Nasabi ko na – hindi natuloy yung pag-eend ng contract ko. Swerte na rin kasi wala namang nagworkout sa mga pinag-applyan ko at kami yung unang batch na inextennd nila. Face saver - kasi syempre ayokong mabakante. Darating pa naman yung pinsan ko galing amerika at pag nalaman nun na wala na akong trabaho at hindi ako regular, sasabihin nun, “Sa UP ka pa naman nag-aral, pumayag ka sa ganyan?” inaamin kong nasasaktan ang ego ko sa ganitong set-up. Minsan gusto kong sabihin sa mga leads at managers dun sa opisina na mas magaling pa ako sa kanila at nagtataka ako kung bakit sila nandun at ako nandito lang. pero katulad nga ng sabi nila, iba ang “real world” sa eskwelahan. kung naranasan mong mailagay sa pedestal nung nag-aaral ka pa, sa totoong buhay, pwedeng dedmahin ka lang nila.
Marami akong reklamo sa trabaho – unfair treatment, mismanagement blah blah etc etc . Sumasagi na rin sa isip ko na lumipat pero wala pa talaga ako sa tipping point e. kinumbinsi ko ang sarili ko noon na ayaw ko na, pero hindi ko maitatanggi na napamahal na ako sa mga tao dito. Safe zone ko siguro ‘to no? kailangan ko pang bumwelo kung magtetake ng risk.
So balik sa normal ang lahat. Hindi na ako masyadong nakakapagblog dahil as usual, tumatambak ang trabaho ko, at nadagdagan pa. nakakastress na nga e.
Bakla nga pala yung seatmate ko ngayon. Kamukha nya si chokoleit. Kaya bombarded ako ng mga sexcapades nya. Minsan sabi nya sa akin nung napansin nyang panay ang pagpapakamartir kong mag-overtime na bigyan ko naman daw ng buhay ang sarili ko. Ang gusto nyang sabihin sa tingin ko e magkaroon ako ng night life, makipagcasual sex o makipagboyfriend. ganun ba dapat idefine ang pagkakaroon ng buhay? kung yung mga bagay na yun ang magbibigay ng excitement sa buhay ko, alam kong hindi yun ang magpapasaya sa akin.

Good thing naman at hindi tinapos yung contract mo… Okay lang yan kahit stressed at times, basta may pinagkakakitaan… Tiis lang ng konti kapatid…
“ganun ba dapat idefine ang pagkakaroon ng buhay? kung yung mga bagay na yun ang magbibigay ng excitement sa buhay ko, alam kong hindi yun ang magpapasaya sa akin.”
Interesting lines… Kung iyong ipagpaumanhin, ano ba ang mga bagay na makapagpapasaya sa yo?
—–
watusiboy: salamat po. it’s always comforting to read your comment. anong magpapasaya sa akin? siguro si God.
Pramis chang, hindi sagot para sumaya ang pakikipagcasual sex o ano pa man. hindi rin dapat isama sa listahan ang pag-inom. Tikman mo kung gusto mo, pero kung magpakalusaw sa quicksand na ito, sana maisip mo ang comment ko. ^^v
—–
watusiboy: quicksand, i never thought of it that way. salamat