Laktawan ang galugad

pangalawang beses ko pa lang makapunta ng greenbelt. noong una, inilibre ako nung boss namin sa ojt. noong pangalawa naman, inilibre ako ni kaye (e wala kasi akong dalang pera). oo kuripot ako. hindi ko maatim na gumastos ng tatlong daan para sa isang plato ng kanin at ulam. kung sa jollibee mo kasi gagamitin ang ganung pera, dalawang champ na ‘yon diba? tsaka na lang ako tatambay sa mga ganitong lugar kapag mayaman na ako.

tinanong ako ni miah, bakit daw wala pa akong boyfriend? dalampu’t isang taon na wala pa rin. marami akong dahilan. una, gc kasi ako noong kolehiyo at wala akong panahon para dyan. unless papayag yung tao na maging second priority ko sya. pangalawa, ayoko kasi na ako ang hahanap. gusto ko kusang dumating. yung parang napapanood ko sa mga pelikula. yung magkakabungguan kayo, mahuhulog yung libro mo, pupulutin nyong dalawa at magkakatinginan kayo, magngingitian, tapos dun na magsisimula yung lahat. yung ganun (gusto yata akong batukan ni kaye nung sinabi ko ‘to dahil ayon sa kanya, dapat imeet mo yung tao halfway). pero siryusli, may inhibitions ako kung sa bar lang kayo magkakakilala. gusto ko sa work o kaya friends na talaga kayo. pangatlo, gusto ko kasing maramdaman yung feeling na “it’s more than sex”. so far, wala pa akong nakikitang ganun. at yun yung dahilan kung bakit never akong nakipagcommit sa mga nakilala ko. ang dasal ko nga kay Lord (kung makakalusot lang naman), kung may ibibigay sya sa akin, make it feel right. at pang-apat, sabi kasi ni Lord bawal. kahit ano pang rationalization ang gawin ko, paano ko macocontest kung sinabi nyang bawal? batas yun.

hindi na ako ganoong kaapektado ngayon kesa noon. noon kasi, may self pity factor pa akong nalalaman. ano ba ang mali sa akin? sadyang hindi ba ako pinagpala? siguro napagod na lang ako sa ganitong drama. nageeffort na ako ngayon na iappreciate ang mga bagay na meron ako at pinipilit kong huwag nang tingnan yung mga bagay na wala sa buhay ko.

anyway, may chismis ako. nakita namin si edu manzano. dba si pinky webb ang napapabalitang gf nya? iba yung kasama nya sa greenbelt. hehe.

Advertisements

5 Comments

  1. mala-serendipity pala ang gusto mo.. hehehe!!

    uyyy, si chairman, nambababae!! haha!

    serendipity? gusto ko yan. makapunta nga sa dept store. dun sa socks section. baka may makaserendipity ako.

  2. pareho tayo, dati ganyan din ang ideal na pag-meet namin ng special someone ko hihihi…*kinilig.

    naniniwala pa rin ako na darating din siya,,,ung para sa’yo…wag ka na mainip. πŸ˜‰

    aling beybi, ewan ko ba, di na ko masyadong naghihintay. slight na lang. hoping but nor really expecting

  3. “yung parang napapanood ko sa mga pelikula. yung magkakabungguan kayo, mahuhulog yung libro mo, pupulutin nyong dalawa at magkakatinginan kayo, magngingitian, tapos dun na magsisimula yung lahat. ..”

    langya, kulang na lang e maghabulan sa beach at magrun towards each other in slo-mo sabay hug while iikot-ikot.

    lam mo, watusi, sa tatlong dekada mahigit ko dito sa planet earth, yan na talaga ang tema ng tunay na pagibig according to the pinilakang tabing. hoax yan. eto ang tunay na nangyayari:

    hindi mo siya type sa unang tingin pa lang

    marami kang kaiinisan sa kanya
    kung minsan iwi-wish mo na sana’y madapa siya
    sasabihin mo sa prends mo i’d rather eat sh^t and die than date that %&*@!!
    … etc… etc…

    tapos 2 years later, nasa harapan na kayo ng dambana.

    and you live happily, ever!

    haha, natawa naman ako dun. siryusli, di ko naisip yung sa beach. pero pwede rin, why not. haha. gusto ko rin yung kakanta kayo sa park dalawa, tapos magsasayaw lahat ng mga tao dun. hay, eto siguro ang price ng sobrang panonood ng tv at mga pelikulang pilipino. pero siryusli talaga, gusto kong magkalove story na akin lang. yung unique. naks. πŸ™‚

  4. ang drama….. hindi pa pwedeng parehas nalang kayong makukulong sa isang selda at dun mag iibigan… lols! πŸ™‚

    mardito, ang wild mo! gusto mo pa may cage. haha

  5. ayus na sana eh.. naniwala na ako…hahahah

    may chizmax ka pang pahabol ..hahahahahah :lol

    ganun ba? mas maganda ba kung blind item na lang? hehe


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: