Watusi

..I need some distraction, oh beautiful release..

how sweet Pebrero 22, 2009

Isinalansan sa: Uncategorized — watusiboy @ 2:52 umaga

Dahil perbrero naman, gusto kong sariwain ang isa sa mga moment namin ni crush no. 1:

Ako: ihing ihi na. lumabas para mag CR

Crush no 1: nakaharang sa pintuan ng CR. Nagsasalamin dahil may pimple yata. Ginawang pangharang ang pwet  para ‘di sumara ang pintuan ng cr

Ako: nag-alinlangan pumasok dahil nakaharang ang crush pero ihing ihi na talaga . Pumasok na rin at nagpatay malisya. Pero hindi mabitiwan ang pinto dahil matatamaan ang crush pag nagkataon na nadun pa rin at nakaharang.

Crush no 1: abala pa rin sa pagsasalamin. Hindi siguro napansin na pumasok na ako.

Ako: iniisip kung kakausapin ba ang crush at sasabihing isasara ko na yung pinto. Pero nag-alinlangan dahil pag nagkakataon, magbablush at mababasag ang boses. E di mahahalata.

Crush no 1: napa tsk. May pimple nga yata na tumubo sa malaporselana nyang kutis.

Ako: kailangan nang magdesisyon. Hindi maaring tumayo doon nang matagal hawak hawak ang pinto… ang awkward

Crush no 1: walang pakialam. Nanalamin at nakaharang  sa pintuan ang pwet

Ako: bahala na. binitawan ang pinto. Sabay nagmadaling pumasok sa cubicle

Crush no 1: natamaan ng pintuan

Ako: clueless sa naging reaction ni crush no. 1.

Ang sweet ko talaga.

 

2 Responses to “how sweet”

  1. utakmunggo Says:

    talaga ang pimple nakakapagpawala ng kamalayan.
    —–
    watusiboy: ang laki ng pasasalamat ko sa pimple na ‘yon :)

  2. deejay Says:

    hanep. nakakakilig na eksena. pang-you change my life.
    :D
    —–
    watusiboy: sana nga happy ending din


Leave a Reply