Watusi

..I need some distraction, oh beautiful release..

mga ayoko Mayo 22, 2008

Isinalansan sa: Uncategorized — watusiboy @ 6:56 umaga
  • ayoko ng nauubo ako sa kalagitnaan ng pagsisipilyo. lalo na na nakagawian ko na hindi sa lababo nagtutoothbrush. lumalabas kasi ang pagkamultitasker ko kapag nagsisipilyo – minsan naglalakad ako sa buong bahay, minsan nagmumunimuni ako sa terrace namin o kaya naman ay nagaayos ng mga gamit ko, depende sa mood. nakakaabore kasi ‘pag pagtutoothbrush lang ang inaatupag mo.
  • ayoko ng nahahatsing ako habang kumakain. una sa lahat, makalat. pangalawa, dahil nakakahiya sa mga kasabay mong kumain, kailangan mong humatsing nang nakasara ang bibig mo. pangatlo, mas malamang sa hindi, pumasok yung kanin sa ilong mo. masakit ‘yun.
  • ayoko na tumatama yung binti ko sa hagdanan kapag nagmamadali akong umakyat dahil kahit gusto kong maiyak sa sakit, hindi ko yun magawa kasi malaki na ako at nakakahiya.
  • ayoko kapag napapaso ang dila ko sa pagkain lalo na kapag masarap ang ulam dahil kahit na gaanong kasarap ang ulam, hindi ko na malalasahan dahil sa nasunog na ang mga taste buds ko.
  • ayoko na nagkakaroon ako ng singaw dahil kahit na masarap ang ulam, hindi rin ako gaganahang kumain dahil parang torture ang pagnguya.
  • mas lalong ayoko kapag nagkasingaw ka habang sabay sabay tumutubo ang mga wisdom teeth mo. sapat na ito para isumpa ang kahit anong pagkain.
  • ayokong magkasipon dahil masakit lumunok, mahirap huminga at makati sa lalamunan. pero gusto ko kapag minamalat ako kapag nagkakasipon. gumaganda kasi ang boses ko, parang kay renz verano.
 

buni Mayo 14, 2008

Isinalansan sa: Uncategorized — watusiboy @ 3:02 hapon

magiimbento ako ng isang philosophical quote:

“good looks and good heart, you are a king
bad looks and good heart, you are a prince
good looks and bad heart, you are a bitch
bad looks and bad heart, you are just a buni dear”
– watusiboy

mahabang istorya, papaikliin ko na lang. napadpad ako sa isang unibersidad dyan sa may intramuros. at dahil first time ko dun, syempre nakasalalay ang kapalaran ko sa mga mabubuting kaluluwang gagabay sa akin. ang pakay ko ay isang opisina na sa kasamaang palad ay nasa pinakasulok ng isang gusali sa paaralang iyon. mabait si manong guard at tinuro nya sa akin na nasa 3rd flr daw iyon at ikutin ko lang daw ang hallway. pero dalawang ulit na akong paikotikot at nakatingala sa mga sign ng bawat opisina pero ‘di ko pa rin makita. at dahil hindi naman ako mapride pagdating sa mga ganitong bagay ay minabuti ko nang magtanong sa kaisaisang tao na nakita ko sa hallway na sa pagkakaakala ko ay hulog ng langit. nagkamali ako. isa syang buni (kung gusto mong maimagine ang itsura nya, isipin mo ang isang kulugo, o kaya tonsil). magalang ko syang tinanong.

watusiboy: sir, san po ba yung hrd? (take note, tinawag ko syang sir kahit na mukha syang kulani)

binigyan nya ako ng “ang-tanga-mo-naman-iho” na titig sabay buga ng apoy

taong buni: dun sa dulo. next time kasi magbasabasa ka.

