i have na weirdest feeling now. gusto ko ‘tong idescribe sa abot ng aking makakaya.

i feel numb. napapagod na akong mag-emote sa drama ng buhay ko. i’m surprised kasi ang taas ng tolerance ko sa pain – hindi ako makaiyak. kaya ‘yun i feel numb.

and because i feel numb, i feel sad. because people aren’t suppose to be numb. they should be passionate. they should be energetic. but is this possible if you feel tired of feeling?

one of the reasons why i feel sad is because i am jealous. pero ‘di yung inggit na inggit to the point na naglalaway na. i just feel a little bit jealous of people in general. it seems that everyone can pull it off. bakit ako hindi? natrigger ito nung nakita ko yung friendster account nung school mate ko na itatago ko na lang sa pangalang ‘moffats’. kasi nakita ko sa Microsoft sya nagtatrabaho. not that i want to be in the same company, pero the thought of her being relatively stable, the thought of her being ahead of me at the moment, and the thought of her being a loser back then (wala akong galit sa taong ito at hindi ko sya binubully pero ganun ang perception ko sa kanya), makes me feel uneasy (alarmed yata) and a little bit jealous at the same time. parang naririnig ko syang sinasabihan ako ng: “And who’s the loser now?”. pero naiinis ako na nararamdaman ko yun kasi alam ko mabuti syang tao ang she deserves all the best in life. yung bestfriend ko naman nasa isang bigating accounting firm. yung kababata ko, nasa sony na at balita ko pabalik balik sya sa mga asian countries. yung isa ko pang kababata,although di pa nga graduate, e nakapagtour na ng europe dahil member ng isang glee club. kaya feeling ko, everyone seems to be going places, at ako nandito lang. at naiinis ako kung bakit ko nararamdaman ito dahil ayoko nang magself pity epeks. sawa na ko please lang.

nafufrustrate ako na ang whiny ko. nakakapagod ding magreklamo. sana hayop na lang ako. para simple lang ang buhay. iisipin ko na lang kung paano ako kakain tapos ‘pag nakakin ako, matutulog na ako. yung tipong wala na akong pakelam kung ano ang tatak ng damit ng mga tao, kung meron na bang condo unit yung friends ko at kung artista na ba yung kapitbahay namin. pero ayokong maging baboy kahit mahaba ang orgasm nila kasi nabubuhay lang sila para katayin. pero ok lang kung ako yung baboy ni george clooney kasi ‘pag nagkataon, ako ang magiging coolest baboy in town. pero ang gusto ko talaga, yung pinakasimpleng lifeform katulad ng amoeba. isipin mo, kahit sa inidoro pwede akong mabuhay.

bakit kasi ang komplikado ng buhay?

Don’t waste your time on jealousy. Sometimes you’re ahead, sometimes you’re behind. The race is long, and in the end it’s only with yourself.

- Mary Schmich