Watusi

..I need some distraction, oh beautiful release..

showbiz Abril 30, 2008

Isinalansan sa: Uncategorized — watusiboy @ 6:33 umaga

nahatulan na ang limang magdalo officers sa kanilang nabigong paga-aklas sa Oakwood noong 2003. ang ilan sa kanila ay ginawaran ng dishonorble dismissal habang ang ilan naman ay nadischarge. pero kaya talaga ako nagkainteres na magsulat tungkol sa kanila ay dahil kay LT. San Juan.

Bakit? kamukha kasi nya si Zanjoe Marudo.

noon ko pa ‘to napapansin. nasesense ko na mabuti naman ang intensyon ng mga sundalong ito. sana ay pagpalain si LT San Juan at magkaroon ng mabunying showbiz career.

 

Ano na? Abril 27, 2008

Isinalansan sa: Uncategorized — watusiboy @ 2:13 hapon

last last week, nakita ko si dianne sa simbahan. matagal na kaming magkaibigan dahil simula nursery pa lang ay magkaklase na kami. nabanggit ko sa kanya na kapag ‘di ako nakahanap ng magandang trabaho sa loob ng dalawang buwan, papatusin ko na ang call center. ‘di naman sa minamaliit ko ang industriyang iyon. kaso lang, ayoko talaga ng shifting. nasa call center si dianne ngayon. ‘di sya nakagraduate dahil sa mga deficiencies(na normal lang sa mga engg students) kaya sumasideline muna sya bilang call center agent.
anak ng tokwa ang text nya sa akin kanina: “Ano? ano nang balak mo sa buhay”. alam ko naman na nasa konteksto yun nung nabanggit kong pagconsider ko sa call center. pero, kung tatanggalin mo sa kontekstong iyon at tinanong ako ng, “ano nang balak mo sa buhay?”, ay naku, panic mode na ito. ‘yan ang isang tanong na ayokong tinatanong sa akin dahil napepressure ako. parang equivalent ‘yan ng mga tanong na: kailan ka mag-aasawa? kailan mo balak magpundar ng bahay? ano ka na sampung taon mula ngayon? magaabroad ka ba?

wala pa akong malinaw na sagot sa lahat ng tanong na ‘yan. HINDI TALAGA AKO MAPLANONG TAO. may mga gusto akong makamit at mga pangarap na pinauulitulit ko sa utak ko. pero kung paano ko yun makakamit at ang mga deadline kung kailan ko iyon makakamit, hindi ko pa pinag-iisipan. bakit? natatakot ako. bakit? kasi ayokong pinagpaplanuhan ang mga bagay na may permanent implications. kung baga, ayokong magpatali sa kahit ano. gusto ko munang mag-explore. at oo, takot ako sa commitment. isa pa, pessimist realist ako. ayokong nageexpect sa mga bagay para kung sakaling ‘di matupad, ok lang at kung sakaling magkatotoo ay okay sa alright.

alam ko namang mali ang ganitong attitude dahil mas malamang sa hindi, walang mararating ang isang tao kung hindi sya nakafocus sa kung saan nya gustong pumunta. at dahil dyan, napepressure lalo ako. kaya hindi ako makapag-isip. kaya ayokong isipin. basta. ewan. bahala na.

 

Huh? Abril 24, 2008

Isinalansan sa: Uncategorized — watusiboy @ 11:46 umaga

Dear Msgr. Achilles Dakay,

Huh? (Kamot sa ulo at kunot ng noo)

Bakit po ganun ang reaksyon nyo sa Vicente Sotto Memorial Medical Center (VSMMC) scandal. sabi nyo po, homosexual act ang isyu.

With all due respect po, para sa akin, medical malpractice po ang isyu. At walang ano mang pwedeng gawin ang pasyente para majustify ang ginawa nilang pagbobroadcast ng maselang operasyon na ‘yun sa youtube. Ang dating po sa akin, parang pinagtanggol nyo pa po yung mga doctor, nurses at mga estyudyante na lumapastangan sa pasyente. Na parang hindi natin sila masisisi kung nagkatuwaan sila habang inooperahan yung pasyente dahil in the first place, yung pasyente naman ang may kasalanan.

Kung susundin po ang sinabi nyo, ibig sabihin rin po ba, hindi natin masisisi ang mga nangsasalvage na pulis (that they should not be blamed solely for the act)? Na ang isyu talaga sa salvage ay krimen na nagawa at hindi ang pagpatay ng kriminal? Na okay lang patayin ang mga napatunayang nagkasala kasi nababadtrip na sa kanila ang lipunan?

Nagtatanong lang po. Siguro, hindi ko lang inaasahan na ganito ang magiging reaction nyo. Sana hindi po ganito ang stand ng simbahan sa pangkalahatan.

 

say no Abril 23, 2008

Isinalansan sa: Uncategorized — watusiboy @ 2:03 hapon

minsan iniisip natin na gusto natin ang isang bagay dahil ito ang pinakarasyonal gawin, o dahil mas secured tayo dito, o dahil ito ang gusto ng karamihan sa mga tao, o kaya ito ang ang gusto nila para sa atin. pero kahit na anong pilit natin na kumbinsihin ang ating sarili, sadyang hindi yata talaga pwedeng turuan ang puso. karaniwang hinuhusgahang kahangalan ang pagtatanan, ang pagtalikod sa pangako ng kasal, o ang mas madramang pagtakas sa mismong araw nito. sa isang banda, marahil, isa rin sila sa dahilan kung bakit napunta sila sa ganung sitwasyon dahil sabi nga nila, kung ano man tayo ngayon, ay produkto lamang ng mga desisyong ginawa natin. ngunit paano kung natauhan ka na at gusto mong itama ang mga pagkakamali mo. kahangalan pa bang matatawag ang pagiging totoo sa sarili?

“Have the courage to say no. Have the courage to face the truth. Do the right thing because it is right. These are the magic keys to living your life with integrity.” – W. Clement Stone

 

so happy(one million times) Abril 21, 2008

Isinalansan sa: Uncategorized — watusiboy @ 11:47 umaga

akala ko ay isang ordinaryong ‘mabuksan-nga-ang-dashboard-ko-at-baka-sakaling-may-nangyayari-na-sa- blog-ko’ day lang ito nang nakita kong may comment waiting for moderation. iniisip ko baka isang blogger na nagbablog hop.

pero wow (one million times). hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko dahil nagcomment sa blog ko si rajo laurel (yep d rajo laurel)! ang saya saya (one million times) ko. para akong tumama sa super mega lotto of the world. kung dati ay naririnig ko lang sya sa TV kapag pinasasalamatan sya ni kris aquino, at nito nito lang nung magbigay sya ng talk sa fashion to passion, ngayon, napadaan sya sa blog ko. huwaw!

paano ko ba ieexplain ito?

kung basketball fan ka at blogger ka, isipin mong nagcomment sa blog mo si michael jordan.
kung boxing fan ka at blogger ka, isipin mong nagcomment sa blog mo si manny pacquiao.
kung mahilig ka sa racing at blogger ka, isipin mong nagcomment sa blog mo si michael schumacher.
kung kapuso ka at blogger ka, isipin mong nagcomment sa blog mo si marian rivera at dingdong dantes.
kung noranian ka at blogger ka, isipin mong nagcomment sa blog mo si nora aunor.
pero kung blogger ka lang talaga, isipin mo na lang na nagcomment sa blog mo si happy slip.

ganun.

thank you po mr. rajo laurel. i will never forget this for the rest of my life. =)

 

badtrip ever Abril 16, 2008

Isinalansan sa: Uncategorized — watusiboy @ 1:56 hapon

kanina ay nasunog daw ang ever supermarket sa may kalookan. palagay ko, higit sa pagkaasar ng may-ari(baka kasi insured naman yun) at mga motorista sa pagkakabuhol buhol ng trapik, pinakabadtrip ang mga nakacheck-in sa katabi nitong wise motel hotel na pinaevacuate sa kanilang mga kwarto. tsk tsk tsk, panirang sunog yan.

 

transitoriness Abril 12, 2008

Isinalansan sa: Uncategorized — watusiboy @ 2:19 hapon

malakas ang amats ng drayber at konduktor kanina dahil nagmistulang blast to the past ang byahe ko nang isalang nila ang dvd ng concert ni micheal jackson. hanggang ngayon di ko pa rin maintindihan ang mga fans na nahihimatay at naghihysterical sa mga shows nya noon. Dahil ba ito sa bitin na pantalon? sa puting medyas? sa pakadyot kadyot na moves? o sa mga out of this world outfits? kasi ako, kahit gaano kagaling ang idol ko, di ako mahihimatay ‘pag nakita ko sya. sisigaw lang ako, magpapapicture at magpapaautograph. hehe. nasan na nga ba si michael jackson? parang natabunan na sya ng mga child molestation issues nya.

