Laktawan ang galugad

dear blog,

ngayon ko lang narealize na naaassociate ko sa happiness at good feeling ang snow. siguro isa yun sa mga dahilan kung bakit gustong gusto ko ang pelikulang serendipity at sinubaybayan ko ang koreanovelang my girl. syempre idagdag pa dyan na hopeless romantic ako at talaga namang kyut si julian. kita mo naman snow flakes na ang drama ng bago mong header image. hindi ko sinadya yan. feeling ko kasi bagay sa theme na ito ang faded blue kaya naghanap ako ng imahe na may katulad na kulay. ‘yang header na yan ang pumukaw sa atensyon ko. tsaka ko lang narealize na may snow nung naupload ko na.

nagsawa na kasi ako sa dati mong itsura – ang lalaki kasi ng font. tsaka para lang ako nagbabasa ng isang ms word document – puro puti ang nakikita ko. ang totoo nyan minsan natempt akong gawin kang black. ewan ko kung nainggit lang ako sa kulay ng mga ibang blog. pero di ko na rin tinuloy kasi naisip ko rin na itim ang kulay ng rak-en-rol, galit at kadiliman. medyo salungat sa personalidad ko.

pero sa totoo lang, hindi ko alam kung kuntento na ako sa itsura mo ngayon. para kasing ang putla mong tingnan. parang walang kabuhay buhay. minsan gusto kong gumawa ng flicker account o kaya lagyan ng litrato ang lahat ng post ko para magkakulay ka lang. gusto kong makakita ng shades of orange and apple green. maglagay kaya ako ng litrato ng krismas tree? o kaya mistle toe? duh, panindigan ba ang christmas feel.

pasensya ka na tamad talaga ako pagdating sa mga ganitong bagay. ‘di rin kasi ako masyadong magaling magphotoshop. tsaka ko na lang iibahin ang itsura mo kapag nagsawa na ulit ako. sa summer siguro lalagyan ko ng mga bukonut trees, beach at hot babes ang header na ‘yan.

maiba ako. maraming nangyari nitong nakaraang tatlong buwan. kahit ako nagtataka kung bakit hindi ko ‘yon naikwento sa iyo. siguro dahil nagkaroon na ako ng sense of censorship. kahit papaano ay may mga naliligaw din dito. kahit papaano ay sumasagi rin sa isip ko kung ano ang iisipin nila. hindi naman ako nagpapaapekto masyado dun. siguro namimiss ko lang yung dating openess natin sa isa’t isa. totoo rin siguro yung kasabihan na may hangganan ang kalayaan.

marami ring mangyayari sa mga susunod na araw. hayaan mo, babawi ako sa iyo. basta, depende sa mood ko. o pano, makuntento ka muna sa itsura mo ngayon. ciao!

Advertisements

8 Comments

  1. uy kwentong pwedeng ma-censor, gusto ko iyan. go! hahahaha! =D

    hehe. o sige pagiisipan ko. baka kasi ma marked as adult itong blog ko e. hehe.

  2. mang-aasar lang ha: anemic yata si blog?

    (dadanak ang dugo, wag naman sana sa akin.. hehe)

    oist di naman ako rak-en-rol at galit sa mundo… black is my HAPPY COLOR. totoo yan. chismis lang yon ng matatanda na pang-certain people ang certain colors.

    atin atin lang: gusto ko yung font mo dati kasi di ko kailangan gamitin ang handy dandy salamin sa mata. wehehehe

    e pero suportahan taka kung saan ka maligaya.

    😀

    oo nga e. parang anemic. kaya nga iniisip kong maglagay ng pics ng mga puno, kalikasan, etc. mga ganun. para magkaroon lang ng kulay.
    hindi ako against sa black. may point din sa buhay ko na mahilig akong magblack. ewan ko, nagsawa yata ako.
    gusto mo pala ang malalaking font. feeling ko kasi, kung baga sa handwriting, pang grade 1 yung font ko. hehe.

  3. itim ang kulay ng rak-en-rol, galit at kadiliman – ang lakas ng psychic power mo! hehe! tinamaan ako dito ah. pero di naman ako galit at mas lalong walang halong kadiliman ang blog ko, cgro maitim lang tlga ako. hehe! black is one of my favorite colors and i made it as the color of my blog skin kasi parang mas nababasa ko yung mga letters pag light colors sila at dark yung background. actually yun tlga yung naisip kong rason nung time na namimili ako ng theme. anyhow, i love snow too! pakiramdam ko nasa ibang planeta ako pag winter at nag-snow. nice job with your theme! relaxing ang dating. 🙂

    buti ka pa nakaranas na ng winter. naisip ko lang, pwede kayang gamitin yung snow sa halo halo? pino naman ang texture ng snow diba?
    y, i have nothing against black. feeling ko lang, hindi ito tugma sa akin as of the moment 🙂

  4. para sa akin, mas mahalaga pa rin ang laman ng blog kesa sa hitsura niya.. pero nakakaagaw atensyon din kapag maganda hitsura ng blog mo.. okay naman tong hitsura ngayon ng blog mo, malinis tingnan! 🙂

    tama ka. pero gusto ko kasi maganda ang makikita ko everytime binubuksan ko ang blog ko. nagsawa na ako dun sa dati nyang itsura.

  5. another aztig blogger..tsaka i don’t care about the itsura of your house, it’s who the hell is in there. keep rockin’ egis erp..

    http://snobero23.wordpress.com/

    what is egis erp? hehe. napasearch tuloy ako sa google ng di oras.
    salamat sa pagdaan. you’re not snobero after all. 🙂

  6. nung nakita ko yung snowflakes, parang gumaan feeling ko… seryoso 😀

    salamat at naappreciate mo wei. pero aminin mo, after a while parang marerealize mo na ang putla nya. hehe 🙂

  7. in fairness, maganda siya at malinis tingnan. 🙂

    saka tama naman si lingling na wala sa itsura ng blog ang ikagaganda nito, mas importante pa rin ang laman. pansin mo nga black yung blog ko hehehe, pero para sa kin naman,,,mahilig lang ako mag-eksperiment ng kulay.(depensib ba mashado??)

    gayong mainit dito sa UAE sobraa!! tamang-tama ang heading mo para ma-preskuhan naman ako. 😀 nakaka-miss ang winter.

    —–

    salamat at naappreciate mo aling baby. hindi ako against sa black. hehe. depensib rin. sa tingin ko kasi hindi ito bagay sa akin sa ngayon. 🙂

  8. uu nga ako nga rin diko rin alam kung anong gusto kong layout parang lahat gusto ko pero pag nalagay ko na yung layout sasabihin kong parang may kulang…kung nakakapag salita laptop ko tingin ko namura nako nito kapapalit… haiz! sorry blogsite ko!

    —–

    hehe. i can relate to the feeling.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

w

Connecting to %s

%d bloggers like this: