Watusi

..I need some distraction, oh beautiful release..

redundancy Enero 17, 2009

Isinalansan sa: Uncategorized — watusiboy @ 3:03 hapon

January 15, 2009

ngayon, napatunayan ko na lahat tayo magkakaugnay – na may epekto ang mga ginagawa natin maliit man o malaki.

tulad na lang ng hindi pagbabayad nyang mga amerikanong yan sa mga bahay nila. sinong mag-aakalang ang simpleng katusuhang ito pagdating sa pribadong ariarian ay magreresulta sa krisis na kanakaharap ng mundo ngayon?

sobrang apektado ng krisis ang kumpanyang pinagtatrabahuhan ko. mula sa simpleng pagtatanggal ng juice sa pantry, sa papanipis na papanipis na tissue, hanggang humantong na nga sa tanggalan.

madami ang tinanggal sa trabaho kanina. kailangan daw kasing ibalance ang workforce. pinakaapektado yung mga walang ginagawa (hindi dahil sa wala talaga silang ginagawa, wala lang maisip na ipapagawa sa kanila). pero sa mga nabalitaan ko, may naapektuhan din dun sa mga may ginagawa. palagay ko, sila yung tipong sobrang malaki na ang sweldo at gustong ipagawa ng kumpanya yung mga ginagawa nila sa mga taong mas maliit ang sweldo. yung ibang natanggal, matagal na. yung iba, mataas na ang posisyon.

nakakalungkot dahil may mga nakasama dun na mga kakilala at mga naging kaibigan. ayoko nang isipin yung pakiramdam na matiwasay silang pumasok ng opisina tapos pag-uwi, wala ng trabaho.

kaya may kaba ang atmosphere sa opisina ngayong araw. sa tingin ko magpapatuloy pa ito sa mga susunod na araw. kung meron kasing mas mataas at mas matagal sa ‘yo na natanggal, mapapatanong ka -  “paano pa kaya ako?”

kinakabahan ako hindi lang dahil sa  posibilidad na mawawalan ako ng trabaho at wala na akong kikitain. kanakabahan ako dahil posibleng mawala ang isang bagay na natutunan ko nang mahalin. mahal ko na ang trabaho ko lalo na ang mga kaopisina ko. gusto ko ang kultura dito sa opisina namin. gusto ko pang magstay. hindi ko pa maimagine ang sarili ko sa ibang kumpanya at trabaho.

pero kung talagang hindi na pwede, wala na akong magagawa. naiintindihan ko naman yung kumpanya at alam kong hindi rin nila gusto ang ginagawa nila. ‘pag nagkataon, iisipin ko na lang na yun ang gusto ni Lord para sa akin. sya ang naglagay sa akin dito, sya rin ang mag-aalis.

sa ngayon nagpapasalamat pa rin ako dahil may trabaho pa rin ako nung umuwi ako. sana meron pa rin sa mga susunod na araw.

 

overspending Enero 3, 2009

Isinalansan sa: Uncategorized — watusiboy @ 4:15 hapon

ginamit ko na kanina ang mga naipong sodexho gift certificates ko. pero dahil ang hirap namang isakto nung halaga ng pinamili ko sa mga denominations ng sodexho at dahil sa impulse buyer tendencies ko, nakapaglabas din ako ng pera.

after the holiday season ako nagshoshopping para sa sarili ko simula nung magkolehiyo ako at napagdesisyunan ng mga magulang ko na hindi na nila obligasyong ipagchristmas shopping ako. pagkatapos kasi ng pasko, mas malaki ang tsansang naka-sale na ang mga paninda sa mga malls.

nakumpleto ko na ang target kong walong matitinong long sleeves. ang ibig sabihin nun, every other week na lang ako mag-uulit ng long sleeves. pwede na yun. hindi naman vogue ang pinagtatrabahuhan ko.

bumili na rin ako ng bagong jeans. kailangan na rin sigurong magpahinga nung dalawang ginagamit ko bago sila mapagkamalang basahan.  naawa ako sa kanila nung itinabi ko dun sa bagong bili.  pinalitan ko na rin yung wallet at bag ko. sira na rin kasi sila pareho.

bagong taon naman – kailangan nang palitan ang mga luma at sirang gamit. kailangan ko rin siguro ang pagbabagong ito. pero ayun lang, feeling ko nagoverspend ako. wala naman talaga akong balak bumili ng mga bagong longsleeves. tsaka pwede namang mas mura yung mga binili ko. masyado ko na yatang iniispoil ang sarili ko. parang ang materialist chorba ko na.

ang hirap kasi kapag kashare nyo ng pantry yung mga hr. minsan nahihiya ako sa mga suot ko kapag may nakakasabay ko sila. may ganung factor ang shopping choices ko.

kaya ang new year’s resolution ko, back to strict budgeting. todo na ‘to. ‘pag nagkataon, hindi ako makakapag-aral uli. tsaka, uulitin ko yung new year’s resolution ko last year – magiging mabait na ako sa sarili ko.

====================================================

Beware of all enterprises that require new clothes – Henry David Thoreau