Pagpasok namin ng NLEX may nakita akong sasakyan na natauban ng trak ng coke. yupi yupi at magdududa ka kung buhay pa ang sinumang nasa loob ng sasakyang iyon. nanghihinayang ako. ganung kabilis nawala ang lahat ng pinaghirapan ng taong iyon.

 

on heat Abril 10, 2008

Isinalansan sa: Uncategorized — watusiboy @ 12:12 hapon

these days ay parang kailangan talagang maginvest sa zagu(buko pandan), ice cream(mini stop), pamaypay, aircon bus at maraming maraming tubig kung ayaw mong maheat stroke. lalo tuloy nakakapagod ang pag-aasikaso ng clearance dahil bukod sa pagkahilo sa napakastrategic placement ng mga offices sa iskul namin (sinadya yata nila yun bilang huling pagpapahirap sa mga nagnanais grumadweyt) at pagmamaganda ng mga pipirma sa clearance, ay kailangan mong maglakad sa arawan. akala ko ay di ko na uli mararanasan yun after ng tactical inspection namin nung high school. ‘di ko alam kung accurate yung sinabi ng tatay ko na umabot daw sa 38 degrees ang temperatura nung isang araw. e pang may lagnat na ang ganung level diba?

pero pagdating ko ng bahay, parang mas nakakapagod pa ang nasasagap kong balita. sunod sunod ang nababalitaan kong namamatay dito sa lugar namin, yung isa ay bagong ordinang pari pa. isa lang lagi ang hinala ng mga naririnig kong nag-uusap – ang init daw kasi. teka, uso ba ang heat stroke sa pilipinas? immune na rin yata ang mga pinoy sa init.

tapos, may rice shortage pa. nacoconscious na tuloy akong magextra rice. tapos, sunod sunod pa ang pagtaas ng presyo. name it, lahat yata tumataas ngayon – pamasahe, tinapay, tosino. nakakahighblood tuloy. sa ngayon, okay pa dahil iniisponsoran pa rin ako ng mga magulang ko. pero alam ko na hindi tatagal ay poproblemahin ko na rin ang mga bills at taxes na yan. hayzz.

pero nababahala talaga ako sa global warming scare. what if totoo ang mga sinasabi nila na matutunaw na ang mga yelo sa north pole? bukod sa mawawalan na ng home base si santa, lulubog ang lugar namin. dalawa lang ang pwedeng gawin – ang lumipat ng ibang matitirahan o maging magtatahong na lang. mukhang magkakatotoo yata ang waterworld. ‘wag naman sana.

 

The role of choice Abril 8, 2008

Isinalansan sa: Uncategorized — watusiboy @ 1:37 hapon

they say that love is a choice, that love should persist even if you don’t feel like it, even if the person is unlovable and even if the person isn’t doing you any good. So is loving synonymous to pretending you’re in love even if you’re not?

similarly, they say that happiness is a choice. Be happy even if the circumstances won’t permit you to do so. so is being happy synonymous to pretending to be happy even if you’re not?

shouldn’t love and happiness be backed up by an inner source? perhaps a feeling or a reason. otherwise how do they differentiate themselves from pretension?

 

Project Lafftrip Laffapalooza Abril 6, 2008

Isinalansan sa: Uncategorized — watusiboy @ 12:07 hapon
Tags:

In response to badoodles‘ Project Lafftrip Laffapalooza, here are my votes for best humor blogs:

1. Greenpinoy
nasa dugo nya ang komedi. sya ang anak ng komedi king. seryoso. tingnan nyo pa yung blog nya, kasama nya nanay nya – si alma moreno.

2. Kwentong Tambay
wala nang pasikot sikot pa, kaya nyang maghatid ng punchline nang mabilisan. mas epektib dahil direct to the point.

3. Jojitah
kapag binabasa ko ang blog nya, hindi ko madistinguish kung babae ba sya o bakla. isa syang tunay na diva.

4. jeckyll
ang totoo, tamad akong magbasa ng mahahabang blog. kapag mahaba ang entry at nagcomment ako, ibig sabihin ay nagustuhan ko ang sinulat mo o kaya ay natawa ako. kaya ko binoboto si jeckyll. sayang at naghiatus yata sya.

5. Chilidobo
feeling ko si marvin agustin yung nasa header image nya. natatawa ako dahil mahilig sya sa salitang utot.