Laktawan ang galugad

magkasabay kami ni mitch na naglalakad noon. natanong ko sya kung naranasan na ba nyang madepress na hindi nya matukoy kung ano ang eksaktong dahilan. oo daw at normal lang daw ‘yun paniguro nya. ang ibig sabihin nyan – pwedeng dumadating talaga yung ganung pakiramdam sa isang tao o pareho kaming abnormal.

ano bang problema ko? marami. para kasing naghalohalo sila tapos bumuo ng isang problemang hindi ko na maintindihan.

nalipat ako ng team. masaya ako sa dati kong team kasi united ang masayahin ang mga tao. dun sa nilipatan kong team, watak watak at may sarisarili silang mundo. yung lead namin ngayon, meron kung ano sa kanya na hindi ko gusto.  namamahiya pa sya ng tao. tapos kaboses pa ng chipmunks. dagdagan pa ‘yan ng  isang papampam na project na hindi ko maintindihan kung bakit pa ako kailangang ilagay dun.

feeling ko, ang dedicated ko sa trabaho pero wala namang nakakapansin. bakit ko ba pinapagod ang sarili ko sa mga taong wala namang pakialam?

dalawa sa pinakaclose ko sa opisina ang nagresign na. sila yung isa sa mga major reason kung bakit naeenjoy ko ang trabaho ko. wala na akong fashion adviser. wala na akong kalandian kapag stressed ako. sana maging masaya sila sa buhay may asawa.

eto ang weird. parang nakalimutan ko na kung paano magdasal. yung parang salita lang ako ng salita pero parang wala Sya. parang may kung anong gap na kami ngayon.

tapos minsan nafifeel ko yung parang kahit saan ako tumingin, lagi akong insufficient. ano ba namang ‘tong mga insecurities na ‘to?  bakit ngayon pa nakisabay?

anyway, hindi ako kasama sa mga hinikayat na  mag leave. hanggang December 24, may pasok pa rin ako.

bad trip pa yung konduktor sa bus kanina – pinatay ba naman dun sa part na sasagot si karylle sa mga paratang ni marianne.

Advertisements

6 Comments

  1. hello sayo… MERRY XMAS AND HAPPY NEW YEAR!!! mwah! salamat sa pagiging bahagi ng blog ko! magpapahinga muna ako.

    -joshy

    —–
    watusiboy: joshy, nawa’y makapagpahinga ka this holiday season. balik agad ha. 🙂

  2. pakshet! yung las layn mo ang pinakabadtrip sa lahat!!!

    hai naku wak mo hahayaang pabagsakin ka ng mga problema mo. kaya mo yan! magpapasko pa kaya dapat hapi lang. dasal ka lang sa taas, nandyan Sya kahit akala mo wala, nakikinig Sya sayo. 🙂

    Merry Christmas watusiboy! 🙂

    —–
    watusiboy: maraming salamat cutterpillar. merry xmas!

  3. madalas akong ganyan eh.. nadedepress na walang dahilan.. pero ang totoo meron naman talaga.. hindi ka naman madedepress kung wala talagang dahilan ayaw mo lang talagang alamin oh ayaw mo lang talaga tanggapin yung cause.. ang gulo ko basta ganun

    makinig ka na lang sa music o kaya manood ng feel good movies ganun lagi kong ginagawa pag depressed ako na hindi ko alam kung baket ako nadedepress.. err

    —–
    watusiboy: siguro nga ganun yun…hmm, napaisip tuloy ako.

  4. naku… wag mong kalimutang magdasal para khit papaano may guide ka pa rin…

    kay marian… kainis yung gerlalung yun.. msyado syang paeksena..

    —–
    watusiboy: ang dami kong kakilalang asar kay marianne.. naawa ako sa kanya nung naiyak sya sa TV. pero bakit kaya affected sya?

  5. “eto ang weird. parang nakalimutan ko na kung paano magdasal. yung parang salita lang ako ng salita pero parang wala Sya. parang may kung anong gap na kami ngayon.”

    There are really times when we hit the dry bottom in our relationship with the Lord. Inasmuch as feelings affirm our proximity with the Divine, they also tend to mislead us with the true essence of faith. Faith is a conscious commitment of believing in Him – whether you feel His presence or not. Feelings change over time. Imagine if the love of God would be based on feelings – then His love would not be unconditional. He has made the commitment to love, and we are invited to that same commitment to faith…

    Don’t worry, He is there beside you, whether you feel Him or not… 😀

    Merry Christmas and Happy New Year!

    —–
    watusiboy: coolwaterworks, sapul na sapul ako lagi sa mga comments mo. maraming salamat. struggle ko talaga yung faith na yan. by nature kasi, hindi ako mapagtiwala. nahihirapan akong maniwala sa mga bagay na hindi ko nakikita, nararanasan o nararamdaman. not that i dismiss them entirely..pero kasi parang ang vague para sa akin. ang gulo ko.

  6. aba naku teka lang. di yata’y matamlay ang post mong ito? nagkakaroon din ako ng moments na ganyan, na para bang walang kasagutan ang mga katanungan, na para bang nagmo-monologue sa dasal.. ewan ko. basta dinadalaw rin ako ng mga ganyan ganyan.

    sana’y mahanap mo ang ikatatahimik ng iyong mga pangamba. merry christmas sa iyo watusiboy! first xmas ko to sa blogosperyo, at salamat sa pagiging isa sa mga una kong naging kaibigan dito!!

    —–
    watusiboy: salamat at merry xmas din. ako rin ay grateful at nakakilala ng isang kaibigang gaya mo dito sa blogosperyo. 🙂


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: