Frustrated mode ako sa sobrang kupad kong gumawa ng SP. Frustrated ako dahil by now, dapat more than 50% na yung natatapos ko. Imagine 4 units lang ako ngayon at Wednesday lang ang pasok ko. In short wala akong ibang ginagawa kundi ito lang. pero wala pa rin ako sa kalahati.
Ayoko ngang magattempt magbasa ng blog ng mga fellow thesis-mode classmates ko. Kasi pag nalaman kong marami na silang nagawa, baka magpanic na ako. Hindi pa naman ako effective under pressure.
Kung bakit kasi napakatempting ng imeem, youtube at wordpress. mas gusto ko pa silang gawin kesa thesis. kahapon naman nadistract ako sa guided tour ng itouch. maganda sana sya kaya lang wala palang camera. Kaya parang hindi ko na sya gusto although okay lang sa akin kung may magreregalo (I wish). Hindi ko masyadong feel ang iphone although ok lang din kung may magbibigay, kasi parang ang crowded nya. Isipin mo kung mananakaw sayo yun, wala ka ng digital camera, music player, video player, at phone. Mahirap din daw magtype dahil ‘qwerty’ ang keyboard. tsaka naisip ko lang, pano kung kakain mo lang ng chichirya, e di maghehesitate ka nang itouch yung screen ng napakamahal mong gadget.



No comments yet
Mga punang ulat sa akdang ito.