umiral na naman yung mental block tuwing may away. ang nasabi ko lang: “sori….tenk yu”. sabay lakad papalayo. after 30 sec ko lang naisip kung ano ang dapat kong ginawa. dapat pinahiran ko sya ng trosyd sabay sabi ng: “i’m sorry, you are so irritating, you make my skin itch”. noon ko lang napagtanto na tama ang sinabi ni gelli de belen – ang mga fungi, dapat pinapatay. eto lang ang masasabi ko sayo:

siguro nga tanga ako. hindi ko kasi diniretso yung dulo nung hallway. akala ko kasi cr na yun. k, my bad. but what’s with the dragon look? i assume professor ka kasi nasa harap ka nung math department. kawawa naman mga estyudante mo. bastos ka kasi. and don’t even think of flaunting your degrees to me. ‘di nyan kayang takpan ang ugali mo. at hindi yan license para magpakarude. kung naasar ka sa akin, ‘di ka na sana nagsayang ng walong salita. napakahirap bang sabihin ang “doon sa dulo” nang hindi ka nagiging halimaw? tuloy nastress pa ako, nastress ka pa. worse, pumangit ka pa lalo. buti nga sa ‘yo.

speaking of stress, siguro nga stressed ka kaya ka parang nagmemenopause. sorry, ‘di ko bibilhin ang excuse na yan. ako kasi, kahit gaano pa ako kastressed, ‘pag may nakakasabay ako sa LRT ng taong ‘di marunong magpasok ng LRT card, ako mismo ang nagpapasok nun para sa kanila nang bukal sa aking loob. hindi ako nagtitiger look. hindi ko sila sinasabihan ng “next time kasi tingnan mo yung arrow”. feeling ko kasi, dahil ako yung mas nakakaalam, obligasyon kong tulungan yung mga hindi masyadong sanay.

ang gusto ko lang sabihin, kung hindi ka kagwapuhan o kagandahan, wag nang salbahe. tuloy, kapag napupuna yung ugali mo, nadadamay pati itsura mo.

 

may Mayo 3, 2008

Isinalansan sa: Uncategorized — watusiboy @ 2:47 hapon

alam mo yung feeling na dati magkakadugtong ang bituka nyo ng isang tao, pero ngayon, wala na kayong mapag-usapan kung hindi mga safe na topics tulad ng career,career, at career?

nagkita kami ng kababata ko sa panonood ng santacruzan. siya ang pinakauna kong kaibigan. tandang tanda ko pa nung una kaming magkakilala. nakabestida sya habang pinapanood akong naglalaro sa isang sulok(tinutusok ko ang mga dahon gamit ang isang stick). nakipagkilala sya sa akin at doon nagsimula ang maituturing kong pinakamasayang childhood na pwedeng mararanasan ng isang tao.

magkatapat lang ang bahay namin noon. pagkagising, papalakpak sya – senyales na lumabas na ako at umpisa na ng paglalaro. ang mga laro namin: paggawa ng dam sa putik, panghuhuli ng gurami sa kanal, pagswiswimming sa baha. sa tuwing maaalala ko ang mga sandaling yun, hindi ko pa rin maiwasang mangiti. hindi mo kami mapaghihiwalay. kailangan pa akong tawagin ng mga magulang ko para umuwi ako.

nag-iba ang lahat nung mag high school na kami. naging cheer leader sya habang ako ay okay okay lang. kapag popular ka, dapat popular din ang kadikit mo kaya ‘di na kami masyadong nagkasama. kahit papaano, nagtampo ako dahil pakiramdam ko ay pinagpalit ako sa mga taong mabababaw. nasabi ko ‘yan dahil sa tingin ko ay naggagamitan lang naman sila. tingnan ko lang kung kaibiganin pa rin sya ng mga yun ‘pag wala na ang kanyang kinang. pero naisip ko rin na siguro yun ang landas na gusto nyang tahakin at kung hindi ako makakatulong sa pag-abot nya nun, handa akong magpaiwan kahit masakit.

nanghihinayang lang ako. akala ko, ‘di magbabago ang lahat, na magiging ganun pa rin kami sa isa’t isa hanggang sa pagtanda. pero kanina nung nag-uusap kami, ang tanging naglalaro lang sa isip ko ay kung gaano kalaki ng pinagbago ng aming pagkakaibigan. ni hindi ko na nga sya kilala. gusto pa rin kaya nya ang spice girls? ako kasi, kahit nababaduyan na ako sa kanila, gusto ko pa rin ang grupong ‘yun. naaalala ko kasi sya kapag naririnig ko ang mga kanta nila.

pero alam mo yung feeling na kahit gaano ka tinake-for-granted ng isang tao, na kahit ‘di mo na alam kung may halaga ka pa ba sa kanya ay mahal mo pa rin sya?