Watusi

..I need some distraction, oh beautiful release..

kiss ass Setyembre 12, 2009

Isinalansan sa: Uncategorized — watusiboy @ 9:27 umaga

hindi pa rin ako makaget-over sa nangyari kahapon. nagemail kasi yung manager sa akin ng ganito:

if person  A and person B approves, consider this as my approval.

natataranta ako na ako nung mga panahong ‘yon . may deadline kasi yung kailangan kong gawin at magagawa ko lang yun kung meron akong sapat na approval. kaya naman nung nareceive ko ang email sa taas, nabasa ko kung ano ang gusto kong mabasa:

…consider this as my approval.

o well, para paikliin ang istorya, nagkaissue dun si person A. nagsorry naman ako.

ang hindi ko lang matanggap, yung coldness nya habang nagsosorry ako. para bang gumawa ako ng isang bagay na makakapagpabankrupt ng isang kumpanya.

ang totoo nyan, sa tingin ko tama naman yung ginawa ko dahil kung hindi ko nagawa yung ginawa ko on time, magiging mas malaking problema. tsaka wala akong nakikitang napakalalim na dahilan para hindi ko gawin ang dapat kong gawin. so ang point ko lang, oo may mali ako, pero i don’t deserve that attitude. in fact i did him a favor. hindi dapat ako nagiguilty.

nakakafrustrate dahil nakatali ako sa mga taong katulad nya. feeling ko kailangan ko laging maging kiss-ass. nung mga panahong ‘yon, mas alam ko kung ano ang mas tamang gawin pero dahil lang sa mas mababa ang posisyon ko sa kanya, talo ako.

 

Leave a Reply