Laktawan ang galugad

dear blog,

hindi na ako masyadong makaupdate dahil nakakahiya sa opis. kung yung mga matatagal na dun nahihiyang magfriendster, ako pa kaya. isa pa, baka macompromise yung anonymity ko. alam mo naman, pinangagalagaan ko yun. hindi dahil sikat ako pero wala lang. hindi na ako makakapagblog nang maayos ‘pag ganun. ‘pag nagkataon at may nakakilala, baka mapagtripan kitang burahin. syempre ayoko namang mangyari yun. tsaka nakakasiguro ako na may workplace monitoring na nangyayari. hindi ko pa ito masyadong kabisado kaya hinay hinay muna sa blogging. pero ‘wag kang mag-alala, may naiisip na akong paraan.

nakakainis na nakakatuwa ang pamahal na pamahal na presyo ng langis ngayon. nakakaasar dahil ang mahal mahal na ng 1 pc chicken joy ng jollibee. tsaka lahat yata ng tao ay sa MRT na sumasakay. kapag uwian, limang tren na ang dumadaan, di pa rin ako nakakasakay.sanay ako sa gitgitan ok. limang taon din akong sumakay ng LRT. pero iba ang level ng MRT. naturingang mga professionals ang mga sumasakay dun pero kung mangbalya daig pa ang football player. nagpapasalamat na rin ako dahil matangkad ako. advantage ito lalo kung siksikan ang tao. titingala lang ako, makakalanghap na ako ng malamig na hangin. kawawa yung mga babaeng maliliit na kasabayan kong makipagitgitan. bukod sa napakadali nilang maitulak, pakiramdam ko nasusuffocate sila. kaya sana, utang na loob, yung mga buntis, dun na sila sa lugar na inilaan para sa kanila dahil pag nagkataon baka mapaanak sila. nung isang linggo lang, may buntis akong nakasabay sa male section. pinaupo naman, pero pahirapan naman paglabas.

sa isang banda, natutuwa ako dahil maprepressure ang mga taong humanap ng alternatibo sa langis. hopefully magtuloy tuloy ang pagbaba ng demand nang makarma ang sinumang walang konsyensyang hoarder. at para rin hindi na nakasalalay sa mga kumpanya ng langis ang buhay natin.

bakit langis pa kasi ang napagtripan ng mga tao? nakakaglobal warming na, non renewable pa. tsaka unfair. ang lagay, mga arabo lang ang yayaman? sana yung maiimbentong future fuel gawa sa mga bagay na dito lang sa pilipinas makikita para maramdaman din nila kung ano ang pakiramdan ng may humahawak sa kanila sa leeg.

Advertisements

6 Comments

  1. usapang langis, nakupoo…sakit ulo nga yan. hirap na nga ang tao lalo pang pinapahirapan. buti sana kung may winter sa pinas at pwede nang lakarin papuntang opisina. haayy, nakup watusi wag na wag kang magkakamaling burahin tong blog mo ha? ok lang na mag-hiatus ka o kaya paminsan-minsan lang sulpot..bwelo ka muna makakalusot ka rin dyan hehe..gud lak! πŸ˜‰

    —–

    oo aling baby, dapat walang iwanan dito sa blogosphere. walang gustong maglakad dito sa pilipinas dahil madedehydrate sila pagdating sa pupuntahan nila. hehe.

  2. pareho tayo ng simpatya tungkol sa mga maliliit na sumasakay sa MRT pards. kapag siksikan, no choice sila minsan kung saan ibabaling ang muka nila at huminga ng hangin. kasalasan sa kilikiling basa na talaga nakatutok ang mga mukha nila. iba nang matangkad. hehehe.

    —–

    haha. iba nang matangkad – parang commercial lang ng star margarine. malas nga yun kung matapat sa kilikili.

  3. hayyy oo nga, pati kami na bumibili lagi ng papel, pang watercolor at kung ano ano pa na hindi na bumababa sa dalawang daang piso ang ginagastos namin para sa mga requirements ng mamahaling papel at print eh hindi na pinatawad… all because of oil.. leche! πŸ˜†

    di bale, ayos lang yan, pa good boy ka muna, pagkatapos, ilabas mo na yung sungay mo pag medyo gamay mo na yung work mo πŸ˜‰

    —–

    mayaman naman yata kayo wei e. hehe.
    sa kasamaang palad, halos lahat ng mga website na nagbibigay ng kasiyahan ay blocked sa office namin. hay.

  4. naku, workplace monitoring. haha kalaban ko rin yan dati dahil mahilig ako magopen ng email sa faculty room. ayaw ko naman kasing magbayad sa net cafe sa harap ng school dahil wala na akong pambili ng katol tuwing breaktime.

    tungkol naman sa langis, susko kung pwede lang i-donate ang lahat ng langis galing sa aking pagmumukha tuwing tapos ng duty sa care home e di sana ilang barrel na rin ang naitulong ko sa sangkatauhan. haha

    di pa ako nakakaranas ng gitgitan sa tren sa london underground. sa pinas naman e di pa ako nakasakay dahil wala namang mrt o lrt sa davao.

    matangkad ka pala watusi. tsk..tsk.. naingit akong bigla. alam mo kasi, when it rains, i’m the last to know, ika nga. heehee

    —–

    hay sinabi mo pa. bad trip ang workplace monitoring na yan. napipilitan tuloy akong magtrabaho. hehe.

    maganda ang naisip mo. kung galing sa mukha ang langis na gagamitin, bukod sa environment friendly na ito, kikinis pa ang mukha ng mga magdodonate. san ka pa?

    ‘pag bumalik ka dito sa Pinas, itry mong sumakay ng MRT ‘pag rush hour. promise, matotrauma ka. hehe.

  5. may advantage din ang payat…. nakakaglide lang papasok ng mrt… minsan kahit tatayo ka na lang… hayaan mo ang mga taong tutulakin ka… hehehe!

    mukhang okay ka na dyan sa work mo ah… God Bless!

    —–
    yun nga lang, pwede kang mapagkamalang pole. hehe. jowk only. sa MRT, sa tingin ang mahalaga, malakas ang resistensya mo para makaya mo ang tulakan at ipitan. πŸ™‚

    salamat!

  6. bwisit din ang babae sa MRT minsan sila yung nambabalya syempre lalake ako diko sila pedeng balyahin pero sila pede… sarap tadyakan sa mukha isa isa!

    —–

    oo may mga babaeng ganyan. nakakabadtrip din yung mga babaeng sasakay sa male section tapos pag nadikitan mo feeling nila hinihipuan mo sila.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

w

Connecting to %s

%d bloggers like this: