Watusi

..I need some distraction, oh beautiful release..

cheering Setyembre 13, 2009

Isinalansan sa: Uncategorized — watusiboy @ 11:15 umaga

kung meron akong namiss nung college ako, yun yung panonood ng uaap cheerdance competition. either kasi may pasok ako, o meron akong kailangang ipasang requirement o naubusan na ako ng ticket. pangarap ko pa namang makicheer ng Uhhhh-nibersidad ng PilipinAAAAs habang pinapanood ang UP pep squad.

congrats nga pala sa mga winners ng uaap cheerdance competition:

up pep squad – no. 1 pa rin kayo sa puso ko. para sa akin, pinakaexciting ang mga stunts nyo. and let’s face it – yung routine nyo naman talaga ang inaabangan ng mga tao.

ateneo blue babble batallion – in fairness, maganda ang costume nyo tsaka si sari campos.

feu cheering squad – napaaray ako dun sa stunt nyong nilalagay yung paa malapit sa pisngi. ano ba tawag dun? ‘di ko masyadong gusto yung manok concept (?), pero feeling ko deserving nyo namang manalo. in fairness, dininig ni bro yung dasal nyo ha.

 

makeover 2 Setyembre 12, 2009

Isinalansan sa: Uncategorized — watusiboy @ 10:13 umaga

dahil nagsasawa na ako sa dati mong theme.

dahil naniniwala ako sa ipinaglalaban ng blackle. well sort off..brown pala yung background nito, hindi black. pero close enough.

dahil favorite ko talaga ang apple/lime green at sky blue.

dahil ang boring ng theme na emire.

eto na ang bago mong itsura blog. you deserve it, magdadalawang taon ka na rin pala no? akalain mo yun. e pinanganak ka lang naman dahil sa boredom at sama ng loob.

pero hindi ko lang talaga gusto yung flower na header. pasensya na, hindi yata pwedeng icustomize yun e.

 

kiss ass Setyembre 12, 2009

Isinalansan sa: Uncategorized — watusiboy @ 9:27 umaga

hindi pa rin ako makaget-over sa nangyari kahapon. nagemail kasi yung manager sa akin ng ganito:

if person  A and person B approves, consider this as my approval.

natataranta ako na ako nung mga panahong ‘yon . may deadline kasi yung kailangan kong gawin at magagawa ko lang yun kung meron akong sapat na approval. kaya naman nung nareceive ko ang email sa taas, nabasa ko kung ano ang gusto kong mabasa:

…consider this as my approval.

o well, para paikliin ang istorya, nagkaissue dun si person A. nagsorry naman ako.

ang hindi ko lang matanggap, yung coldness nya habang nagsosorry ako. para bang gumawa ako ng isang bagay na makakapagpabankrupt ng isang kumpanya.

ang totoo nyan, sa tingin ko tama naman yung ginawa ko dahil kung hindi ko nagawa yung ginawa ko on time, magiging mas malaking problema. tsaka wala akong nakikitang napakalalim na dahilan para hindi ko gawin ang dapat kong gawin. so ang point ko lang, oo may mali ako, pero i don’t deserve that attitude. in fact i did him a favor. hindi dapat ako nagiguilty.

nakakafrustrate dahil nakatali ako sa mga taong katulad nya. feeling ko kailangan ko laging maging kiss-ass. nung mga panahong ‘yon, mas alam ko kung ano ang mas tamang gawin pero dahil lang sa mas mababa ang posisyon ko sa kanya, talo ako.