hindi ako nagentrance exam sa Ateneo. kahit kasi ipasa ko yun, hindi rin naman ako dun mag-aaral. kayanin man namin ang nakakalulang tuition fee dun (kapag nag-aral ako dun, hindi na kakain ang pamilya namin), baka hindi ko rin kayanin ang lifestlye. yan din ang dahilan kung bakit hindi ako nagentrance exam sa la salle.
ang attitude kong yan ang dahilan kung bakit pinagsikapan ko talagang makapasok sa UP. mabait talaga si Lord dahil pinagbigyan nya ako sa bisyo kong yun. doon kasi, walang pakialamanan. okay lang maging jologs.
at oo allergic ako sa mga cono. hindi ako nagstastarbucks. hindi ako nagbabarhop. hindi ako nagshoshoping sa glorietta. hindi ako tumatambay sa greenbelt.
at naiinis ako sa mga nagstastarbucks dahil lang sa cool magstarbucks. naiinis rin ako sa mga kasabay ko sa elevator na nageenglish para lang ipangalandakan ang pagkasosyal nila.
anti social? insecure? inggitero? wateber. ganito ako ever since.
kapag kasi nakakaencounter ako ng mga taong inborn ang “pagkasosi” o nagpapakasosi, hindi ko maiwasang maramdamang:
- sana mas makinis at alagang derma din yung kutis ko.
- sana mukhang alagang Fitness First din ang katawan ko.
- sana may natural english twang(ganito ba ang ispeling nun?) rin ako.
- sana kasing ganda ko rin syang magsmile.
- sana may ipod touch rin ako.
- sana kasing galing ko rin syang magdala ng gamit.
- sana fancy rin ako.
- sana hobby ko rin ang photography.
- sana may maganda rin akong asawa at cute na anak.
- sana mayaman din yung pamilya namin tapos kaya nila akong regaluhan ng trip to hongkong.
- sana meron din akong in laws na mayaman na may BMW.
- sana may bahay rin kami sa BF homes.
- sana mas mataas ang self esteem ko.
- sana mas people person ako.
at hate na hate ko kapag nararamdaman ko ang mga bagay na ito. kasi feeling ko, i’m such a LOSER (ang spoiled brat tone here).
