Laktawan ang galugad

Naglaba kami ng nanay ko. May nabasa ako noon sa Reader’s Digest. Makikilala mo raw ang tao sa mga sinampay nya. Kung ito’y salisaliwa, kung ito’y hindi nakaayos nang husto, kung ito’y hindi gaanong malinis – lahat ng detalye ay may sinasabi sa naglaba. Dito ko napatunayan kung gaano kagaling ang nanay ko. Ako ang incharged sa pagsasampay. Akala ko nung una, basta mo lang isasampay ang mga damit. Yun pala, dapat ito’y nakabaligtad para kung sakaling marumihan, pwede pa ring gamitin. Dapat rin na ang mga kwelyo ng mga polo ay nakasandal nang maigi sa mga hanger para hindi sila pangit tingnan kapag nakasampay. Ang mga plastic ng hanger ay dapat sa mga pang-itaas lang. Ang mga bakal na hanger ay pwedeng gamitin sa mga pang-ibaba dahil ito ay karaniwang kinakalawang kapag matagal na. Marami pa lang detalye ang paglalaba. Kahit gaanong kasimple ang isang bagay, dapat ay gawin pa rin ito ng tama, nang maayos. Sabi nila, kaya raw naging santo si St. Therese of the Child Jesus ay dahil sa mga munting sakripisyong ginawa nya – hindi dahil sa malalaking bagay na naabot nya. May narinig akong quote na parang ganito: “if you can’t be a highway, be a trail. If you can’t be the sun, be a star. It’s not by size that you win or fail. Be the best of whoever you are”. Siguro nga totoo ‘to. Hindi naman siguro masyadong importante kung gaano kalaki yung nagagawa natin sa buhay. Ang mas mahalaga ay ang pagmamahal na ginugugol natin sa paggawa ng mga ito. At least may natutunan ako ngayon. For a change.

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: