Laktawan ang galugad

crush no. 2,

nakita kitang may ka-date. kaso lalaki rin. hindi ko alam kung matutuwa ako o malulungkot. nalulungkot ako kasi baka taken ka na. natutuwa ako dahil pwede pala tayo.

sabi ni johan, mukha ka daw bampira. si carol naman napayuck nung tinuro kita. pero ok lang sa akin yun. gustong gusto ko ang mukha mong tamang tama lang ang oiliness, at ang malilibog mong mga mata, at ang buhok mong hindi nagugulo, at ang katawan mong tamang tama lang.

napapansin mo rin kaya ako? lately kasi, kapag tumitingin ako sayo nakatingin ka rin. pagbigyan mo na ako sa ilusyon kong ito, pero feeling ko talaga nilingon mo ako nung time na yun. sobra mo akong pinasaya sa effort mong ipihit ang leeg mo para sa akin. alam mo kasi, mababaw lang ang kaligayahan ko pagdating sa mga ganyang mga bagay. siguro nakyutan ka sa robin hood hat ko with matching feather nung Halloween party namin no? sa pamangkin ko yung kaya maliit sa akin. pero sana sa akin ka na lang nakyutan. pesteng hat yan, kinompetensya pa ako.

siguro favorite mo ang christmas no? october pa lang kasi may maliit na xmas tree na dyan sa cube mo. cute sya. pero mas cute ka pa rin. tsaka napansin kong natuwa ka dun sa christmas lights sa area namin. bigla kang tumakbo at nagpapicture dun nung pinatay yung ilaw. laking pasasalamat ko lang kay joy at dinala nya yun. yun lang pala ang makakasira ng boundaries na naghihiwalay sa lugar nyo at lugar namin.

plano kitang iistalk sa friendster. pero ang dami mo namang kapangalan. sana man lang naglagay ka ng picture. wala ka bang cyber life?

o sya tama na ang ilusyon kong ito. back to reality – hanggang tinginan lang talaga naman siguro tayo.

6 Comments

  1. 🙂

    akala ko hindi ko lang naintindihan kaya 2x ko binasa. hehe

    pano mo naman na-conclude na “date” nga yun? however, kung talaga nga, wag ka nang malungkot kung taken na siya. tutal naman, crush number 2 mo lang naman siya,.. andyan pa si number 1.

    —–

    watusiboy: kung bakit ganun ang naging conclusion ko hindi ko maexplain. basta alam ko lang na ganun. hehe. 7th sense daw ang tawag dun. charing. hehe

    malabo si crush no 1. langit ang pagitan naming dalawa. haha.

  2. i really missed reading your posts friend. hehe! i had a hearty laugh with this one. feeling ko nawala lahat ng stress na bumabalot sa ‘kin. sensya na at medyo busy ang life ngayon. pero try ko talaga magbasa pag may chance. buti na lang napadaan ako. 🙂

    —–

    watusiboy: ok lang po yun. kuntento na akong masaya ka sa lablayp mo. ahehe

  3. ahahaha…. sunugin mo na ang robin hood hat mo, para makita nya ang hinahanap nya…. natuwa naman ako sayo.. parang teenager lang ah, ahehehe… mag-abang ka lang baka magkahiwalay rin sila tapos saka ka umepal… cheers-glesy the great

    http://anakngpiso.wordpress.com/

    —–

    watusiboy: actually ganyan din ang sinasabi sa akin ng mga kaopisina ko. parang teen ager lang daw. ang sabi ko naman, young at heart lang. hehe

  4. parang napa-double take din ako hehe….

    oks lang yun watusi, gaya ng sinabi mo crushy number 2 mo lang siya…pero kahit anung number pa yan pag kras mo talaga, kahit na anung gawin nila kahit simpleng bagay lang…talagang nakakakilig. 🙂

    sana naman ang next post mo, nag-uusap na kayo hehe. 🙂

    —–

    watusiboy: mmm. malabo yata yun e. magkaiba kasi kami ng line of work. ayun. so hanggang tinginan lang. unless iapproach nya ako. pero para manggaling sa akin…hay mahabahabang usapan yan. hehe.

  5. naka naman… kausapin mo kaya. malay mo, nagaantay lang yun na lumapit ka. bigyan kita tips paano lumapit next time. wahahaha…

    —–

    watusiboy: naks naman. magaling ka palang magdamoves ha. hmmm. ako, mag-iipon muna ako ng lakas ng loob. hay. napapabuntong hininga na lang ako.

  6. first time ko dito and naaliw ako sa post mo..

    moral lesson: wag magsusuot ng cute na outfit kung gusto mo magpacute sa kras mo

    bwahahahah..

    —–

    watusiboy: wag magsusuot ng cute na outfit kung gusto mo magpacute sa kras mo at kung hindi mo sigurado kung mas cute ka sa outfit mo. hehe.


Mag-iwan ng puna

Design a site like this with WordPress.com
Magsimula