Watusi

..I need some distraction, oh beautiful release..

goodbye heath Enero 27, 2008

Isinalansan sa: Uncategorized — watusiboy @ 3:59 hapon
Tags: , ,

medyo late na pero nalungkot talaga ako sa biglaang pagkamatay ni heath ledger. parang kailan lang nakita ko syang kumakanta sa “10 things” tapos ngayon wala na sya. feeling ko ‘di naman talaga sya nagpakamatay. siguro aksidenteng naoverdose sa sleeping pills. mahirap talaga kapag long term ang gamit nun kasi irereject sya ng katawan mo eventually tapos palaki nang palaki ang dose na kakailanganin mo para tumalab uli. but then again wala pa yatang result yung investigation so mali sigurong magspeculate.
since madalas ipakita ang mukha ni heath these days, i cant help but notice na:

pbbce2baronprof.jpgheathledger0109_468x494.jpg

magkamukha si heath ledger at baron geisler. la lang
hay, in 2 weeks na daw ang simula ng defense. sadista talaga ang mga prof. feeling nila hindi kami tao. Lord, sana po tulungan nyo po akong matapos ang thesis ko.

 

just some random thoughts.. Enero 21, 2008

Isinalansan sa: Uncategorized — watusiboy @ 2:37 hapon
Tags: , , , , ,

what the hell is wrong with foreign keys? i always get this error message: ERROR 1005 (HY000): Can’t create table..(errno: 150). at wala syang sinasabi kung anong particularly ang error. pakshet.

may quote akong nakita sa tV: “i have travelled the path less travelled and that has made all the difference“. ang gandang pakinggan, ang hirap namang iapply. parang me against the world ang drama- masaktan na ang masaktan, basta sasaya ako. pleaser pa naman ako. parang hindi ko kayang manakit deliberately.tsaka feeling ko wala pa akong means para magawa yung mga gusto kong gawin. wala pa naman akong sariling pera. hay buhay talaga.

medyo napupurga na ako sa awayang channel 2 at 7. tama bang idamay nila ang mga audiences nila sa mga ganyang kacheapan. tama naman ang channel 7 na hindi dapat idaan sa trial by publicity. napahiya tuloy ang channel 2 nung nabasura yung case nila. tsaka parang nagrebound sa kanila yung bintang nilang groceries and cash reward in exchange for loyal viewership. ang labo. sino kaya ang nagsasabi ng totoo? ang nakakapagtaka lang, bakit inilabas yun ng abs e ang laki laki ng risk. siguro naman hindi sila tanga para ilabas yun kung walang mabigat na dahilan.

whoa, nagbablog na naman ako kahit nagpromise na ako sa sarili ko na ifofollow ko strictly yung sched ko sa thesis. hindi naman talaga katamaran ang primary reason kung bakit ako nadedelay ng ganito. nandyan yung marireach mo ang isang dead end at hind mo na alam kung anong susunod na gagawin. at madyo natatagalan bago ako makakita ng pwedeng alternative route. ewan, slow yata talaga ako. ayoko kasing
nagiimbento kasi baka hindi ko madefend. at least kapag mali pero may basis, pwede kong sabihin na yun yung sabi sa akin ng client ko. tsaka nagriring sa utak ko lahat ng possible na panira sa akin ng panel. nagriring din ang encounter ko kay “JP”, ang pinakanakakabadtrip na taong nakilala ko.

balak ko bukas, serious na. talaga. Lord help me pls.

 

whew nga ba? Enero 19, 2008

Isinalansan sa: Uncategorized — watusiboy @ 10:51 umaga
Tags: ,

Apparently, everthing’s normal. Sabi ng doctor wala naman daw akong hyperthyroidism. Wala naman din daw abnormal sa puso ko. Ang weird dahil feeling ko may mali. Siguro nga nasa isip ko lang yun o sadyang nerbyoso lang ako. Sabi nya, mag-exercise daw ako dahil kapag sedentary daw ang isang tao, may tendency na bumulis ang heart beat nya at kung mabilis ang heart beat may tendency na magpalpitate. Masaya naman ako dahil wala akong irreversible na condition. I mean, mag healthy lifestyle lang ako, siguro magiging okay na ang lahat.

Ewan ko ba pero somehow, gusto ko na hyperthyroidism na lang para magkaroon naman ng sense lahat ng naging “symptoms” ko – anxiety resulting to existential angst, insomnia, fatigue, burn out at tsaka palpitations. Dahil sa mga symptoms na yan, sobrang lumaki yung doubt ko sa sarili ko. Dahil sa mga symptoms na yan, nagdadalawang isip na akong pumasok sa IT industry which by the way is the only thing that is related to what I’m taking right now. Dahil sa mga symptoms na yan, ang feeling ko wala na akong pwedeng gawin. Dahil sa mga symptoms na yan, feeling ko I’m doomed to failure. Mas madaling tanggapin kung hormonal imbalance na lang ang lahat tapos may gamot na pwedeng inumin na pwedeng magpagaling sa akin tapos okay na ang lahat. Pero siguro nga walang madali sa buhay. At siguro, hindi maganda na instantly ay pwede nating makuha ang gusto natin. Kailangan natin itong hanapin. Maganda na rin siguro na nangyari ito para mapilitan akong hanapin kung saan ako dapat pumunta. Sana talaga mahanap ko iyon.

 

ang bagal ko Enero 14, 2008

Isinalansan sa: Uncategorized — watusiboy @ 2:14 hapon
Tags:

Frustrated mode ako sa sobrang kupad kong gumawa ng SP. Frustrated ako dahil by now, dapat more than 50% na yung natatapos ko. Imagine 4 units lang ako ngayon at Wednesday lang ang pasok ko. In short wala akong ibang ginagawa kundi ito lang. pero wala pa rin ako sa kalahati.
Ayoko ngang magattempt magbasa ng blog ng mga fellow thesis-mode classmates ko. Kasi pag nalaman kong marami na silang nagawa, baka magpanic na ako. Hindi pa naman ako effective under pressure.
Kung bakit kasi napakatempting ng imeem, youtube at wordpress. mas gusto ko pa silang gawin kesa thesis. kahapon naman nadistract ako sa guided tour ng itouch. maganda sana sya kaya lang wala palang camera.  Kaya parang hindi ko na sya gusto although okay lang sa akin kung may magreregalo (I wish). Hindi ko masyadong feel ang iphone although ok lang din kung may magbibigay, kasi parang ang crowded nya. Isipin mo kung mananakaw sayo yun, wala ka ng digital camera, music player, video player, at phone. Mahirap din daw magtype dahil ‘qwerty’ ang keyboard. tsaka naisip ko lang, pano kung kakain mo lang ng chichirya, e di maghehesitate ka nang itouch yung screen ng napakamahal mong gadget.

 

healthwise Enero 11, 2008

Isinalansan sa: Uncategorized — watusiboy @ 3:09 hapon
Tags: ,

the moment of truth. nagdecide na akong pumunta sa doctor regrading sa mga nararamdaman kong palpitations. natatakot akong ipatingin yun kasi what if sabihin sa akin nung doctor na may taning na ang buhay ko? ang dasal ko pa naman kay Lord biglaan lang yung pagkamatay ko. yung tipong sisinukin lang ako tapos patay na.
anyway, kailangan ko na talagang magpatingin kasi lumalala yung mga episodes ko. hindi na ako makatulog kagabi kasi kapag nag-iiba ako ng pwesto, nagpapalpitate ako. hindi ko alam kung may nerbyos factor na yun pero kahapon hindi sya nawala. ngayon lang nangyari sa akin yun. twice nang nangyari sa akin na nagpalpitate nonstop for 5 mins yata tapos pinagpapawisan ako ng malamig at feeling ko magcocollapse na ako.
galing nung doctor. high tech na. electronic medical record na yung gamit nya. hindi ko lang masabi sa kanya na gumawa na kami dati nun. tsaka epitome sya ng apathy and lack of emotions. ewan ko kung positive yun pero somehow nakatulong sa akin na hindi nya sinbayang yung nerbyos at paranoia ko. feeling ko kasi dati to higest level na ang stress ko kaya ako nagkakaganito. sabi nya, baka hyperthyroidism lang daw ang sakit ko sabay turo sa aking napakaprominent na thyroid gland(sigh of relief). but then again, theory lang nya yun, kailangan pa daw isupport yun ng tests. sana nga hyperthyroidism lang. pero sabi nung doctor, ok naman daw yung heart ko accdg sa nabasa nya sa 2d echo.
sobrang thankful ako kay Lord. kala ko pinaparusahan na nya ko kasi bad ako. ewan ko kung naoverwhelm lang ako pero feeling ko kinausap nya ako kanina…sa song ni Sitti.

Di kita pipilitin
Sundin mo pang iyong damdamin
Hayaan nalang tumibok ang puso mo
Para sa akin

Kung ako ay mamalasin
At mayron ka nang ibang mahal
Ngunit patuloy ang aking pagibig
Magpakailanman

astig no? parang unconditional love ang dating. meron pa sa song naman ni Lauryn Hill

Why should I feel discouraged
Why should the shadows come
Why should my heart fell lonely..
…His eye is on the sparrow
And I know he watches over me

 

powerlessness Enero 9, 2008

Isinalansan sa: Uncategorized — watusiboy @ 3:08 umaga
Tags: ,

these days narerealize ko kung ano ang ibig sabihin ng mga recovering addicts ‘pag sinasabi nilang powerless sila against their addiction. sabi nga nila, parang trance ang calling ng addiction, para ka nyang hinihipnotize. hindi naman sa gustong gusto mong gawin. hindi naman dahil sa mamatay ka ‘pag di mo ginawa. hindi ko maexplain pero parang pinaghalohalong curiosity, thrill seeking, instant gratification at force of habit. hindi lang it umaatake kapag malungkot ka – pwede ring kapag bored ka lang at wala kang magawa o kaya naman kung sobrang masaya ka at feeling mo everything is falling into place. yung huli yung mas masakit dahil parang sa isang iglap lang, guguho yung tiwala mo sa sarili mo na kaya mo pang magbago. mahirap pangalagaan ang sobriety. isa pa siguro yun sa mga triggers ng mga addicts – yung paranoia kung kaya mong panindigan ang sobriety mo. itatanong mo sa sarili mo kung kaya mo ba talaga? what if madapa ka ulit along the way. kaya siguro pinapayuhan ang mga addicts to take one day at a time. wala na tayong control sa nakaraan. hindi natin alam kung ano ang mangyayari sa hinaharap. ang kaya lang natin gawan ng paraan ay ang ngayon.

 

a series of unfortunate events Enero 2, 2008

Isinalansan sa: Uncategorized — watusiboy @ 3:06 hapon
Tags: ,

yung lola ko sa tuhod na may pakana ng lahat, pumuslit sa barko galing iloilo para makipagsapalaran sa maynila. ever since hindi na nya nakita yung pamilya nya. wala kaming clue kung sino yung mga kamag-anak namin dun.
yung lolo ko naman, tatay ng tatay ko at anak sa lola ko sa tuhod, chickboy – dalawa ang asawa. kaya may mga kapatid sa labas ang tatay ko. buti na lang hindi sya ginaya ng tatay ko. ang morbid ng pagkamatay nya(7 yrs old daw nun ang tatay ko). binaril sya sa bus. karma yata yun sa mga babaero
yung lola ko, kapatid ng lolo ko, tita ng tatay ko at anak ng lola ko sa tuhod, nasa states ngayon. kung kailan tumanda tsaka naisipang mag-adventure sa tate. sa tantsa ko nasa 77 yrs old na yun. nakahanap naman sya ng trabaho kaso nasisante kasi cook ang job description nya pero mas trip nyang manahi at magardening. bata palang sya nang mamatay ang tatay nya kaya wala daw syang experience na may father figure. 13 years old lang sya nang mag-asawa sa isang dakilang alcoholic. yun ang drama ng buhay nya.
yung lolo at lola ko naman sa mother’s side dapat bigyan ng “pinakamasipag na magjowa award” dahil labingwalo ang naging anak nila. dedo na ang dalawa.
yung isa kong tito kamamatay lang sa lung cancer pero hindi sya naninigarilyo.
yung isa kong tita sinanla na halos lahat ng ariarian sa pag-asang makapagNew Zealand ang anak. yung manugang nya, may unang asawa at balibalitang nakikipagkita pa ito sa lalaki. balibalita ring nalulustay lang daw ang perang napagsanglaan. sabi ng nanay ko hindi malayong bukas makalawa, sa kalsada na sila matutulog.
yung isa ko naman tita, pinalo ng pala ng pinsan ko nang mainis ito sa kanya. buti at hindi sya napuruhan. grabeng moodswing ano?
yung isa kong tita, magpapakasal na – after 55 years. may common feedback lahat ng mga kamag-anak ko – mukha daw adik ang lalaki. bad boy image yata ang trip ng tita ko.
yung isa kong pinsan, muntik nang mabaliw, buti na lang naagapan. nadepress daw dahil sa babae. simula noon, nagsasalita nang mag-isa at kung saan saan pumupunta.
may pinsan akong adik. ayaw iparehab na tita ko dahil kahihiyan daw ‘yon sa pamilya. as if hindi common knowledge sa kanila na adik ang anak nya. kaya ayun, gumapang na sa utak ng pinsan ko ang drugs.
yung pinsan kong isa, kapatid ng pinsan kong adik, follow the footsteps of the brother ang drama. sa edad na kinse, sinisimulan na nyang magrugby with gulpihan on the side. yung tita kong ayaw magparehab ng anak, binibilhan pa nya ito ng yosi.
may dalawa akong pinsan na pagiging GRO ang trip. yung isa yata may dalawang foreigner na jowa. chismis nung isa kong tita na may STD daw ito.
hay buhay nga naman.

