Di tulad ng ibang Pilipino, hindi ako naexcite kakaabang sa labang Pacman at Marquez. Ewan ko, hindi talaga ako boxing aficionado. Aminado naman akong wala akong sense of camaraderie with the rest of our kababayans pagdating sa bagay na ito. Buti na lang hindi ako kriminal dahil kung nagkataon, hindi hadlang ang laban ni Pacman sa paggawa ko ng krimen. But don’t get me wrong, proud ako para kay pacman – ang public enemy number 1 ng mga Mexicano. Kaso tanga talaga ako pagdating sa boksing. Minsan kasi nakisali ako sa panonood ng laban ni Pacquiao kasama ng ilang kamag-anak Kanya-kanya ng palitan ng boksing opinion na animo’y mga boksing commentator. Sabi ng tito ko, nag-iba daw ng strategy si Pacquiao – sa bodega daw ito tumitira. Sabay comment ako ng: “Tito, ano ang bodega”. Toink. Nandyan din yung sisigaw sila kasi ang ganda daw ng binitiwang suntok ni Pacman samantalang ako’y tahimik lang at bagaman nanonood ay nagtatanong sa aking sarili kung bakit hindi ko nakita ang sinasabi nilang suntok. Kaya masasabi ko na ako’y certified tanga pagdating sa boksing. Kung gusto mo akong ma-out of place sa isang party, dapat kontratahin mo yung lahat ng tao dun at sabihin sa kanila na ang pwede lang na topic sa mga conversations ay boksing. Anyway, dapat ay iacknowledge ako ng channel 2 dahil nakapagcontribute ako sa ratings nila. Buti na lang talaga pinalabas nila yung Ang Cute ng Ina Mo, kundi mabuburyong na ako sa boksing.
Minsan iniisip ko na parang sabong ang boksing dahil pinagpupustahan ng mga manonood ang mga manlalaro.Hindi kaya nafifeel ni Pacman na nadedegrade ang kanyang pagkatao dahil tinuturing syang ‘manok’ ng mga tao. Kung sabagay, kung limpak limpak na halaga naman ang kapalit nun, maiisip mo pa ba yun? Pero bilib talaga ako kay Manny(except nung tumakbo syang kongresman) kasi nararamdaman ko ang conscious effort nya na magbigay karangalan sa bansa. Teka, sports naman ang boksing diba? Baka kasi isipin ng mga foreigners na champion tayo sa pakikipagbasagan ng mukha.
Kaya lang napansin ko na may favoritism ang mga Pinoy. Si Pacman ‘pag nanalo at bumalik ng bansa, may heroes welcome with matching parade all over the metro. At mismo ang pangulo ang nagcocongratulate sa kanya.Yung ibang Pinoy Pride parang hindi naman binibigyan ng ganitong treatment – tulad na lang ng Philippine Madrigal Singers. Sila lang ang nag-iisang choir sa mundo na nanalo sa European Grand Prix (ang tinaguriang choir olympics) nang hindi lang isa kundi dalawang beses. Mantakin mo yun! Nasa Pilipinas ang pinakamagaling na choir sa buong mundo. O kaya si Jed Madela at ang Philippine All Stars. Isama mo pa si Happy Slip. Uulitin ko, si Happy Slip – ang adiksyon ko.
Ang dami na talagang sikat na Pinoy. Pero bakit ganun? Sa kabila ng pagiging world class at magaling natin, hindi pa rin tayo maunlad? Naalala ko tuloy ang sinabi ng professor ko. Ang solusyon daw sa problema ng Pilipinas ay ang pagpatay sa mga kongresman at mga ganid sa pwesto. Hmmm…



1 comment
Comments feed for this article
Marso 17, 2008 Sa 10:45 hapon
randomdemeanor
“Minsan iniisip ko na parang sabong ang boksing dahil pinagpupustahan ng mga manonood ang mga manlalaro.”..korek.Para bang sabong lang na pinasosyal…kasi tao ang ginawang manok.Kaibahan lng, hindi kinakatay ang talo.
dadami na naman ang chix ni pacman..ahehehe..yun lng talga ang comment ko sa kanya..di ako nakuntento sa laban nya eh…para bang hindi yun ang nakasanayan nyang panalo..hahays…
nanood din ako ng cute ng ina mo nung sunday..hehhe…heeeyy!!! heeey jhakk!!! heyyy..heyyybiburtdeyyyy!!!! lolz!
ahehe. hindi pala ako nag-iisa. dapat bigyan tayo ng solid kapamilya award. ako din, parang hindi kontento sa laban. para kasing hindi nabugbog nang husto yung kalaban.