yung mga emergency exit pala sa mga building, ginawa lang sya for exit. ibig sabihin, kapag nakapasok ka dun, no turning back – dapat lumabas ka kung saan yung exit. paano ko nalaman? e kasi ang tanga namin ni jessie. dun kami dumaan.

lumagpas kasi kami ng isang floor. again, dahil ito sa katangahan namin dahil hindi namin pinidot yung ‘18′. bumaba kami sa 19th. sabi ko sa kanya magstairs na lang kami. feeling namin yung emergency exit yung stairs pababa. hehe.

ayun, natrap kami.

sinubukan kong buksan yung pintong nilabasan namin, ayaw. sinubukan kong buksan yung pinto dun sa baba, ayaw rin.

si jessie naman kumakatok, umaasang may makakarinig sa amin. buti na lang talaga wala kasi dalawa lang ang maiisip nya- na ang tanga tanga namin o kaya naman meron kaming ginagawang kababalaghan dun.

eto pa ang nakakatawa, naisip ni Jessi na dumaan dun sa kisame. yung parang dinaanan ni tom cruise sa mission impossible. gusto kong sabihin kay jessie, adik ka ba?

ang ending, bumaba kami hanggang makakita kami ng exit. ayos na rin -exercise.

pero bakit serendipity ang title ng post na ‘to? kasi kung hindi nangyari sa amin yun, hindi ko makakasabay si crush no 2 sa elevator. hahaha. ang liit pala nya. nakita ko din yung anit nya sa malapitan.

nung moment na yun, winish ko na sana 1000 floors na lang yung building na yun para tumagal tagal naman yung moment namin.

gusto ko lang manawagan sa yahoo dahil merong hindi katanggap tanggap na bug sa sistema nyo…Obviously hindi Francesca ang pangalan ko!

In English:

Calling the attention of yahoo – there’s an unacceptable bug in your system. Obviously, my name is not Francesca!

bug

ang cute ko daw, sabi ni mhelai – sa malayo.

kung ‘di lang kita prend mhelai.. ipapamukha ko sayo yung galit na galit mong pimple(s).

sa tingin ko hindi naman ako pangit. pero hindi din naman ako gwapo. average. tama lang para hindi ako kaawaan. tama lang din para hindi mapakagat labi ang mga tao kapag dumadaan ako. yung tama lang na merong magkamali. pero tama lang din para hindi pag-agawan.

maraming beses ko nang nasusulat ‘to – minsan, naiinggit ako sa mga gwapo’t magaganda. aminin man natin o hindi, pisikal na kaanyuan naman talaga ang unang napapansin ng mga tao. at kapag maganda at gwapo ka, inaattribute sayo ang mga magagandang katangian.

minsan gusto ko ring maramdaman na pagnasahan ako ng mga tao sa sekswal na aspeto. seryoso. yung tipong maging pantasya ka nila. yung feeling na ang “hot- hot” mo. yung matingnan na parang gusto ka nilang hubaran.

sa kabilang banda, ok na rin siguro na average looking lang ako.

dahil kung naging kamukha ko siguro si hayden kho..siguro, may 40+ sex videos rin ako. o kaya naman 10 na ang anak ko sa iba’t ibang babae.

kung naging magandang babae naman ako, siguro, hindi ako nakatapos ng kolehiyo dahil may makakadisgrasya sa akin.

kung naging cute na bading naman ako, malamang may sakit na ako.

siguro binibigay lang talaga sa atin ng Diyos ang mga bagay na sa tingin Nya ay kaya nating hawakan.

2 days ng usap-usapan tuwing lunch break dito sa opisina ang hayden-katrina-maricar- comedienne–vicky(?) scandal na ‘yan.

syempre ang unang mapagbubuntungan ng  galit yung kumuha ng video na yung iba e wala pang consent ng partner. tapos yung nagkalat ng supposed to be private moment na ‘yun. at siguro partly yung katangahan nilang dalawa – bakit kasi hindi pa binura pagkatapos mapanood. alam naman nilang may image silang pinangangalagaan at may mga kontrata na kailangan sundin..

pero pinakanaiirita talaga ako sa nagtetake advantage sa sitwasyon para 2010 eleksyon. tulad nga ng sinabi ni professional heckler – look who’s talking.

audit

au⋅dit [aw-dit]
–noun

1.    isang event kung kailan nagpapanggap ang mga tao na compliant sila sa sistema.

2.   isang event kung kailan pinapalabas ng management na ang galing galing nilang magmanage.

3.   isang event kung kailan nagtutulungan ang mga empleyadong lusutan ang mga dapat lusutan.

4.   isang event kung kailan lumalabas ang pagkaparanoid ng mga tao. halimbawa, high risk ang mga messenger, syempre ang remedyo dyan, laging mag-update ng anti virus at iencrypt ang mga messages. ang ginawa, pinauninstall  ang mga messenger. ibabalik pagkatapos ng audit.

5.   isang nakakapagtakang event – bawal magsave ng kung ano anong anik anik sa mga folders. pakshet, project related naman a! e magshut down na lang tayo para walang findings.

6.   kaplastikan

manny-pacquiao

halimaw talaga itong si manny pacquiao. 2nd round talaga ha. hindi man lang pinaabot ng 3rd gaya ng sabi ni freddie roach.

e hindi pa nga siguro ubos yung popcorn nung mga nanood sa sine nun. ang dami pa sigurong pulutan at beer nung mga nanood sa restaurant. at para sa gaya kong umaasa lamang sa biyaya ng free tv, mas matagal pa yata ang pinagsamasamang commercial ng alaxan kesa sa naging laban nya. ano ba yan gma 7. alam ba ninyong sa bawat commercial nyo, napapamura ang mga tao dito sa amin? okay lang naman na magtake advantage sa event na ‘yun pero ‘wag namang garapal at gahaman sa pera.

o well, congrats manny! hindi ako boxing enthusiast pero pinabilib mo talaga ako.

crush no 1, nalulungkot ako.. lilipat na kayo ng floor.

paano na yung 4pm habit ko? hindi ko na makikita ang noo mo. alam mo bang nawawala ang pagod ko kapag nakikita ko ang nakausli mong noo? at makita ko lang nang tatlong segundo ang mukha mo, solve na ang araw ko.

alam mo ba na kaya ako bumili ng mga body hugging na long sleeves na stripes ay dahil sayo?

alam mo bang kaya ako bumibili ng damit every other week  dahil sayo? kaya lang,  sabi nga sa kanta ng eraserheads – tatlong oras na akong nagpapakyut sayo, di mo man lang napapansin  ang bagong polo shirt ko!

at alam mo bang nagpafacial ako dahil sayo? tiniis ko torturin ni ate yung ilong ko, ‘wag mo lang makita ang mga blackheads ko.

kaya lang, wrong timing ka naman. nung nagkasabay tayo sa elevator, puyat ako. yun ang dahilan kung bakit ako oily at mukhang pagod.

isaisa kayong nawawala – kayo na nilulook forward ko araw-araw. una, nawala ako sa team. tapos umalis si jehan at jessa, mga joke buddies ko. nadeploy na sina cochai at gazelle. si marge lumipat na rin ng upuan. watak watak  na ang lunch group. ano ba yan!

iniisip ko na lang, baka preparasyon na ito sa napipinto kong pag-alis (wag naman sana talaga). let go hanggang maaga. pangit naman kung biglaan.

ang hindi ko lang maintindihan, talagang nagawan kita ng entry dito sa blog ko ha. pwede palang mamiss mo ang isang taong kahit kailan hindi mo naman nakausap.

hindi ko naramdaman ang holy week. kung dati kasi, walang palabas at pinagbabawalan kaming maglaro, ngayon, eto, may internet na. para tuloy naging usual weekend lang sya.

hindi rin naging meaningful ang lent ko. wala akong nagawang sakripisyo (nakakahiya). nung friday, hotdog pa ang inalmusal ko. at ganito pala ang graph ng prayer life ko nitong mga nakaraang buwan:

picture-2

inaamin ko na ako naman ang may kasalanan. maraming nangyari. may mga gusto akong gawin.. marami akong tanong.

sabi  nung isang pari sa tv, “if God seems so far away, guess who walked away.” paano kayo magiging maayos kung hindi ka naman sumusunod? hindi pwedeng one way ang relasyon.

galing ako sa catholic school. noon, isinusuka ko yung mga napakahabang dasal tuwing flag ceremony, yung pagdadasal before and after every subject, recollections at retreats. ngayon namimiss ko na sila.

lalo na yung retreat. gusto kong magretreat minsan. feeling ko kasi ganito na yung itsura ng kaluluwa ko

27974053_f2ae332d53

sana magawa ko rin ito soon.

gusto ko lang ishare yung theme song namin ni God: awit ng paghahangad

Career. Sa July 21 baka mawalan na ako ng trabaho. 0% absorption ang sabi nung isang manager sa amin. feeling ko binatukan ako ni God sabay sabi, “seriously, eto na ba talaga ang gusto mong karirin? hanggang dito ka na lang?”. alam nya ang sagot ko dito noon – dalawang taon. tutal masaya naman ako at parang okay naman ang trabaho. pero sa mga nangyayari ngayon, parang gusto na Nya akong umalis doon. Okay fine Lord.  Kung hindi ako maabsorb o maextend, siguro yun yung sign na gusto mo na akong umalis sa comfort zone ko. kaya sige, sa May, bubuhayin ko na uli yung jobstreet account ko. nakalimutan ko na ang password nun e kasi sabi ko, hindi ko muna yun gagamitin ng dalawang taon.

Lovelife. nagtapos ang papausbong na lovelife ko kahapon. hindi ito umabot ng isang buwan. ang natutunan ko – hindi ka dapat pumapasok sa ganun dahil lang sa napakababaw na rason na gusto mo itong itry. binibigyan mo lang ng false hope yung tao. ang totoo nyan, nasilaw lang naman ako sa atensyon na binigay nya sa akin. kahapon, sabi ko sa kanya, feeling ko sobrang magkaiba kami. sabi nya, ano daw ba ang hinahanap ko. sabi ko sa kanya, hindi ko alam. ang gulo ko. pero ngayon, may naisip na ako. gusto kong makakita ng tao na kaya akong pabangunin sa umaga para ipagluto sya ng breakfast. parang yung ginagawa ni marge sa asawa nya. siguro yun yung sinasabi nilang true love. ang mushy. at oo, i’m so bad.

Atbp. may ilang buwan nang naglilinger ang mga sinusulat kong insecurities dito. sabi ko kay mhelai, bakit ganun, madalas feeling ko inadequate ako. why do some people seem to have it all? katulad na lang ni jay – gwapo, successful at nalaman kong nagmamasters pala sya sa UP. nakakainggit. sabi sa akin ni mhelai, nafefeel din daw nya yun. pero ‘wag ko daw kasi tingnan yung mga wala sa akin… anyway, 3 weeks ko nang binabalak na magsit-ups sa umaga. ang laki laki na talaga ng tyan ko.

ano ba ang ibig sabihin ng hand gesture  na ito:

the-hand-gesture-to-have1

lagi ko kasing nakikita yan sa multiply account nung classmate ko nung highschool na nagmigrate na sa America. Ang sign na yan ang laging hand gesture nila ng mga kasama nyang amerikano habang nagpaparty, nagbebeach etc.

eto rin yung naging hand gesture nung isa ko pang kaklase nung high school habang nagbabar sila nung friends nya. Gaya gaya, naisip ko.

Palagay ko eto ang hand gestures sa pagsasabing: How cool am i? I’m living it up.

Tapos nabasa ko ang article na ito (talagang nageffort akong itype)

FACE IT: YOU LOVE YOURSELF

Take a look at my Facebook page, aren’t I gorgeous, glamorous and successful?

Facebook, the online networking phenomenon, has 100, 000 million users with pages full of photos and updates on its users’ latest endeavors. But these pages can reveal more than first thought – it can expose narcissists. Researchers at the University of Georgia asked untrained observers to look at the pages of 120 Facebook users. Glamorous self-portraits, long lists of friends and self-promoting “wall” comments all indicated an unhealthy level of vanity. Study author Keith Campbell says, “Narcissist are using Facebook the same way they use their other relationships: for self-promotion, with an emphasis on the quantity over quality.”

-Reader’s Digest January 2009

Natuwa ako sa article na ito dahil naarticulate nya ang gusto kong sabihin matagal na.

Ano ba ang gusto kong sabihin? Siguro ayoko lang nung feeling ng pagpapataasan ng ihi at pagpapatigasan ng ari.

What you see (Watusi)

If you've reached this part of the web, welcome!

This is a peak into my existence. In here I write my angst, struggles, complaints, musings, infatuations, triumphs, joys and other things which I find interesting and blog worthy.

This is my realm - I’m the center of this universe. Selfish as it may sound, I blog mainly for myself. Blogging for me is a coping mechanism - a healthy release. So bear with me. After all, everyone is entitled to have a space of his own.

random

  • may kakaibang fulfillment na madarama sa paggupit ng kuko sa paa. I feel so clean 1 week ago
  • gusto kong itapon 'tong earphone na to. in ear daw, ang sakit naman sa tenga. 1 month ago
  • nanalo daw si brillante mendoza sa cannes 1 month ago
  • projected: jobstreet, jobsdb actual: wordpress, youtube, multiply, yahoo mail, hayden kho scandal 1 month ago
  • God, if you think like us, i'll be dead 1 month ago

Pray as you go


logo

Pinoy and Proud


Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!