Watusi

..I need some distraction, oh beautiful release..

dream Nobyembre 21, 2008

Isinalansan sa: Uncategorized — watusiboy @ 2:49 hapon

snatcher,

pakyu ka.

ang aga aga sinira mo ang araw ko. ang galing mo, hindi ko man lang naramdaman na dinukot mo yung cellphone ko sa mrt. syempre, maiisip ko pa ba yun? mas uunahin ko pa ba yun kesa protekahan ang sarili ko sa mga taong tumutulak at gustong sumoffocate sa akin? oo na, tanga ako at magaling ka na.

alam mo kung ano ang nakakainis dun? graduation gift sa akin yun ng tatay ko. pinaghirapan kong hanapin yun hayop ka. kung may ilang mall ang pinagcanvassan ko ng mga presyo nyan. naghanap ako ng maganda na hindi masyadong mahal. sa cellphone na yun ko lang naman sinave yung picture ko nung graduation ko..dun lang! isama mo pa yung picture namin ni charo ronquillo at ang thesis ko. ok hindi ito masyadong importante -  pero wala na akong pang picture sa sarili ko ‘pag wala akong magawa. mamimiss ko ang mga narcissistic moments na yun. magsusuffer ang friendster life ko.

at dahil ayokong magpatalo syo, iisipin ko na lang na compliment yung ginawa mo. iisipin ko na lang na mukha akong mayaman kaya ako ang napagdiskitahan mo. iisipin ko na lang na hindi ka naman magiging masaya sakaling pagkakitahan mo yan. hindi masarap ipakain sa pamilya ang galing sa nakaw. hindi masarap makita ang mga damit na galing sa nakaw. hindi masarap ang tulog ng mga magnanakaw.

naisip ko rin namang ilagay yung sarili ko sa sitwasyon mo. siguro mahirap kayo at siguro hindi mo kasalanan yun. pero, hindi ako naniniwalang ikaw yung tipo na mamamatay na sa sobrang gutom. may kinse pesos ka ngang pangsakay sa MRT e. at matalino ka. naisip mo nga yung modus na yun e. hindi ako naniniwalang hindi ka makakahanap ng trabaho kung magsisipag ka lang maghanap.

kasi ako, kung desperado na ako, wala akong pinag-aralan, at wala akong makitang trabaho, siguro, magjajanitor na lang ako. o kaya barker. kahit ano. kahit na magpakaalila ako basta mabuhay lang. pero mayabang ka kasi. hindi mo kayang magpakumbaba. ang gusto mo yung instant.

alam mo bang nanaginip ako kagabi na natanggalan ako ng ngipin? sabi nila ang ibig sabihin daw nun, may mamamatay. naiisip mo ba ang naiisip ko? sana nababasa mo ‘to para matakot ka sa mga pinagagagawa mo.

 

unguarded Nobyembre 13, 2008

Isinalansan sa: Uncategorized — watusiboy @ 1:39 hapon

overheard crush number 1 talk to his girl seatmate

crush no. 1: uy girl…

hmmm. almost confirmed.

 

MMDA Nobyembre 7, 2008

Isinalansan sa: Uncategorized — watusiboy @ 4:53 hapon

ang weird pala kapag nakita mo yung teacher mo nung high school na pagalagala sa blogosphere at meron kayong common blog na pinupuntahan. natatawa rin pala sya sa bagay na pinagtatawanan ko. wish ko lang hindi sya mapunta dito sa blog ko kasi mas weird yun. baka pagalitan nya ako e. hehe.

ewan. weird naman talaga diba?

—–

ngayon, narealize ko na pwede akong maging isang magaling na talent scout. pramis.

—–

sana wag manalo sa celebrity duets yang si bayani fernando. bad trip kanina. hindi na pinapayagan ang  unloading ng bus sa north avenue.

iniisip ko siguro kasi baka ayaw nilang magkatraffic sa north avenue. kaso yung mga bus, sa quezon ave na nagbababa. so doon naman magkakatraffic. hindi ko talaga gets.

siguro ayaw nilang magkaroon ng traffic kasi north part yun ng manila. ayaw siguro nilang maging masama yung first impression ng mga papasok ng maynila.

tapos pagdating naman ng quezon ave – wow heavy. pakshet.

at ayoko nang mag-isip ng malalim na dahilan kung bakit nila ginagawa yun. kanina, ang tingin ko sa mga MMDA na nanghuhuli ay mga ungas na walang magawa sa buhay kung hindi pahirapin ang buhay ng mga tao.

siguraduhin lang nila na may greater good na nagkukubli sa mga ginagawa nila. dahil kapag wala, iwiwish ko na rin na sana hindi manalong presidente si BF.

immature ako. ganito rin siguro yung nararamdaman ng mga vendors na tinataboy ng MMDA.

 

jay Nobyembre 1, 2008

Isinalansan sa: Uncategorized — watusiboy @ 7:49 umaga

crush no. 2,

nakita kitang may ka-date. kaso lalaki rin. hindi ko alam kung matutuwa ako o malulungkot. nalulungkot ako kasi baka taken ka na. natutuwa ako dahil pwede pala tayo.

sabi ni johan, mukha ka daw bampira. si carol naman napayuck nung tinuro kita. pero ok lang sa akin yun. gustong gusto ko ang mukha mong tamang tama lang ang oiliness, at ang malilibog mong mga mata, at ang buhok mong hindi nagugulo, at ang katawan mong tamang tama lang.

napapansin mo rin kaya ako? lately kasi, kapag tumitingin ako sayo nakatingin ka rin. pagbigyan mo na ako sa ilusyon kong ito, pero feeling ko talaga nilingon mo ako nung time na yun. sobra mo akong pinasaya sa effort mong ipihit ang leeg mo para sa akin. alam mo kasi, mababaw lang ang kaligayahan ko pagdating sa mga ganyang mga bagay. siguro nakyutan ka sa robin hood hat ko with matching feather nung Halloween party namin no? sa pamangkin ko yung kaya maliit sa akin. pero sana sa akin ka na lang nakyutan. pesteng hat yan, kinompetensya pa ako.

siguro favorite mo ang christmas no? october pa lang kasi may maliit na xmas tree na dyan sa cube mo. cute sya. pero mas cute ka pa rin. tsaka napansin kong natuwa ka dun sa christmas lights sa area namin. bigla kang tumakbo at nagpapicture dun nung pinatay yung ilaw. laking pasasalamat ko lang kay joy at dinala nya yun. yun lang pala ang makakasira ng boundaries na naghihiwalay sa lugar nyo at lugar namin.

plano kitang iistalk sa friendster. pero ang dami mo namang kapangalan. sana man lang naglagay ka ng picture. wala ka bang cyber life?

o sya tama na ang ilusyon kong ito. back to reality – hanggang tinginan lang talaga naman siguro tayo.