Career. Sa July 21 baka mawalan na ako ng trabaho. 0% absorption ang sabi nung isang manager sa amin. feeling ko binatukan ako ni God sabay sabi, “seriously, eto na ba talaga ang gusto mong karirin? hanggang dito ka na lang?”. alam nya ang sagot ko dito noon – dalawang taon. tutal masaya naman ako at parang okay naman ang trabaho. pero sa mga nangyayari ngayon, parang gusto na Nya akong umalis doon. Okay fine Lord. Kung hindi ako maabsorb o maextend, siguro yun yung sign na gusto mo na akong umalis sa comfort zone ko. kaya sige, sa May, bubuhayin ko na uli yung jobstreet account ko. nakalimutan ko na ang password nun e kasi sabi ko, hindi ko muna yun gagamitin ng dalawang taon.
Lovelife. nagtapos ang papausbong na lovelife ko kahapon. hindi ito umabot ng isang buwan. ang natutunan ko – hindi ka dapat pumapasok sa ganun dahil lang sa napakababaw na rason na gusto mo itong itry. binibigyan mo lang ng false hope yung tao. ang totoo nyan, nasilaw lang naman ako sa atensyon na binigay nya sa akin. kahapon, sabi ko sa kanya, feeling ko sobrang magkaiba kami. sabi nya, ano daw ba ang hinahanap ko. sabi ko sa kanya, hindi ko alam. ang gulo ko. pero ngayon, may naisip na ako. gusto kong makakita ng tao na kaya akong pabangunin sa umaga para ipagluto sya ng breakfast. parang yung ginagawa ni marge sa asawa nya. siguro yun yung sinasabi nilang true love. ang mushy. at oo, i’m so bad.
Atbp. may ilang buwan nang naglilinger ang mga sinusulat kong insecurities dito. sabi ko kay mhelai, bakit ganun, madalas feeling ko inadequate ako. why do some people seem to have it all? katulad na lang ni jay – gwapo, successful at nalaman kong nagmamasters pala sya sa UP. nakakainggit. sabi sa akin ni mhelai, nafefeel din daw nya yun. pero ‘wag ko daw kasi tingnan yung mga wala sa akin… anyway, 3 weeks ko nang binabalak na magsit-ups sa umaga. ang laki laki na talaga ng tyan ko.

