masyadong mahal ang itouch at ayoko ng high maintenance na gadget. hindi ko ‘yun magagamit kapag kakakain ko lang ng chippy.
parang nalalakihan ako sa ipod classic. babakat sya kapag nilagay ko sa bulsa ng long sleeves ko na parang rectangular boob. tsaka kailangan ko ba talaga ng 120 GB?
ok na sana ang ipod nano. astig tingnan (lalo na kung apple green), madaling inavigate, mataas ang memory at portable.
pero nung nakita ko ang isang ‘to parang nagbago ang isip ko:

zen
Creative Zen
- 16 GB din
- may FM radio (pwede kong mapakinggan si mr. fu)
- malaki ang screen (ang major reason ko kung bakit naisipan kong magshift ng music player)
- may alarm clock
- drag and drop (hindi ako sanay mag itunes)
- may voice recorder (pwedeng pang-ambush interview)
maganda ang nakita kong mga reviews at based from experience, may ibubuga talaga ang creative. portable din sya – kasing laki lang daw ng credit card. ang problema ko lang, mukha syang camera.
to sum up:
ipod – beautiful without much substance (infatuation)
creative zen – not as beautiful but with substance (love)
