hindi ko naramdaman ang holy week. kung dati kasi, walang palabas at pinagbabawalan kaming maglaro, ngayon, eto, may internet na. para tuloy naging usual weekend lang sya.
hindi rin naging meaningful ang lent ko. wala akong nagawang sakripisyo (nakakahiya). nung friday, hotdog pa ang inalmusal ko. at ganito pala ang graph ng prayer life ko nitong mga nakaraang buwan:

inaamin ko na ako naman ang may kasalanan. maraming nangyari. may mga gusto akong gawin.. marami akong tanong.
sabi nung isang pari sa tv, “if God seems so far away, guess who walked away.” paano kayo magiging maayos kung hindi ka naman sumusunod? hindi pwedeng one way ang relasyon.
galing ako sa catholic school. noon, isinusuka ko yung mga napakahabang dasal tuwing flag ceremony, yung pagdadasal before and after every subject, recollections at retreats. ngayon namimiss ko na sila.
lalo na yung retreat. gusto kong magretreat minsan. feeling ko kasi ganito na yung itsura ng kaluluwa ko

sana magawa ko rin ito soon.
gusto ko lang ishare yung theme song namin ni God: awit ng paghahangad

sayang, low tech ang computer ko dito kaya di ko narinig ang themesong nyo ni God.
Smile, Watusi.ü there’s always next time. kundi man ngayon, madami pang pagkakataong darating for that.
natuwa ako sa post mong ito kasi very honest and sincere, tulad ng iba mong mga posts. babalik ako madalas dito.
Happy Easter!
—–
watusiboy: salamat bro utoy. hope it happens next time
hindi ako nahihiya kahit pa sabihing hindi ako nag-reflect nitong holy week.
nag-bakasyon ako at nagpakasaya, kailangan ko talaga ‘yun. siguro mas mabuti nang ma-relax ang utak ko para maging mas mabuti akong kristyano sa susunod na linggo.
—–
watusiboy: deserve mo talaga ang bakasyon
hmm, siguro po ay hindi ka nge nakapaglent or nakapaggunita ng holy week, pero hindi ibig sabihin noon na kinalimutan oinabandona mo na siya..maiintindihan niya iyon dahil marunong siya magpatawad..
kaya nga there is always room for change..^_^
BRO always forgive..He always waiting for us..^_^
—–
watusiboy: thanks for the inspiring words sarimau!
wag kang mag-alala, ganyan din ang pakiramdam ko. parang natambakan ako ng kamalasan last week. nung friday natanggal yung isang kuko ko sa paa, nilagnat ako hanggang sunday. wala rin akong nasakripisyo. nakakahiya din. pero naiisip ko, minsan wala rin naman talaga sa cultural practice yan eh o kaya pagsunod sa norm na nakasanayan natin kundi nasa actions natin in dealing with our day to day struggles. may mga taong halos araw-araw nagsisimba pero gumagawa naman ng kasamaan paglabas ng simbahan.
basta naniniwala ka sa Kanya at gumagawa ka ng tama, andyan lang Siya.
—–
watusiboy: i’m not alone then.
ako din di ko naramdaman sa sarili ko ang essence ng holy week, kumain pa talaga ako ng karne a tnagbrowse ng di dapat ibrowse sa mga araw na yun, hmfft… ewan ko, di ko napigilan sarili ko. ayoko naman kasing magpakaipokrito na hihingi ng tawad pero mamaya lang e gagawa ng kasalanan ulit, tama na yong gagawa ka ngayon para ipunin saka humingi ng tawad.hehe…basta malim lang siguro ang diwa ng espiritualismo ko kesa sa pagiging relihiyoso.
Kapatid,
Huwag mangamba. The Lord will always find you! And prayer need not be in the form of words. Our actions when offered to God are also prayers…
He is always inviting us to share our life with Him… Ayokong sabihing “Take your time” because our life span is just a drop in the ocean compared to God’s eternity…
So, allow Him to find you…
In fact, your yearning to pray is a proof of His yearning for you…
By the way, thank you for extending you sympathies. God bless!
—–
watusiboy: hope He finds me soon
nice. simple.. you might want to pay a visit to mine and leave a comment: jumpingsalad.wordpress.com .. thanks.
—–
watusiboy: salamat sa pagdaan F.OBSN, paano ba basahin ang pangalan mo? hehe.
It’s a shortcut for Forester (my profession) and my initials OBSN. hehe. Thanks watusi.
http://www.articlearchives.com/63-1.html?query=ozzy+boy+sairez+nicopior
magagawa mo di yang kuya kung gugustuhin mo..:)
—–
watusiboy: sana makaipon ako ng sapat na will power soon
hi watusi… napadaan lang po… nice site u have here… cool insights…
nabasa ko sa previous blog mo na may pic ka with charo ronquillo. can you tell more about it? hehe saan mo sya nkita? mganda ba sya? mabait? hehe salamat
—-
sa philippine fashion week po. maganda talaga. at mukhang mabait kasi game magpapicture. medyo naglean pa nga sya sa akin para mukha kaming close. hehe