may tendency pala akong maging sugarol. napagastos ako ng P100 sa pagtaya dun sa isang booth sa star city. mamimingwit ka ng mga rubber ducks at depende sa kulay ng pwet nung bibe ang magiging premyo mo. nanalo ng jumbo stuff toy yung pinsan ko kaya naengganyo ako. hindi naman talaga ako mahilig sa mga stuffed toy dahil bukod sa hindi naman ako naglalaro nun, hindi sya bagay idisplay sa bahay namin. ewan ko ba, nakakaexcite kasi kapag nanalo ka ng isang malaking bagay. ang cool kapag naglalakad ka sa isang amusement park bitbit ang isang napakalaking stuffed toy. in the end, dalawang maliit na minikang key chain ang napanalunan ko. palagay ko, sampung piso lang ang isa nun sa divisoria.
—–
meron akong natutunan – after a long weekend, wag kang sasakay sa MRT gamit ang bago mong sapatos for the obvious reasons. shit, gusto ko talagang balyahin yung mga nagbinyag sa sapatos ko nung mga time na yun.
—–
ang tanga tanga ko. lagi akong gabing umuuwi pero hindi ko nirereflect as over time. dapat bigyan nila ako ng martir na employee award.
—–
problema ko yung isang project ko. paano ako magiging close sa mga tao dun kung tatlong beses sa isang buwan ko lang sila nakikita?
—–
minsan iniisip ko kung alin ba talaga ang naeenjoy ko sa trabaho ko – yung ginagawa ko, o yung katabi ko sa cubicle? sana yung ginagawa ko kasi in 6 months time, pupunta na ng australia yung katabi ko para magreunite sila nung asawa nya. yung katabi naman nya na close ko rin, pupunta na sa america para mag-asawa. yep, uso ang asawahan sa office namin. at lahat halos sa kanila gustong mag-abroad. lagi kong kinukumbinse ang sarili ko na hindi sa pagaabroad nasusukat ang tagumpay ng isang tao. ganito pa rin kaya ang pananaw ko limang taon mula ngayon?
—–
noong nakaraang dalawang linggo, ilang beses kong tinangkang mag-update. pero gabi na ako laging nakakauwi at hinihigop lahat ng MRT ang lakas ko para magblog.
