Laktawan ang galugad

  • ayoko ng nauubo ako sa kalagitnaan ng pagsisipilyo. lalo na na nakagawian ko na hindi sa lababo nagtutoothbrush. lumalabas kasi ang pagkamultitasker ko kapag nagsisipilyo – minsan naglalakad ako sa buong bahay, minsan nagmumunimuni ako sa terrace namin o kaya naman ay nagaayos ng mga gamit ko, depende sa mood. nakakaabore kasi ‘pag pagtutoothbrush lang ang inaatupag mo.
  • ayoko ng nahahatsing ako habang kumakain. una sa lahat, makalat. pangalawa, dahil nakakahiya sa mga kasabay mong kumain, kailangan mong humatsing nang nakasara ang bibig mo. pangatlo, mas malamang sa hindi, pumasok yung kanin sa ilong mo. masakit ‘yun.
  • ayoko na tumatama yung binti ko sa hagdanan kapag nagmamadali akong umakyat dahil kahit gusto kong maiyak sa sakit, hindi ko yun magawa kasi malaki na ako at nakakahiya.
  • ayoko kapag napapaso ang dila ko sa pagkain lalo na kapag masarap ang ulam dahil kahit na gaanong kasarap ang ulam, hindi ko na malalasahan dahil sa nasunog na ang mga taste buds ko.
  • ayoko na nagkakaroon ako ng singaw dahil kahit na masarap ang ulam, hindi rin ako gaganahang kumain dahil parang torture ang pagnguya.
  • mas lalong ayoko kapag nagkasingaw ka habang sabay sabay tumutubo ang mga wisdom teeth mo. sapat na ito para isumpa ang kahit anong pagkain.
  • ayokong magkasipon dahil masakit lumunok, mahirap huminga at makati sa lalamunan. pero gusto ko kapag minamalat ako kapag nagkakasipon. gumaganda kasi ang boses ko, parang kay renz verano.
Advertisements

12 Comments

  1. na-experience ko na yung humatsing habang kumakain tapos pumasok sa ilong ko yung kanin.. grabe talaga! ang sakit nun!!!! di ko ma-describe yung sakit..

    kaya nagtataka ako kung paano natatake nung mga sumisinghot ng bato ang sakit na yun.

  2. wahahahah!! mga unexpected experience, di na talaga maiiwasan…goodluck sa pagsisipilyo mo =P

    sa lababo na ako magsisipilyo pag may ubo ako šŸ™‚

  3. ang dami mo nman po ayaw?…anu naman po ang gusto nio?guro marami din no?hehehe..la lng po…iiwan lang po ng bakas sa page mo..hehehe..naranasan ko na rin po kuya ang ilan sa mga yan..hahaha…apirrrrrrrrrrrrr…at ako din po..ayoko nun….hehehe….;-)

    marami talaga akong ayaw. favorite past time ko ang panonood ng tv with friends tapos pipintasan namin lahat ng artista. haha.

  4. Ay pareho tau. Yan din ang mga ayoko. šŸ˜€

    Tapos yoko din ng bumabahing sa opis kasi mashado tahimik at nakakahiya hehehehe…

    Nice post!

    salamat šŸ™‚ at ayoko rin nyang bumabahing lalo na pag tahimik dahil sobrang lakas kong bumahing

  5. hehe , ayaw ko din ng mga ayaw mo, pero, ayoko maging kaboses ni renz verano! Lols šŸ˜†

    kapag babae, aegis. haha

  6. takte. ang saya niyan. wahahaha!

    bwisit talaga ang sipon na yan. hindi na nga ako minsan pinapatulog nyan eh. argh. at isa pa yang singaw na yan. di mo talaga maenjoy ang foodness.

    oo nga e. parusa yata yan ng Diyos sa tao e. hehe.

  7. hassle talaga yang singaw. lalo na pagtinamaan ka sa ilalim ng dila. ang sakit!

    sinabi mo pa. di lang sa pagkain. sa iba’t ibang bagay din na kailangang gamitan ng dila. hehe

  8. ayoko rin sa mga nabanggit mo. hehe. bad trip kasi ang mga yan. pareho tayo. boring nga ang mag-toothbrush sa lababo kaya minsan nakaharap ako sa TV while nagtu-toothbrush. hehe.

    ako minsan pag tinatamad ako, parang gusto kong magtoothbrush nang nakahiga. kaya lang baka malunok ko yung toothpaste šŸ™‚

  9. hello po! nag-evacuate na ko sa isang bagong blog. di ko pa naayos ng mabuti kaya pasensya na. sorry din kasi di ko alam kung pano ilipat yung mga comments nyo. sorry talaga. kinailangan ko lang maglipat. basta. daan ka ha. hehe! added ka na rin sa blogroll ko. yung comments lang tlga. huhu…

    ok no problem. updated na yung link mo sa akin.

  10. waaahhhhh!!! pareho tayo! nagstroll din ako habang nag-totoothbrush, balak ko ngang magcommute habang nagtotoothbrush o magtoothbrush habang nag-cocommute. whatever. lol!

    nagstostroll? parang nasa mall lang. haha. naku jojie, masisira ang byuti mo kapag nagtoothbrush ka habang nagcocommute.

  11. hahahaha!!! nakaktawa naman ito.. wala akong masabi.. tatawa na lang ako. lol. :]]

    salamat sa pagdaan šŸ™‚

  12. nasubukan ko nang bumahing habang kumakain… sizzling pa ‘yun ha.

    nakakahiya.

    ouch masakit nga yun. umuusok usok pa nung lumabas? buti yung akin, mga kaning lamig lang. hehe


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

w

Connecting to %s

%d bloggers like this: