ang tagal na din pala ng huling update ko. hindi ko masasabing naging sobrang busy ako dahil hindi na nga ako nagoovertime ngayon. tumambling na naman kasi ang circadian rhythm ko – naging pangmatanda. nakakatulog ako ng mga 9pm at nagigising ng 3am. kaya kung tutuusin may time akong magblog sa madaling araw. pero ayoko kasi natetempt akong magporn. ang pangit kasi kung fresh na fresh pa rin sa utak ko yung mga ganung eksena kapag nasa opisina na ako.
pero ang totoong dahilan ng post na ito ay ang tag ni badoodles, isang institusyon at alamat ng blogosperyo. Ang rule: magsabi ng 10 interesanteng bagay tungkol sa sarili mo, siyam dun ang totoo at isa ang kwentong barbero.
1. hanggang mag-grade 4 ako, ang buong akala ko sa core tayo nakatira. at oo grade 4 na ako nung maintindihan ko ang konsepto ng gravity. ang iniisip ko nun, kung sa crust tayo nakatira, e ‘di nahulog na tayo sa space. tandang tanda ko pa yung science class ni Ms. Denilla. tinanong nya kami kung sang layer daw tayo ng mundo nakatira. halos lahat nagtaas ng kamay para sa crust. may apat sigurong nagtaas para sa mantle (weird din ang mga ito). at ako ang kaisaisang nagtaaas para sa core. natawa ang mga kaklase ko. impyerno na daw kasi yun.
2. eto pa, hanggang 3rd year high school, iniispel ko ang salitang ‘against’ na ‘againts’.
3. ako ang class clown ng klase namin. hindi ko alam kung bakit hindi ko yun nacarry over dito sa mundo ng blogging. kung mababasa siguro ng mga kakilala ko ang blog na ito, magugulat sila. mga closest friends ko lang kasi ang nakakaalam na seryosong tao talaga ako.
4. nagsimula ako sa blogging world bilang si chubibongbibo. hindi ko namaintain ang account na yun dahil hindi pa kami naka-DSL. walang malalim na dahilan ang mga username choices ko. Nakyukyutan lang ako sa salitang chubibo at watusi.
5. kaya kong pagalawin ang ankle bone ko:
disclaimer: hindi ito ang paa ko. mas malaki ‘di hamak ang akin.
wala pa akong kakilalang nakakagawa nito.
6. lapitin ako ng embarrassing moments. pinakamalala na yung pagkaipit ko sa lrt. hindi na ako mag-eelaborate.
7. napansin ko lang na nagugulat ang mga tao kapag nalalaman nila ang sexual preference ko – mapablogosphere o sa totoong buhay. pero ayokong tinatawag akong bakla. masakit kasing pakinggan at para sa akin iba ang konotasyon nun sa Pilipinas. lalaki ako – nagkataon lang na lumihis ang sexual orientation at hindi ko ‘yun kasalanan. sa puntong ito, kailangan ko sigurong sabihin na naging officer ako ng PMT (CAT ang tawag ng iba dito).
8. muntik na akong mainterbyu para sa programang Debate. malapit kasi sa supreme court ang eskwelahan namin. magkakasama kami noon ng dalawa kong kaklase nang harangin kami ni Eagle para sa interbyuhin. ininterbyu nya yung dalawa kong kasama tapos ako dinedma. sarap tadyakan. pero nagkatotoo ang pangarap kong maipalabas sa TV nang minsan akong mahagip ng camera ng isang prime time news cast.
9. napagtripan naming magkakaibigan na magaudition sa Pinoy Idol. again, ayokong mag-elaborate.
10. although umiinom ako, hindi pa ako nalalasing.
napansin ko lang na wala pala akong tinag sa mga tag na nasagutan ko. kapag ba tinag ka, kailangan mo rin mangtag?
anyway, itinatag ko sina ada aka y, aling baby, coolwaterworks (although parang hindi ito consistent sa theme ng blog mo
) ifoundme at si filipinamistress. kung feel nyo lang naman.