Watusi

..I need some distraction, oh beautiful release..

bye Abril 29, 2009

Isinalansan sa: Uncategorized — watusiboy @ 1:55 hapon

crush no 1, nalulungkot ako.. lilipat na kayo ng floor.

paano na yung 4pm habit ko? hindi ko na makikita ang noo mo. alam mo bang nawawala ang pagod ko kapag nakikita ko ang nakausli mong noo? at makita ko lang nang tatlong segundo ang mukha mo, solve na ang araw ko.

alam mo ba na kaya ako bumili ng mga body hugging na long sleeves na stripes ay dahil sayo?

alam mo bang kaya ako bumibili ng damit every other week  dahil sayo? kaya lang,  sabi nga sa kanta ng eraserheads – tatlong oras na akong nagpapakyut sayo, di mo man lang napapansin  ang bagong polo shirt ko!

at alam mo bang nagpafacial ako dahil sayo? tiniis ko torturin ni ate yung ilong ko, ‘wag mo lang makita ang mga blackheads ko.

kaya lang, wrong timing ka naman. nung nagkasabay tayo sa elevator, puyat ako. yun ang dahilan kung bakit ako oily at mukhang pagod.

isaisa kayong nawawala – kayo na nilulook forward ko araw-araw. una, nawala ako sa team. tapos umalis si jehan at jessa, mga joke buddies ko. nadeploy na sina cochai at gazelle. si marge lumipat na rin ng upuan. watak watak  na ang lunch group. ano ba yan!

iniisip ko na lang, baka preparasyon na ito sa napipinto kong pag-alis (wag naman sana talaga). let go hanggang maaga. pangit naman kung biglaan.

ang hindi ko lang maintindihan, talagang nagawan kita ng entry dito sa blog ko ha. pwede palang mamiss mo ang isang taong kahit kailan hindi mo naman nakausap.

 

5 Responses to “bye”

  1. joshmarie Says:

    posible naman talag yun. ang mamiss ang isang tao kahit di mo siya nakakausap.
    —–
    watusiboy: sad, aalis na sya.

  2. anakngpating Says:

    ganun talaga kapag crush mo sya..
    sundan mo na lang din kaya ng makausap mo na tameme ka ata ksi lagi hehe..
    —–
    watusiboy: hindi lang tameme. ni hindi ko nga sya kayang tingnan ng matagal. feeling ko matutunaw ako e. hehe

  3. y Says:

    hay naku iho, mas mabuti nang ma-miss mo ang isang taong hindi mo nakausap kesa sa taong hindi mo man lang nakita. hehe! apir!

  4. utakmunggo Says:

    natawa naman ako sa banat mong puyat at oily ang mukha. ahaha.. at napa-quote ka pa tuloy sa e-heads. wag ka nang malungkot, may mga elevator opportunities pa naman siguro kahit na nasa ibang floor na siya. better yet, gumawa ka ng rason para makaakyat sa floor niya. hehe

  5. brotherutoy Says:

    matatawa dapat ako, pero napangiti lang ako sa post mo.
    in love na in love eh.ü
    ikaw lang ang alam kong ibinili ang sarili ng polo shirt para sa crush.
    or siguro, ikaw lang ang umamin.

    kausapin mo na kasi.
    sayang naman, baka maging isang kabinet na ang polo shirts mo,
    wala pa ring nangyayari.

    God bless!


Leave a Reply