Watusi

..I need some distraction, oh beautiful release..

serendipity Hunyo 5, 2009

Isinalansan sa: Uncategorized — watusiboy @ 12:20 hapon

yung mga emergency exit pala sa mga building, ginawa lang sya for exit. ibig sabihin, kapag nakapasok ka dun, no turning back – dapat lumabas ka kung saan yung exit. paano ko nalaman? e kasi ang tanga namin ni jessie. dun kami dumaan.

lumagpas kasi kami ng isang floor. again, dahil ito sa katangahan namin dahil hindi namin pinidot yung ‘18′. bumaba kami sa 19th. sabi ko sa kanya magstairs na lang kami. feeling namin yung emergency exit yung stairs pababa. hehe.

ayun, natrap kami.

sinubukan kong buksan yung pintong nilabasan namin, ayaw. sinubukan kong buksan yung pinto dun sa baba, ayaw rin.

si jessie naman kumakatok, umaasang may makakarinig sa amin. buti na lang talaga wala kasi dalawa lang ang maiisip nya- na ang tanga tanga namin o kaya naman meron kaming ginagawang kababalaghan dun.

eto pa ang nakakatawa, naisip ni Jessi na dumaan dun sa kisame. yung parang dinaanan ni tom cruise sa mission impossible. gusto kong sabihin kay jessie, adik ka ba?

ang ending, bumaba kami hanggang makakita kami ng exit. ayos na rin -exercise.

pero bakit serendipity ang title ng post na ‘to? kasi kung hindi nangyari sa amin yun, hindi ko makakasabay si crush no 2 sa elevator. hahaha. ang liit pala nya. nakita ko din yung anit nya sa malapitan.

nung moment na yun, winish ko na sana 1000 floors na lang yung building na yun para tumagal tagal naman yung moment namin.

 

6 Responses to “serendipity”

  1. girl, kung 1000 floors mong makakasama si cruh no.2 mo, baka mag-away na kayo niyan. im sure iinit na ulo ng crush mo. hahaha…

    at bakit naman anit pa tlaga ang pinansin mo sa kanya? eh di ita tuloy yung kanyang mg dandruff. ehehejoke!

    but syempre, nagpapasalamat kming lahat at nataguan niyo rin ang tamang exit, kung kaya’t nakablogka ngayon.

    i’s nic to be back! mwah!

  2. utakmunggo Says:

    yaikee nakakagigols naman itong post mo. ahaha

    pero kung sakin nangyari yan malamang naglupasay na ako’t nawalan ng malay. takot kasi ako sa small, enclosed spaces.

  3. joshmarie Says:

    hala, ganun pala yun…

  4. anakngpating Says:

    uyyyyy…
    moment hehe..

  5. Singit lang ito kapatid… Babalik ako para magbasa ng maayos…

    Thank you for supporting Nooks and Crannies for the year that passed. In return, I have something for you. You might want to check this out.

  6. wei vines Says:

    lolololol….at least alam mo na na pangexit lang talaga yun..hehehe…

    naks..at dahil sa katangahan, may swerteng naganap :D
    —–
    watusiboy: oo nga e. now i know. hehe


Leave a Reply