Watusi

..I need some distraction, oh beautiful release..

horoscope Marso 22, 2009

Isinalansan sa: Uncategorized — watusiboy @ 11:38 umaga

Career. Sa July 21 baka mawalan na ako ng trabaho. 0% absorption ang sabi nung isang manager sa amin. feeling ko binatukan ako ni God sabay sabi, “seriously, eto na ba talaga ang gusto mong karirin? hanggang dito ka na lang?”. alam nya ang sagot ko dito noon – dalawang taon. tutal masaya naman ako at parang okay naman ang trabaho. pero sa mga nangyayari ngayon, parang gusto na Nya akong umalis doon. Okay fine Lord.  Kung hindi ako maabsorb o maextend, siguro yun yung sign na gusto mo na akong umalis sa comfort zone ko. kaya sige, sa May, bubuhayin ko na uli yung jobstreet account ko. nakalimutan ko na ang password nun e kasi sabi ko, hindi ko muna yun gagamitin ng dalawang taon.

Lovelife. nagtapos ang papausbong na lovelife ko kahapon. hindi ito umabot ng isang buwan. ang natutunan ko – hindi ka dapat pumapasok sa ganun dahil lang sa napakababaw na rason na gusto mo itong itry. binibigyan mo lang ng false hope yung tao. ang totoo nyan, nasilaw lang naman ako sa atensyon na binigay nya sa akin. kahapon, sabi ko sa kanya, feeling ko sobrang magkaiba kami. sabi nya, ano daw ba ang hinahanap ko. sabi ko sa kanya, hindi ko alam. ang gulo ko. pero ngayon, may naisip na ako. gusto kong makakita ng tao na kaya akong pabangunin sa umaga para ipagluto sya ng breakfast. parang yung ginagawa ni marge sa asawa nya. siguro yun yung sinasabi nilang true love. ang mushy. at oo, i’m so bad.

Atbp. may ilang buwan nang naglilinger ang mga sinusulat kong insecurities dito. sabi ko kay mhelai, bakit ganun, madalas feeling ko inadequate ako. why do some people seem to have it all? katulad na lang ni jay – gwapo, successful at nalaman kong nagmamasters pala sya sa UP. nakakainggit. sabi sa akin ni mhelai, nafefeel din daw nya yun. pero ‘wag ko daw kasi tingnan yung mga wala sa akin… anyway, 3 weeks ko nang binabalak na magsit-ups sa umaga. ang laki laki na talaga ng tyan ko.

 

8 Responses to “horoscope”

  1. deejay Says:

    “kahapon, sabi ko sa kanya, feeling ko sobrang magkaiba kami. sabi nya, ano daw ba ang hinahanap ko. sabi ko sa kanya, hindi ko alam.”

    ouch and double ouch!

    grabe. ang bad mo nga. wehehe!
    —–
    watusiboy: yeah…i’m so bad..

  2. Pilar Says:

    ayos na horoskop to. eto horospkop ko para sayo:

    trabaho: simulan mo nang maghanap kung ganyan sa inyo.
    lablayp: hindi mo kailangang magseryoso pero pakiramdaman mo din ang nararamdaman ng mga tao sa paligid mo.
    atbp: magsit ups ka na kung ayaw mong magmukhang butete.

    lucky color: white
    lucky number: 6

    lol
    —–
    watusiboy: salamat madam pilar. pwede kanang maging writer sa libre :)

  3. taympers Says:

    abah… wg kang mainsecure..okey lang yan.kaya mo yan.dito lang kami, jan ka.hehe
    —–
    watusiboy: salamat sa pagdaan

  4. Kapatid, regarding dun sa Atbp – situps…. There’s more to life than being slim… :)

    Lovelife… Kung hindi ukol, hindi bubukol… :) You have a higher calling pagdating sa lovelife… believe me… :)

    Career… This crisis shall pass… Kaya hang in there… God is cooking something… :)
    —–
    watusiboy: coolwater, ang problema, slim talaga ako. yung tyan ko lang ang lumalaki. weird no? sana ipaamoy ni God sa aking yung niluluto nya :)

  5. wei vines Says:

    career: hanap ka ng bago..hehehe
    lablyp: playsafe ;)
    atbp: gawin mo na yan..hehehe
    —–
    watusiboy: salamat wei :)

  6. utakmunggo Says:

    ay mabuti nalang kamo at maaga yung abiso na 0% absorption, at least may panahon ka pang mag job hunting. goodluck sa iyong paghahanap, at sana’y gabayan ka ni papa God para matunton mo ang nararapat na work para sa iyo.

    about sa lovelife… katulad ka ng kaibigan ko. dati, ang batayan niya rin ay yung kaya siyang paupuin kapag sinabi ng beloved nyang “sit” or “rollover” or “lick the floor”. ewan ko sa inyo. sabi ko sa friend ko maghahanap ako ng jail warden na babae para sa kanya. hehe
    —–
    watusiboy: naku, walang abiso. trend yung sinabi ko. minsan sa mismong day sasabihin. kaya nangangapa kami.
    haha jail warden? ayoko baka iposas nya ako. haha

  7. jeniffer Says:

    awts.. parang nahurt naman ako dun sa lovelife– so ganun pala nasa isip ng ibang boys, pero i2 lang opinyon ko.. “wag mu ng simulan, kung di mo rin naman gustong tapusin.. ” :( wala lang.. opinyon ko lang naman yun..
    —–
    watusiboy: my bad talaga ito. and jen, lalaki rin yung tinutukoy ko..if you know what i mean. sana hindi masira ang image ng mga lalaki sayo :)

  8. brotherutoy Says:

    watusi, i added you sa blogroll ko. ok lang? God bless!
    —–
    watusiboy: tnx bro utoy – may spark? hehe. i’ll add you too. God bless :)


Leave a Reply