Laktawan ang galugad

hindi ako nagentrance exam sa Ateneo. kahit kasi ipasa ko yun, hindi rin naman ako dun mag-aaral. kayanin man namin ang nakakalulang tuition fee dun (kapag nag-aral ako dun, hindi na kakain ang pamilya namin), baka hindi ko rin kayanin ang lifestlye. yan din ang dahilan kung bakit hindi ako nagentrance exam sa la salle.

ang attitude kong yan ang dahilan kung bakit pinagsikapan ko talagang makapasok sa UP. mabait talaga si Lord dahil pinagbigyan nya ako sa bisyo kong yun. doon kasi, walang pakialamanan. okay lang maging jologs.

at oo allergic ako sa mga cono. hindi ako nagstastarbucks. hindi ako nagbabarhop. hindi ako nagshoshoping sa glorietta. hindi ako tumatambay sa greenbelt.

at naiinis ako sa mga nagstastarbucks dahil lang sa cool magstarbucks. naiinis rin ako sa mga kasabay ko sa elevator na nageenglish para lang ipangalandakan ang pagkasosyal nila.

anti social? insecure? inggitero? wateber. ganito ako ever since.

kapag kasi nakakaencounter ako ng mga taong inborn ang “pagkasosi” o nagpapakasosi, hindi ko maiwasang maramdamang:

  • sana mas makinis at alagang derma din yung kutis ko.
  • sana mukhang alagang Fitness First din ang katawan ko.
  • sana may natural english twang(ganito ba ang ispeling nun?) rin ako.
  • sana kasing ganda ko rin syang magsmile.
  • sana may ipod touch rin ako.
  • sana kasing galing ko rin syang magdala ng gamit.
  • sana fancy rin ako.
  • sana hobby ko rin ang photography.
  • sana may maganda rin akong asawa at cute na anak.
  • sana mayaman din yung pamilya namin tapos kaya nila akong regaluhan ng trip to hongkong.
  • sana meron din akong in laws na mayaman na may BMW.
  • sana may bahay rin kami sa BF homes.
  • sana mas mataas ang self esteem ko.
  • sana mas people person ako.

at hate na hate ko kapag nararamdaman ko ang mga bagay na ito. kasi feeling ko, i’m such a LOSER (ang spoiled brat tone here).

26 Comments

  1. naman.. ehehe

    ibang specie naman kasi yang mga yan eh. ako man naiinis lalo na kapag nagiinarte yang mga yan pero bakit ba, wag mo nalang pag-aksayahan ng panahon dahil ikaw rin ang lugi.. sa wrinkles ka naman mapupuruhan.

    sa isang banda, nakakainis rin na nate-turn off tuloy mag-aral ang mga may laman ang utak sa mga eskwelahang yan dahil sa lifestyle ng karamihan sa umaattend diyan.

    —–

    watusiboy: oo nga e. mga aliens yata sila dahil hindi sila nakakarelate sa hirap ng buhay. hindi talaga ako magaling magtolerate ng mga taong ganito.

  2. Baka naman mga taga-call center ‘yung mga nakasakay mo sa elevator kaya sila english ng english. Hehehe. = P

    —–

    watusiboy: yung iba, taga call center. pero yung iba, hindi naman. meron kasing english na natural lang. merong made up lang. 🙂

  3. di ka nagiisa brother, i feel you. hehehe buti na lang sa mundo ng mechanical engineering eh bawal ang magaling magenglish.

    —–

    watusiboy: mas masaya sa ganyang mundo. walang pagpapanggap.

  4. napadaan lan..hehe…lahat naman siguro tayo may insecurities malay mo sila na mukhang hawak ang lahat inggit din pala sa mga simpleng tao,.tsk,tsk,tsk ako rin di na nag entrance exam sa ateneo at la salle kahit madami sa mga classmates ko ang nag try,,,

    —–

    watusiboy: ang sosyal naman ng mga insecurities nila. parang mga artista lang. hehe. naiingit sila sa mga simpleng tao. kung sabagay, sabi ng sa kanta ni janet jackson: the best things in life are free.

  5. Hello! 😀 Natuwa ako sa blog entry mong ito, sobrang nakarelate ako.haha

    Hindi natin maiiwasan ang mga katulad nilang sosyalin. Kahit nga sa UP may mga konyo din.Tsk tsk. Yun bang tipong “Let’s go to ChoKiss ‘coz feel kong kumain ng sweets.” Watda.. Pero sige, kahit ganun sila, keri lang, wala namang pakialamanan diba. haha As long as wala silang ginagawang mali sa atin. 🙂

    —–

    watusiboy: pero minority pa rin ang mga sosyal sa UP. pero who knows, baka maging majority na sila dahil mahal na rin ang tuition dun ngayon.

  6. hehe…may mga araw talagang ganyan. kung kelan bad trip na ang umaga mo eh bibirahan ka pa ng mga ganyan. indi ka naman sa pagiging anti-social my dear….sadyang nakakairita lang talaga sila haha. (para naman tayung haters neto hehe..) sa mga may K ok lang naman, pero sa mga nagfi-feeling lang amp kakainis lang tlg. 🙂

    —–

    watusiboy: tama ka aling baby. mas tolerable yung mga natural lang. ayoko dun sa mga nagpapanggap.

  7. di naman lahat ng nag-ba blog loser a…joke! ok lang yan siguro may mga tao talaga kailangan maging extreme successful at wealthy pero happy ba sila? atleast tayo happy… cheers pare koy!

    —–

    watusiboy: cheers din mang badoy! alam kong big time ka na. hehe

  8. hayaan mo na. yung iba namang cono nakakainis talaga eh. wag mo na lang pag-aksayahan ng panahon.
    at ang UP ngayon, puro cono na rin dahil sa tuition fee increase!
    nice to meet you, fellow isko!

    —–

    watusiboy: mayui, ganun ba? buti na lang ‘di ko naabutan yang tuition fee increase na yan. nung panahon namin, di makaporma ang mga cono. kasi majority ay ordinaryong tao.

  9. aawww..sometimes, nag starbucks ako, pampagising..pang chill lang.. hala… natamaan ako dito ah! bwahahah~!!! and hey! its normal dude…
    ang nakakaasar lang…
    yung mga conyo..
    tatawagin naman tayong WEIRD.
    demmit! waaahhh

    —–

    watusiboy: ok lang naman magkape dun kung yun talaga ang intensyon mo. ang ayoko yung nagsosocial climb. yak ang anti social ko talaga. haha.

  10. In another sense, it is okay to be insecure sometimes. Insecurities make us human: imperfect. They challenge us to work harder against them and if turned positively and rechanneled effectively, they become stepping stones for success in other areas in our life.

    I always believe that there is something wrong with a totally secure person. Either he has a wrong sense of reality (delusional) or has a bloated self-image (narcissistic).

    Recognizing one’s own insecurities is the key to starting ahead with a balanced life – with more securities and less insecurities.

    —–

    watusiboy: salamat coolwaterworks! ang dami ko talagang natututunan sayo. 🙂

  11. I always believe that there is something wrong with a totally secure person. -that’s right… 🙂

    —–

    watusiboy: i agree.

  12. Nice post. 🙂
    You bring up some interesting points. I’m an alumni of DLSU-Manila, and I’m glad to have met many people from my school, who don’t fit the usual stereotypes.

    I’d have to agree, medyo nakakainis naman talaga yun mga “ganun,” just like those you’ve mentioned here.

    Peace,
    John

    —–

    watusiboy: just to be fair also, may mga friends din naman ako dun at ok naman sila. hehe. sabay bawi no? pero ewan ko, yun talaga ang impression ko sa school nyo ever since. peace din

  13. syet… and now i meet my destiny… rehas tayo banas na banas ako sa mga taong konyotic effect at mga pasushal…

    ang kwan ko naman eh, sila yung mga taong di dapat kainggitan… ang sarap sarap maging jologs eh… cheers!!!! add kita sa links ko ha…

    proof? heto ang ebidensya na aya ko sa mga pakonyo effect at sa starbucks…

    ANG BIDA (ABOUT ME)

    —–

    watusiboy: salamat po sa pagdaan – my destiny. lol. 🙂

  14. ahh yeah… madami nga dun mga social climber! nyahahahah~!! mahahalata mo naman talaga eh..kala mo bar napuntahan mo 😛

    —–

    watusiboy: mas nakakaasar ang social climbers

  15. alam mo kahit sa isang military training may mga sosyal at sosyal daw kaya lang madali lang resbakan dahil sa barracks hindi naimbento ang salitang “NO”….tama ka dyan kapatid nakakairita at sarap ihulog sa bangil ang mga feeling slang slash feeling sosyal….

    hindi ka nag-iisa kapatid anti-social din ako!…wahaha

    —–

    watusiboy: buti ka pa, nakakaganti. at wala siguro silang choice dahil madali lang sabihing – DROP!

  16. hay..natutuw aakong dumaan dito. your username reminds me of a crime i did. hahahhaha. 🙂

    —–

    watusiboy: i wonder what crime that is. hehe. wala naman namatay ha. lol.

  17. pag me naiinterbyu ako na maganda at mayaman at sobrang sosyal, dinadaan ko na lang sa self-confidence… kunyari magka-level kami kahit pa naka-T-shirt at maong lang ako… eh sus, mabaho rin naman ang jebs nila!!!

    —–

    watusiboy: meron naman akong prof na nagsabing – dumudugo rin sila kapag tinusok mo. hehe

  18. and oh, iba na pala ang site ko:

    http://pinayblogkaster.com

    …totoo na ‘to, pramis! 😀

    —–

    watusiboy: hehe. updated na po ang link. 🙂

  19. Kahit saan naman magpunta may sosyal at pasosyal. hehe. Kahit anong estado mo sa buhay…magkaka-insecurity complex ka…naka encrypt ata talaga yan sa behavior ng tao.

    at tama nga, depende na lang kung papaano mo gagamitin yung insecurity mo. pwede kang magpalamon dito, o pwedeng mas marami kang madidiscover na paraan para i-improve ang sarili.

    love my ateneo friends…hehehe…pero hindi ang mundo nila. hehehe.

    —–
    watusiboy: i hope to leave the negative here in my blog and to have a constructive resolve in real life 🙂

  20. Hello there, watusiboy.

    —–

    watusiboy: hi jonell

  21. nakakabanas talaga ang ganyan…

    yung nasa MRT, umagang umaga, ang iingay at tila pinangangalandakan sa madlang people na nag-e english silang lahat hahaha

    pero wala talagang tatalo sa isang nose-bleed englisero /englisera slash konyo at elitista na hanggang sa pagbili ng isa at kalahating kilong hito sa palengke ay ini-english ang mga tindera hahaha halos himatayin ako nang maka-encounter ako ng ganun. hahaha

    “wan en wan hafff plzzzz” hahaha nakanampucha naman oh. ang sarap kayang maging masa lang…yung totoo lang…;-)

    —–

    watusiboy: haha. natawa naman ako dun sa bumibili ng hito. hindi kaya kinuyog ang taong yon sa palengke? hehe.

  22. hahaha! at tlagang nakacapital letters ang loser. you know what? your worth is defined by you, not by anyone else. tsaka hwag mo na lang sila tingnan. yung iba kasi mukhang sosyalista ang mga yan kasi that’s their way of coping sa mga problema rin nila. projection kumbaga. minsan pag may nakakasabay akong ganyan, napapatigil ako at napapaisip ng ANO KAYA PROBLEMA NITO SA BAHAY NILA AT BAKIT NAGKAKAGANITO TO?

    nag-aral ako sa lasal pero hindi ako sosi. naiinsecure din ako dati sa mga sosi dun pero keber. grumadweyt din ako kasabay nila kahit na dakilang promdi ako na hindi marunong manamit at mag-english na parang anak ng dugong bughaw. isipin mo na lang, pag umepal ang isang dakilang promdi, talbog ang mga sosyal….. hehehehe! yan ang aking ginamit na coping ko. hehehe! may sense ba sinasabi ko? parang ako rin ata ang nalito sa sarili ko. hahahaha!

    —–

    watusiboy: minsan, hindi ko lang maiwasan na maoverwhelm sa mga nakikita ko. lalo na kung down ako. kaya ayun, kung ano ano ang naisusulat ko dito. but i agree, siguro lamang sila sa akin sa ibang bagay..pero siguro naman, may mga bagay na lamang din ako sa kanila. 🙂

  23. was here again…wala akong makitang chatbox…:)

    —–

    watusiboy: a..hindi ko pa kasi naeexplore kung pano maglagay ng chatbox…at feeling ko hindi ko carry ang chatbox. 🙂

  24. LOSER ba kamo ang nag-aral sa UP? sus ka! taasan mo naman nang konti ang self-steem mo (look who’s talking). pero di rin naman talaga natin maiwasang ma-insecure minsan no? human nature na siguro yun. pero hinding-hindi ako mai-inggit sa mga english-speaking brats dahil mas asar ako sa kanila. lols

    —–

    watusiboy: siguro sa puntong yun, hindi ako loser. pero sa ibang aspeto ng buhay ko, feeling ko loser ako. may self esteem issues talaga ako beero ever since.

  25. huy, hindi naman loser tayong mga taga UP, ah. infact, alam mo yung urban legend dati na pag nag-aaply ka raw sa ibang bansa, when it comes to schools attended, yung choices lang daw na meron ay “UP” tsaka “Others”? O, di ba? Dapat proud to UP-ista (UP-ian?) ka.

    Pero sabagay, kahit ako, nakarelate din sa mga insecurities na yan. Meron kasi akong mga kaklase sa highschool na sa AdeM nag-aral at tuwing lumalabas kami eh kung magwaldas ng pera sa gimik o sa Starbucks, akala mo, wala ng bukas. Eh kung iisipin mo lang, kape lang naman yun no? Makukuha mo pa rin namang uminom ng kape sa mga lamay. LIbre pa.

    —–
    watusiboy: proud naman ako pagdating dyan. minsan nga sinusuot ko yung sablay sa mall e. jowk lang! hehe.

    minsan talaga nakakainggit yung mga taong parang ang perfect ng buhay. ang galing nila kasing magdala. ako, hindi ko lang sigurong kayang magpanggap.

  26. uhmm .. haha
    i’m a high school student..gagraduate itong march 2010.
    marami akong insecurities. simply writing (?) here is making me nervous. LOL.
    alam niyo ba yung feeling na parang walang magawang tama sa buhay? ang drama nito. XD
    pero parang gan’on nga.. pakiramdam ko kasi, nagiging insecure ako lalo dahil sa dami ng expectations ng mga tao sa akin. maging parents ko nga eh marami pagdating sa studies. tapos, pag di ko naabot yung expectations na yun, ayun, down na’ko. nakaka-depress kasi talaga. parang lagi na lang akong nakaka-disappoint kahit pakiramdam ko tama yung ginagawa ko.
    pero gusto kong matutong sabihin ang “so what!” imbes na “but/what if?”
    at laging sinasabi ng mama ko sa’kin na, “mas mainam maging simple kasi kadalasan, yung mga taong maporma, yun yung mga walang binubuga..”
    salamat pala sa pag-post ng blog na ito.. 🙂
    —–
    watusiboy: hello angela. salamat sa pagdaan. i know the feeling. pero ayokong mag-advise, gusto ko lang ishare yung isa sa mga paboritong quote ko:

    “I shall be telling this with a sigh
    Somewhere ages and ages hence:
    Two roads diverged in a wood, and I —
    I took the one less traveled by,
    And that has made all the difference.”

    -Robert Frost


Mag-iwan ng puna

Design a site like this with WordPress.com
Magsimula