Laktawan ang galugad

VENGEANCE IS NOT OURS IT’S GOD’S – from a declamation piece.

naalala ko ang line na ‘to dahil nabalitaan kong nawalang ng trabaho ang kolektor sa fx terminal na sinasakyan ko. inaamin ko, noong una natuwa ako kasi feeling ko nakaganti na ako sa kanya. pero on a second thought, hindi na masyado – bad yun at baka karmahin pa ako. kailangan kong ipaliwanag ang nauna kong reaksyon. feeling ko kasi sya ang epitome ng salitang ‘ungas’. kahit hindi ko masyadong alam ang word na ‘to, wala lang, feeling ko bagay sa kanya ang salitang ungas. idedescribe ko muna ang itsura nya. pandak sya, maitim, at makapal ang bigote. tapos meron syang kontra bida aura. kung baga sa pelikula, perfect fit sya sa mga roles tulad ng rapist, drug pusher, holdaper and goon. pero hindi naman dahil sa itsura nya kaya ako nabadtrip sa kanya. meron kasi syang ‘ayokong-magsukli-attitude’. nagagalit sya kapag buo ang binabayad ng pasahero with nasty comments and irap on the side. bad trip diba? trabaho nya namang magsukli. marami na akong encounters sa kanya pero yung huli ang pinaka hindi ko malilimutan. bumili ako ng fried noodles noon dahil ugali kong kumain sa fx. tapos habang nageenjoy ako sa aking food trip, bigla syang naningil. e buong singkwenta pesos ang pera ko. ang gusto nyang mangyari, bigyan ko sya ng sampu para bente ang isukli nya sa akin. aba nagalit ba naman at nagcomment ng: “nakabili ka nyang noodles tapos sampu wala ka”. Hindi ako nakareact dahil nagulat ako at pinakailaman nya ang inosenteng noodles ko. tsaka, ano naman ang konek? kapag bumili ka ba ng noodles, automatically meron ka na ring sampung piso? duh! nainis ako kasi hindi ako nakareact. hindi kasi ako confrontational. namemental block ako kapag may tensyon.
siguro hindi ako nakagetover sa insidenteng yun. ang plano ko, sa susunod na sakay ko, magbabayad ako ng limang daan. kapag nagreklamo tsaka ko sasabihin yung line na nirehearse ko: “kuya, hindi ko trabaho ang bigyan ka ng eksaktong halaga. trabaho mo ang manukli! kung wala kang panukli, problema mo na yan”. plano ko ‘tong sabihin with full apathy and ease. para swabe. kaya lang hindi ko na tinuloy. nagbus na lang ako. bakit naman ako mageeffort nang ganun para lang makipag-away?
hanggang sa nabalitaan kong natanggal na nga sya bilang kolektor ng terminal na ‘yon. sabi nung drayber, mahina na daw ang kita dahil nagbubus na lang daw ang mga tao. kaya ayun, tinanggal na sya.
on one hand, nalulungkot ako para sa kanya dahil kaya ko naman lunukin ang pride ko – baka kasi meron syang pamilyang ipinapakain. on the other hand, siguro lesson na rin yun para sa kanya. dapat kasi, kapag nasa transportation industry ka, wag kang ungas. kasi, pagod ang mga tao galing eskwela, trabaho at kung ano ano pa. hindi dapat sila nastrestress sa fx kasi kaya nga sila sumasakay dun ay para maging komportable. kaya sa mga kolektor, taxi driver, jeepney driver, barker at kung ano ano pa, magbago na kayo.

Advertisements

4 Comments

  1. hehe… sabi nga ng pangalan ko :

    ‘wei of life’ 😉

    watusiboy: uu nga noh? akalain mo may natututunan pala ako sa mga pagsakay sakay ng bus. =)

  2. hehe, tama ka, bagay nga sa kanya ang salitang ungas 😀
    altho, alam naman natin na bad3p karaniwan sa driver yung walang eksaktong pambayad, minsan, di maiiwasan tlga na buo ang pera natin di ba, and inde tama na pagsalitaan dahil dun, its not nmn lyk nanadya or samting… n berigud, u know how to rationalyz ur anger 😀

    btw, now q lang nagets na watyousee pala yun. hehe

    watusiboy:hehe. actually hindi ko naman talaga intended na ganun. naisip ko lang yan along the way para mukhang pinagisipan ang blog. pero ang totoo, nakyukyutan lang talaga ako sa salitang watusi.

  3. napaka classic naman ng story… 🙂 lahat (lalo na ako) nakakarelate! 🙂

    bloghopping po kuya 🙂

    watusiboy: maraming salamat geisha! akala ko dati ako lang nakakarelate sa mga pinagsasabi ko =)

  4. part time kolektor ako. hayaan mo, pag may nagbayad ng 500 sa akin, bibigyan ko ng tigbebentesingko. lolz. joke lang.

    ayos ang kwento mo, madalas akong maka-encounter niyan. lalo na yung mga konduktor ng bus na kapag nanghingi ng piso eh matapang sa mga matador sa mehiko ang angas. sarap balumbunin ng mukha eh…lolz.
    salamat pala sa pagdaan sa blog ko. hehehe

    watusiboy: actually, dati pa ako dumadaan sa blog mo, pero ngayon lang ako nagcomment. natutuwa kasi ako sa mga entries mo. hehe. salamat din sa pagdaan


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

w

Connecting to %s

%d bloggers like this: