Laktawan ang galugad

three months ago bumili ako ng ab exercise machine. yung karaniwang binibenta sa mall na color green  at may gulong sa likod. nalalakihan na kasi ako sa tyan ko. conscious effort na ituck in ko sya kapag naglalakad ako lalo na ‘pag nakakasalubong ko yung crush ko.

hindi ako sanay magsit-ups. tanda ko pa nung high school ako, nung physical fitness test, kinuntsaba ko yung partner ko na dayain na lang yung result nung sit ups, hindi ko talaga kaya yung required e.

ang plano ko, gamitin yun binili kong machine araw araw, kahit 100 lang isang araw, total ang dali lang naman nyang gamitin. sabi ko sa sarili ko, baka ‘pag may naging resulta, e maengganyo na akong maggym. pero dahil kung hindi busy e tamad, hindi ko rin ito nagagawa religiously.

sa paglulurk ko sa mga blog, meron akong napakinggang podcast na nakapagpaisip sa akin. ang sabi – outside change can cause inside change. kaparehong konsepto na ginagamit ni bayani fernando.

kaya parang gusto ko nang maggym. baka sakaling totoo at makatulong sa naghihingalo kong self esteem.

pero ayoko kasing makipagsabayan sa mga malalaki ang katawan. nakakainsecure rin. so siguro, balik muna ako dun sa ab exercise machine na binili ko. one step at a time.

note: hindi daw pala effective ang mga ab exercise machine kapag hindi ka rin nagcardio. hayzz.

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

w

Connecting to %s

%d bloggers like this: