko ah!

    uy ano ka ba. alam ko darating ka rin dun. uy random, pano mo ba malalaman na ‘tinag’ ka ng isang tao? ahehe. sori di ko talaga alam.

  5. hehe taga malabon kaya lagi ko nadadaanan yang smiley na may bagote 😀

    haha. nakakaumay yung mga ganun sa kalookan no? parang every street merong mga smiley face ni recom. ahehe

  6. goodluck to you 😀

    sana tama ang desisyon mo 😉

    sana nga(crossing fingers)


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

w

Connecting to %s

%d bloggers like this: