Watusi

..I need some distraction, oh beautiful release..

multiply, bakit? Disyembre 31, 2007

Isinalansan sa: Uncategorized — watusiboy @ 9:48 umaga
Tags: , ,

nakakalungkot dahil tinanggal na ng multiply ang music search. so pahirapan na ang paghahanap ng mga gusto mong music, unless alam mo yung exact address nung song na hinahanap mo. sa huling check ko, nandun pa rin naman yung mga music(parang tanga), pero yun nga, hindi na sila searchable – kahit sa google(sa huling search ko). sayang dahil isa sa mga favorite sites ko pa naman ang multiply. isa sya sa mga dahilan kung bakit ako sumasaya pag nagiinternet kasi kahit mga oldies na yung kanta, malaki yung chance na makikita mo dun. ang maganda kasi sa multiply, personalized – lahat yata ng klaseng tao may account dun kaya makikita at makikita mo ang songs na gusto mo. ang totoo, kaya nga lang ako gumawa ng account dun para makadownload ng kanta(walang laman ang home page ko). pero natunugan siguro ng mga copyright advocates ang mga violations ng multiply. kaya lang ang labo kasi nandun pa rin yung mga kanta at pwede mo pa rin syang idownload kung alam mo talaga yung page.  sayang at nabura na yung mga bookmarks ko sa favorite sites ko. sana may makahack uli kung pano masesearch yung mga songs. pero somehow, no regrets naman ako dahil nadownload ko na yata lahat ng mga kantang gusto kong idownload. ganun ako kagahamang magdownload ng kanta. may isang internet shop nga na sumita sa akin kasi sabay sabay kong dinodownload yung apat na kanta – bumabagal na daw yung connection ng iba. buti na lang talaga.
so i guess balik imeem ako. kaso ang hassle naman dun. kailangan mo pa  kasi ng http file stream listener at yung file na madodownload mo, kailangan mo pang iconvert sa mp3. minsan may mga segments sa kanta na nacocorrupt o kaya naman parang hindi ganung kaganda yung quality ng tunog. isa pa, nagexpire na yung converter ko at wala akong makitang pirata. so siguro bilang na rin ang imeem download days ko.
o please ayokong mag limewire.

 

To do it or not to do it Disyembre 28, 2007

Isinalansan sa: Uncategorized — watusiboy @ 10:31 umaga
Tags:

Some claim that it’s even beneficial to health – that it can prevent prostate cancer if you do it once every two weeks. However, one pointed out that it may not be necessarily  healthy since in most instances, some are left in the organ. He added that it will only be beneficial if it’s complete, a condition which is mostly achieved when you do it with a partner. Medically speaking, they say that it is beneficial because it can help lower stress, relax muscles and even induce sleep. Generally it’s beneficial only if you can do it without anxiety and guilt feelings. In Religion’s point of view, though it may not affect anyone, it is said to be wrong because it deviates from the nature of the organs – they are   made for procreation, that’s why they are made fit for each other. Doing it is wasteful, although some claim that it can help eliminate immotile beings there which can enhance fertility. It can be addicting and if you really do it a lot, you can turn into a pervert. It is also being used to treat people who cannot perform or who cannot hold it ‘til “the moment”.

With this in mind, you are left with the decision of doing it or not. And I did it twice this day. I guess I just needed release. I haven’t done it for the longest time. And I hate blogging about it because to others, it’s not a big deal. Am I being too harsh to myself? I just can’t help feeling pathetic – the hand is not a substitute for a partner. I don’t want to settle with the idea that no one is perfect because to me it’s just the excuse of people who don’t aspire for better things and are content with the world as it is. I want to cling to something higher. But will I ever be free from this or will be locked in it forever? o boy, i feel like a self righteous freak.

 

movie marathon Disyembre 27, 2007

Isinalansan sa: Uncategorized — watusiboy @ 2:28 hapon
Tags:

Dec. 24.Malungkot dahil tapos ko na sa wakas ang “friends”. Nagkaroon pala ng twins sina Chandler and Monica. Si Ross at Rachel parang feeling ko nagkatuluyan. Si Phoebe, meron nang Mike. Si Joey lang yata ang unfinished business kaya siguro ginawan pa sya ng spinoff, na hindi rin nagtagal at pinull-out sa ere. Feeling ko kasi hindi sila magciclick pag hindi sila sama-sama.

Dec 25. Christmas day. Late kami sa mass dahil mabagal talagang kumilos ang tita ko. Homily na yata nung makarating kami sa simbahan. Hindi ako fan ng Christmas masses. Feeling ko kasi napaka-crowded. Ayokong mag-judge pero hindi ko maiwasang isipin na marami sa mga nagsisimba tuwing pasko ay nandun lang para masuot nila yung mga bagong damit ang later on makapamasko sa mga ninong at ninang nila. Basta ang daming nag-iiyakang bata. Walang solemnity.

Hindi ko akalaing magiging movie marathon ang pasko ko. Nagrent kasi ng dvd yung kuya ko . “The Contract” yata ang title. Hindi ako fan ng mga action movies pero okay lang kasi nandun naman si John Cusack na lagi kong naaassociate sa “Serendipty”. So naalala ko na gustong gusto kong tapusin ang Apocalypto. Sa bus ko lang kasi sya napapapnood at kapag malapit na ang ending sakto namang kailangan ko nang bumaba. Naaastigan ako sa pelikula – mingilan-ngilan lang kasi ang mga nagugustuhan kong action films. Talagang magkakaroon ka ng sympathy sa bida dahil sa napaka morbid na style ni Mel Gibson – asawang muntik nang malunod habang nanganganak, lalaking muntik nang mapugutan ng ulo kung hindi lang nag-eclipse, at habulan, maraming maraming habulan. Medyo ‘di ko lang gusto yung ending kasi dumating yung mga kastila? Ano kaya ang gustong sabihin ng pelikula? Na nakahanap rin ng katapat ang mga Mayan people. Buti nga.

Nang kinagabihan ay nagyaya ang pinsan ko na manood ng Enteng Kabisote. Hindi dapat ako sasama pero nung sinabi ng tita ko na ililibre nya ako, sumama na rin ako. At hindi pa talaga nawawala ang box office appeal ng pelikula dahil pagdating namin doon ay kailangan pa naming maghintay ng 45 min para lang makapasok sa sinehan. And it’s not worth it dahil basura ang mapapanood mo. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pang gawan ng pelikula ang ganung istorya. Pwede naman kasi na sa TV na lang dahil parang kalevel lang sya ng Wansapanataym. Yung mga effects? Mas maganda pa yata yung sa Super Inggo. Yung style naman ni Vic Sotto, hindi pa rin nagbabago. Basta umikot lang ang istorya sa pagbabalik ng katinuan ni Enteng(Vic Sotto), na kinuha ni dark angel(Ian Veneracion), sa pakikipagsabwatan ni Prinsipe Inok(Michael de Mesa) na supposed to be pakakasalang ni Faye(Kristing Hermosa). Tapos yung usual stuff ang ending – yung makikipaglaban yung bida sa kontrabida tapos lalagyan nila ng comedy yung mga fight scenes. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit may aswang scences. Nanggaling din kaya sila sa salamin na pinanggalingan ni dark angel? Kung ganun, bakit parang hindi nagkaroon ng contact sina dark angel at mga aswang. Nawalan tuloy ng significance ang character ni tita swarding at “bangkay”(yung nagsabi ng rock en roll sa trailer). Pero okay na rin. Libre naman e.

 

IE vs Firefox Disyembre 23, 2007

Isinalansan sa: Uncategorized — watusiboy @ 6:36 umaga
Tags:

Loyalist ako ng Firefox. Nagsimula ang pagiging member ko ng fans club ng Mozilla nung na-badtrip ako sa IE. Pano ba naman, dapat tapos na kami dun sa project namin sa ojt (na dinivelop namin using firefox as browser), nang i-distort sya ng IE nung tinest namin. As in, parang ang bobo nyang maginterpret ng mga CSS. Nasira yung layout namin na ayos naman kapag sa firefox mo vinuview. Trip ng IE ialign sa left ang mga bagay kahit nilagay mo sya sa center.  Sabi ng kaibigan ko, hindi daw kasi sumusunod sa standard ng web browsers ang IE, kaya para syang abnormal. So, nag-extend pa kami sa ojt para itune sa IE yung project dahil sa masaklap na katotohanan na halos lahat ng tao ay member ng fans club ng Microsoft IE. Kaya simula ‘nun, sinumpa kong hindi na ako muling gagamit ng IE, ever.

Pero kahapon, nadiscover ko na may bug din pala ang firefox. Hindi niya kayang iinterpret ang:

text-overflow:ellipsis

May ginagawa kasi akong system na dapat dynamic yung fields ng form depende sa user choices. Halimbawa kung pinili ng user ang “make appointment”, dapat lumabas yung weekday fields kung kelan nya gustong makipagappointment. Kung “cancel appointment” naman, dapat lumabas yung mga approved appointments nung user na gusto nyang icancel. Feeling ko dapat sa javascript ‘to iimplement with the aid of css, to hide certain page contents. Kaso ang solution na naisip ko ay ang dynamic na pag-aadd  ng mga table rows. So yung cells ng table ko ay palaki nang palaki habang add ako ng add ng rows. E ang chakang tingnan kasi as the user make certain choices, pahaba ng pahaba yung page at pababa nang pababa ang submit button. So naisip kong irestrict yung size nung cell, para kahit dynamic na humahaba yung content nya, hindi maapektuhan yung page appearance. At kaya yun ng IE via the css mentioned above. Search ako ng search sa net kung pano iemulate yun sa Firefox pero wala akong nakitang gumaganang code – or hindi ko alam kung paano paganahin dahil mga high level na yun- ang mga Google guys lang yata ang nakakaintindi ‘nun. So dahil loyalist pa ‘rin ako ng Firefox at ayokong magdevelop sa IE, inabort ko na ang aking solution dahil one day ko sa computer, hindi ko pa rin sya mapagana. Buti na lang at nakita ko ang site na ito:

http://www.quirksmode.org/book/examplescripts/forms/
Kung sino man kayo, I LAB YU. Ang high tech ng solution – javascript lang. ‘Di ko nga naintindihan, buti na lang may set of instructions na parang cookbook. Hay, sana sipagin na ako sa thesis na ito.

 

i wish it didn’t happen Disyembre 20, 2007

Isinalansan sa: Uncategorized — watusiboy @ 3:19 hapon

Feeling ko napakawalangkwenta kong tao.

So gumagawa ako ng thesis ko. Tapos hindi na ako sumabay kumain kasi kumain na ako ng mas maaga kasi nagutom ako before going to mass. Tapos yung kapatid ko ang pinaghuhugas ng pinggan. Sa totoo lang tamad din akong maghugas ng pinggan pero hindi dahil dun kaya ayokong maghugas. Gumagawa nga kasi ako ng thesis na for the longest time ngayon ko na lang uli natutukan dahil naginstall nga ako ng bagong windows. Supposed to be ako dapat yung nakatoka, kaso lang may ginagawa ako. Ako, kapag alam kong ako lang yung pwedeng maghugas ng pinggan, at lahat ng tao may ginagawa, willing akong maghugas ng pinggan, kahit naghugas na ako ng umaga.

So dun umikot yung istorya. Nagrereklamo yung kapatid ko na bakit sya uli e naghugas na sya kaninang umaga. Habang ako nag-iisip ng code. Sa lahat ng ayoko yung may nang-iistorbo sa akin ‘pag nagiisip ako. So ayun, narindi yata ako lalo na nung sinigawan ng kapatid ko yung nanay ko. Hindi ko na masyadong inintindi yung sigawan nila. Basta ang naaalala ko, merong sinabi yung kapatid ko na tinatamad sya, na kesyo mamaya na lang daw. Tapos nagdilim yung paningin ko. Kinuha ko yung hanger sa nanay ko at inihampas ko nang hinampas yung kapatid ko. Hindi ko na naisip na kapatid ko yun, o na tao yun. Basta hampas lang ako  nabg hampas. Hindi lang basta hampas. Yung hampas na tipong kasama lahat ng galit mo at pagkainis.

Tapos bumalik ako sa computer. Sobrang bigat ng pakiramdam. Hindi ako makapag-isip.Ako ba yun? Bakit sobrang naging violent ng nagawa kong yun? Tapos nakonsyensya ako. Kasi, hindi na nga ako mabuting kuya, hinampas ko pa yung kapatid ko.

So sa sobrang pagkakonsyensya ko, nilunok ko na yung pride ko. Nagsorry ako. Sabi ko, hindi ko sinasadya. Na nabigla lang talaga ako. Na kung magpapagaan ng loob nya, hampasin na lang din nya ako ng hanger.

Sabi ko sorry. Hindi ako mabuting kuya. Sorry kung lagi syang nadadamay sa mga mood swings ko. Sorry kung hindi ako approachable na pwede nyang hingahan ng sama ng loob.

Sabi ko sa kanya, gusto ko naman talagang maging mabuting kuya. Kaya lang, hindi ko alam kung paano. Hindi ko naman kasi naramdaman na may kuya ako. Yung dalawa ko kasing kuya, may mga sariling mundo yun. Kahit kalian, hindi ko nga naramdamang nag-effort sila para maging mabuting kuya sa akin. Yung tipong nung mga bata kami, hindi ko naramdaman na pinagtanggol nila ako sa mga umaaway sa akin. Minsan nga kumakampi pa sila sa mga nang-aasar sa akin. Basta, wala akong nafifeel na attachment sa kanila.

Sa totoo lang, gusto kong hampasin nya rin ako hanger. Sobra yung ginawa ko. Kahit kailan, walang gumawa sa akin nun. May mga times din naman na nasisigawan ko yung nanay ko, pero wala namang gumawa sa akin nun. Kung sa ‘kin gagawin yun, malamang hindi ko kayanin. Kasi parang hayop yung pagtrato. Isipin mo, hampasin ka nang hampasin ng hanger?

So feeling ko napakawalang kwenta ko. Na ako ang pinakamasamang tao sa balat ng lupa. Na ako yung tipo ng tao na nang-iinflict ng mga emotional wounds sa tao mga na dadalhin nila hanggang sa pagtanda.

Pero nangyari na ang nangyari. Hindi na natin mababawi ang mga salita o ang panankit na nanggaling sa atin. Ang pwede lang nating gawin ay magsisi at bumawi sa mga ito.

 

imeem Disyembre 19, 2007

Isinalansan sa: Uncategorized — watusiboy @ 8:03 umaga

Wow. Wala na akong magawa. Download na lang ako ng download ng kanta. Ganda kasi ng imeem. Yung mga rare na kanta na hinahanap ko, nandun. Tapos may nakita akong hack sa net kung paano madodownload yung mga kanta dun. Kaya download galore na lang ako, kalimutan na ang sp.

Nakakaasar kasi ayaw nang gumana nung ginawa ko nung nag-install na talaga ako ng php-apache-mysql. Dati kasi phptriad lang ang ginagamit ko. Maarte pala ang apache kapag hindi sya nakabundle dahil hindi nya kilala ang “<? ?>”. Gusto nya “<?php ?>”.

Tapos hindi na ko makaconnect sa mysql. Tama naman yung hostname, username at password ko.

Kaya kapag ganito, download na lang ako ng download. Sumasaya pa ako. Natututo pa akong manghack.

 

wish Disyembre 16, 2007

Isinalansan sa: Uncategorized — watusiboy @ 4:18 hapon
Tags: ,

feeling ko totoo na matutupad yung wish mo ‘pag nakumpleto mo ang simbang gabi. so far, twice ko na syang nacocomplete at natutupad talaga yung mga wish ko.

una ko syang nakumpleto nung grade four ako. natatawa nga ako sa wish ko nun. kasi back then, sirain yung tyan ko. as in nagaalburoto sya when you wouldn’t want it to happen. kaya ang wish ko ay bigyan ako ni God ng isang regular bowel movement. hiniling ko na after ko syang gawin sa umaga, that’s it – wala na dapat kasunod. dyahe e.

last year, nacomplete ko uli sya. ang hiniling ko, bigyan nya ko ng ojt na swak sa akin. sa ‘min kasi, hindi ka bibigyan ng security na may malalandingan ka agad na training place(sa Mapua yata guaranteed ka na may mapagoojtihan ka by virtue of the agreement their school has with certain companies). tapos stiff pa ang competition – halos lahat magagaling. kaya may certain fear ako ‘nun na baka wala akong makitang ojt venue. o kung meron man, baka hindi ako ang tanggapin nila at yung mga hayop sa galing kong mga classmates na kinoconsider kong higher forms of life. ayoko namang madelay dahil dun. and true enough, napunta ako sa isang company kung saan mababait ang tao, madaming pagkain, may outing, madali ang trabaho, flexi time, at mataas ang allowance. o diba ’san ka pa?

ngayon balak ko uling magperfect attendance. kaya lang bad trip yung pari. yung tipong after 30 min, sasabihin nya “pangalawa”. tapos mahilig sya sa synonyms. yung tipong sasabihin nyang mabait tapos dudugtungan nya yun ng mabuti. kaya lalong humahaba yung misa. kung pwede lang magtaas ng kamay at sabihin sa kanya na malapit na kaming makatulog lahat, gagawin ko. pero masama daw yung namimili ka ng pari. kasi daw instrument sila ni Lord at kahit gaano pa siya ka-boring, ay may maibabahagi pa rin sya kahit papaano.

tapos yung chapel pa sa baranggay namin katabi ng highway. hindi ko alam kung sinasadya ng mga jeepney drivers na humarurot kapag natatapat sila sa chapel sa amin. minsan feel na feel mong magdasal tapos biglang may kaskaserong drayber na dadaan. parang space rocket yung dumaan.

this year, ang wish ko lang, sana makita ko yung direksyon ko sa buhay. sabi ko sa Kanya, ibigay mo lang sa ‘kin yun, pramis, i’ll be the best person in that field. pramis aalagaan ko. pramis magpapakabuti lang ako. just give me a reason to breath. just give me a reason to hold on. hindi naman ako magpapakamatay, don’t worry. pero living without a sense of purpose is worse than dead. yun lang talaga Lord.

 

awards Disyembre 13, 2007

Isinalansan sa: Uncategorized — watusiboy @ 2:32 hapon
Tags: ,

and my “i-hate-this-software-award-i-wish-its-servers-would-crash” award goes to LIMEWIRE. sobrang bad trip ang limewire. it infected almost 300 files in my computer with spyware. feeling ko yun yung dahilan kaya nawalan kami ng internet for 3 days. akala ko, yung ISP ang may problema. todo away pa ko sa mga operators nila. i think nakausap ko na nga silang lahat dahil sa sobrang inis ko dahil wala kaming connection. e napaka critical pa naman nung last 3 days dahil i have report last wednesday(na bad trip rin kasi hindi natuloy, todo prepare pa naman ako, at casual lang sinabi sa ‘kin ng prof na hindi tuloy, next year na lang daw. grrr. gusto ko syang kagatin).yun pala ako ang mga kasalanan. sa paghahanap ko ng resources ko para sa report, napag-alaman ko na may magandang book na pwedeng gawing reference. pero since tinatamad akong bumili ng libro at hindi ko talagang ugaling bumili ng libro para lang sa isang report, nagsearch ako sa limewire – baka sakaling may makita akong free e book. so nung sinearch ko, aba may mga exact matches although yung iba may mga kadugtong na porn related stuff. so dinownload ko. at dahil tanga ako na kahit may suspetsa na ako na peke yun dahil supposed to be ebook yung madodownload pero installer yung lumabas, ininstall ko yung software named webhancer. nagbabakasakali lang naman ako na baka iniinstall yung ebook na yun. at tsaka meron daw talagang mga ebook na iniinstall. so ayun. 5 hrs later, hindi na ako makaaccess sa internet. feeling ko kinakain lahatnung spyware at trojans lahat ng mga resources ko.

so sa pangungulit ko sa ISP namin, inopen nila ako sa possibility na baka wala sa kanila ang problema at baka puro spyware na raw yung pc namin kaya kahit dial up hindi gumagana. so ayun naghanap ako ng mga anti virus softwares. bumili ako ng kaspersky. kaya lang, kahit yung mga legitimate programs ko tulad ng internet filter ko, trip nyang i-block. tsaka matalino ang mga developers nya. nagbablacklist sila ng mga used and registered keys. kaya kahit walo ang keys ko, hindi sila lahat gumana. so sayang lang ang 70 pesos ko.

and my “i-love this software i wish its developers would go to heaven but not right now” goes to AVG. actually, medyo nadisappoint ako nung una sa avg kasi wala pala syang anti spyware. pero meron pala silang free anti spyware over the net. tapos nung nagscan ako, almost 300 yung files na infected. kaya i love avg. gusto kong i-hug ang gumawa sa kanya.

that did not solve the problem though. pero ok lang. at least nawala yung mga spywared. i ended up installing another windows. and gumana na sya. hindi ko naintindihan kung ano ang nangyari. posible kayang nacorrupt nung mga spywares yung mga programs na vital to establish a connection? ewan.

 

bahala na si batman Disyembre 13, 2007

Isinalansan sa: Uncategorized — watusiboy @ 2:21 hapon
Tags: ,

one of those times when i feel that i don’t have control over my life. i had a conversation with a friend and she told me that she’s afraid that her brother and his girlfriend might have broken up. i don’t really care though, it does not affect me directly. she told me that if it’s true, she feels so bad considering the fact that the couple has been together since 2nd year college.so i wondered how old the guy might be. i gave my estimates. she told me her brother is already 26. To my mind, that’s ok. guys can marry until they are 40. in fact some women prefer older guys.

and the conversation went on and she said that if at the time that she is 25 and still single, she might end up being an old maid. and all of the sudden i panicked. what the hell will i do when i’m 25 or 30 or 40. she knows about my sexuality so she further inquired of my plans. My plans? i told her that i’ve always thought of having a child – although i haven’t really thought of the means to do it. i know my choices. i can do it the natural way. the question is, will i be able to reverse my sexual preference? i’ve heard of gays who claim they are already heterosexual after going back to the Lord. i’m not closing my doors, but at this point, i don’t see it happening. is sexual preference reversible? i can opt to have it prepared in the lab. in friends, phoebe did it for her brother. that possibility makes me feel uneasy though. some say that it’s like playing with God -it’s not supposed to be that way. children should be conceived in a uterus, not in a test tube. i don’t really know. or i can adopt – probably the easiest option. but i’m confused. i might end up using the child as a security blanket against my fear of being alone. i don’t want it to feel that way. unless i will be able to settle that issue, i don’t feel prepared for that yet.

the truth is, when it comes to my life, i am a bad planner. i’m not the type who sits down and plan the next steps. maybe it’s partly because i don’t know where i am going. i find that area of my life so blurred. i envy people who can provide simple answers to people who ask them of what they want to do with their life. some people know their life purpose as early as 5. some are just clueless at 21. back when i was in grade four, i’ve always thought of having and hacienda where there will be plenty of horses. how would i be able acquire it-i don’t have an idea. perhaps, i have plans all along. it’s just that i’m really not into planning all the details.

this is not the first time that this existential angst occurred to me. whenever it does, i am led to the idea that maybe, just maybe, i knew what i want all along – that i’m just afraid to pursue or even entertain them. it’s not like i’m not willing to take steps. it’s just that the road leading there is so complicated. i wish that i’m just the singer whom his family wants to be an engineer. or a priest whom his father wants to be a doctor. that would be much much simpler. but i’m the person who they expect to bring them to riches but turns out wanting to be in the designing world. i’m the only one in the family who consistently excelled in studies. i’m first in the family to enter UP. Some people must be expecting big time from me.

those who claim that the road to happiness is setting aside others’ expectation and just following your heart had no idea of my life. that is easier said than done. i’m freaking tired of playing this again and again in my mind. i long for the day to finally be free from it.

i guess my negativity reached its peak today.

i’ll just take comfort from what the Bible says-it is only given to those who can accept it.

focus on myself. back to life.

bahala na si batman.

 

guilty pleasures Disyembre 10, 2007

Isinalansan sa: Uncategorized — watusiboy @ 9:24 umaga
Tags: ,

may mga crush ako ngayon na hindi ko alam kung bakit crush ko sila. ewan ko ba, ang laki na ng pinagbago ng taste ko. dati, mga stereotypes lang yung mga gusto ko. ngayon, halo-halo na. minsan natatawa ako kasi napaka-odd nung mga nagugustuhan ko sa kanila. katulad na lang nung lalakisa kanto namin. nagustuhan ko lang sya dahil sa subtle hair sa cleavage area nya. may buhok sya sa dibdib. pero hindi katulad nung mga nasa mexican telenovela na parang puro buhok – yung sa kanya konti lang. tsakanasa gitna. ewan ko, ang weird ko talaga.
sa school naman meron akong naging crush kasi mukha syang laging inaantok tsaka lagi syang naka-jacket. ang babaw nga e.
may time pa na naging crush ko si kadafi janjalani. hindi ko alam pero dati, ‘pag iniinterview yung mga abu sayaff, sa kanya lang ako laging nakatingin. feeling ko nga hindi bagay sa kanyang magterorista. at hindi lang ako ang nagkacrush sa kanya dahil napagalaman ko sa kaklase ko nung high school na crush din ng nanay nya si janjalani.
mahilig ako ng mga “ang pinaka” sa qtv 11. guilty pleasure ko talaga yun. every after mass, pagdating sa bahay, lagi kong pinapanood yun. although hindi naman ako fan ni pia guanio. naaliw lang ako sa mga countdowns nila. kaya inspired ng ang mga pinaka. here’s my list of my “ang pinaka guilty-ako-kasi-crush-ko-sila-at-hindi-ko-maintindihan-kung-bakit?”

1. shinzo abe

shinzo abe

prime minister sya ng japan dati.pero nagresign yata dahil hindi nya nakayanan ang pressure. anyway, naging crush ko sya kasi sya lang yata yung nakarating nung asean summit na ginanap dito sa Pinas tapos hindi naman natuloy yung kasi bumabagyo. pero dumating sya. naawa nga ako sa kanya . i think ginawa na lang syang guest of honor dun sa inaguration ng mga bagong lrt. nasa stored value cards din yung litrato nya kaya lagi akong nagstostored value. hindi ko lang maintindihan kasi ang tanda na nya. feeling ko hindi na sya virgin nung pinanganak ako.

2. mario(project runway season 1)

9179.jpg

nanonood na ko ng project runway dahil naka dsl na kami. wala kasi kaming cable e. anyway, ang nagustuhan ko lang sa kanya ay ang kanyang guts magsando kahit wala syang katawan. either nakasando sya o sleeveless. ewan ko pero merong something sa itsura nya na interesting. althoug maliit sya at walang shape yung katawan nya. mukha syang latino na bombay. ewan.

3. demetri martin

demetri-martin.jpg

nadiscover ko sya dahil sinearch ko sa youtube ang daily show dahil tinawag daw nilang slut si cory aquino. honestly hindi naman ako naoffend sa show and in fact i ended up liking it. so i searched for more episodes and nadiscover ko si dimitri martin. natatawa ako sa kanya when he did this feature on social networking. sabi nya friendster has become so gay. and he has 9000 friends. nakakatawa sya. he’s so cute.

4. sheen sanchez

img_3409.jpg

i’m like the biggest fan of the philippine madrigal singers. sheen sanchez is a tenor there. i discovered him while watching their video- man on the mirror.feeling ko kasi napaka effortless nyang kumanta. tapos tenor pa sya. mataas kasi ang tingin ko sa mga members ng chorale. feeling ko kasi, it’s one thing to be able to sing, and another to be able to sing with a group. kung papipiliin lang ako ni God ng talent, singing ang pipiliin ko. nagtataka pa rin ako kung bakit naging crush ko si sheen. he’s not tall. medyo chubby pa nga. i guess natutuwa ako sa kanya kasi dun sa isang video nila(kaisa isa niyan), medyo nahuhuli sya sa choreo. pero ok lang kasi obligatory performances na lang yung mga yun. ewan. medyo kenkoy yung mga moves nya. tapos he had a solo performance pa in their arirang concert called – Buko Nut. I think he’s also part of a group called vox manila. musical director yata sya dun. and that’s what you call stalking.

5. chefs

27276726855966l.jpg

actually cute talaga ang dalawang ito so hindi katakataka na naging crush ko sila. kaya lang ako nanonood ng ka-toque ay dahil kay chef nino. hindi ko na nga iniintindi yung niluluto nya. hindi ko na rin pinapansin yung iba niyang kasamahann. basta’pag tapos na syang magluto, nililipat ko na sa game k n b.

life-pic01.jpg

si chef rob ay isang living testimony na unfair ang buhay. how can you be cute, smart and successful at the same time. siguro mabaho ang paa nya.tapos ang cute pa ng diction nya.
natatandaan ko dati, may isa naging crush akong prof simply because i wanted the way he pronounced the letter s. anyway, biglang ang dami nyang commercial. favorite ko na nga ang tropicana at kfc dahil sa kanya.

6. kim jae won

kim

cute sya kapag binabatukan at nadadapa. tapos pag nagsmile sya parang nilalabas niya lahat ng ngipin nya – kahit mga molars.

7. kris tsuper

post-1995-1163303098_thumb.jpg

usually, pangit daw ang mga dj’s. tinatago lang nila yun sa boses nila. pero iba si kris tsuper. ‘nung una ko syang mapakinggan habang nakasakay ako sa bus, inisip ko na pangit sya – na maitim sya at marami syang pimples. ang sakit kasi sa tenga ng boses nya. pero nung makita ko sya sa TV, hindi ko inakala na cute sya. as in clean-looking sya – hindi sya mukhang balahura. pero ayoko pa rin syang pakinggan.
8. mariel rodriguez

pic-09210608380661.jpg

whaat? i really think nagkacrush ako sa kanya the moment pumasok sya sa big brother house. although most people find her maarte and pintasera, i find her cute. parang mean girls in real life. hindi ko akalain may isang tao na kagaya nya.