 

the new year hype Enero 1, 2008

Isinalansan sa: Uncategorized — watusiboy @ 3:10 hapon
Tags: ,

since partly ginawa ko ang blog na ito para mapagplanuhan ang buhay ko, at eksaktong new year ngayon at halos lahat ng tao ay gumagawa ng mga new year’s resolution, maglilista rin ako ng sa akin. mahirap dahil may mga bagay na gusto kong baguhin pero hirap iarticulate. may mga bagay naman na parang hindi ko alam kung paano ko sisimulan. meron naman na parang life long task ang dating – parang hindi ko sure kung kaya kong panindigan.. pero wala naman sigurong masama kung gagawa ako ng listahan ng mga gusto kong mangyari sa buhay ko. Sabi nga ni Bo Sanchez, may certain point sa buhay nya na nilista nya kung ano ang mga gusto nyang mangyari sa buhat nya, at binabasa daw niya yun araw araw. at tingnan kung nasaan na sya ngayon. siguro nga kapag alam mo kung ano ang mga gusto mong gawin at malinaw sa iyo ang mga bagay na gusto mong makamtan, somehow mapapasaiyo rin yun. anyway eto ang aking listahan ng mga to do’s for next year and the years to come.
1. i want to be open – i ideas, to changes, to everything. i want to be a free spirit. ayoko nang maging stiff kakaisip sa mga sasabihin ng ibang tao. gusto kong masanay sa pagbabago at makisakay sa agos ng buhay.
2. I want to be less fearful. siguro wala namang tao na totally walang fear. pero sa case ko, may mga bagay na hindi ko magawa dahil takot ako. there are plenty of uncertainties ahead but being afraid doesn’t help me at all. i want to live by faith and follow what He has in store for me.
3. i want to love myself. i want to be kind to myself. i want to forgive myself. i want to take care of myself. mag-eexercise na ako 3 times a week. aayusin ko na rin ang sleeping hygiene ko. ang also, goodbye sa aking mga butas butas na briefs at gulagulanit na t-shirts na hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko kayang i-let go. i deserve something better. hindi ko na rin titipirin ang sarili ko.
4. i don’t want to be bitter anymore. maraming nangyari na hindi ko gusto. maraming tao ang nakapanakit sa akin. pero gusto ko nang i let go ang mga mapapait na karanasang iyon. holding on to my past hurts makes me forget about the present and makes me cynical about the future. so time to move on na for a change.
5. i want to be more positive about life. kahit ano pa ang sabihin ko, mas maswerte pa rin ako sa mga taong nagugutom, nagkakasakit, at namamatay.
6. i want to be more family oriented. buong buhay ko, feeling ko puro career na lang. kaya siguro out of balance ang buhay ko. i want to be more understanding to them. babawasan ko na ang mga pagsusungit ko.
7. i want to be more honest and truthful about myself – to family, friends. paano nga naman nila ako maiintindihan kung hindi ko ipapaintindi sa kanila. ang daming complications ng pagpapanggap. i just want to be loved for who i am.
8. i want to find that career that will make me look forward to waking up every morning.
9. i want to worry less and trust more. i want to be a team player and not a control freak. i want to listen more and impose less.
10. i want to find Him. everything else is worthless if He is not in my life.