Watusi

..I need some distraction, oh beautiful release..

rolan Nobyembre 29, 2007

Isinalansan sa: Uncategorized — watusiboy @ 3:18 hapon

it’s been a while.. here’s a run down.

monday sucked. I got entangled with my addiction. His name is rolan. the usual stuff happened. i dreaded it after. but he texted today. usually, i cut them off immediately after. but he is persistent. and i responded. i know it’s wrong. people are not supposed to fool around immediately after meeting. It was practically shake hand and a little talking. o boy. how cheap can you get?

tuesday was a hang over of monday. i can’t do anything. i was so down.

wednesday, we had a company talk. which reinforced my feeling that i don’t belong in the computer industry. when we toured their office, the only thing that ran through my mind was how can a person stand that kind of environment. they sit the whole day staring at thier computers thinking in terms of data structures and algorithms. those people are heart attack waiting to happen. how sedentary can you get?

today i decided to rid of my negativity. he texted, right? but it doesn’t mean i’m meeting with him again. it’s purely physical and for heaven’s sake…it so damn wrong. so let’s see. if he is persistent, then maybe he is worth a try. and i should be open to change. i just hope that it will not be a mistake.

why can’t i do it? maybe because i’m so conscious of the morality behind it. i studied in a catholic institution. i even excelled in my ethics class. and it just doesn’t feel right. deep down, putting aside every value that i have, i know that this is a selfish act. i do it because i want to be with someone. i do it to prove to myself that i’m likable – that i also deserve to be loved. i can’t do it because deep down i am broken. i have nothing to share. i have no love for myself.

so maybe it’s not yet the right time. and maybe doing what i’m doing isn’t helping with my soul searching. as father said, i need to focus on myself first. i need to pick up the broken pieces. you don’t look for a partner because you want companionship. otherwise you’re just using the other person. perhaps you look for love because you have something within that you can’t contain that all you want to do is share it. cheesy but true.

 

porn nga naman o Nobyembre 15, 2007

Isinalansan sa: Uncategorized — watusiboy @ 2:40 umaga

May epal na magnanakaw na nagnakaw ng linya ng telepono sa street namin kaya hindi ako nakapaginternet for the longest time. And now I’m back.

            Well ano na ba ang nangyari sa akin? Last week nung Monday, nagenrol ako. I guess paninindigan ko na ‘tong course na ‘to(God willing). Total, 4 units na lang naman ako. Kahit may doubts ako, I think it’s unreasonable to quit at this point. Although it depends on God. Hehe. ‘Pag ayaw niya, hindi mangyayari ‘di ba? I’ve been entertaining the thought din kasi na baka meron siyang ibang plano para sa akin. Hay, kelan kaya yun magooccur sa akin?

            Bumili rin ako ng bagong cellphone. Motorola L71. Pinalitan ko na yung Nokia 3530 ko. Ang tagal ko ring ginamit ‘yun. May sentimental value sa ‘kin yun e. Graduation gift sa akin ng tatay ko ‘yun. Ganun pa man, kailangan na talaga nyang magpahinga kasi pagod na siya. Minsan bumabaligtad yung graphics ng literal. Kaya ayun, kailangan na talaga syang palitan.

            Last Monday, I’ve started my sp. Okay naman. So far nafofollow ko pa naman yung schedule. Nagawa ko na yung Log in tsaka yung mga initial user interfaces. Kaya lang kailangan ko pang i-figure out yung pag install ng openssl sa windows. Kailangan kasi secured yung system ko kasi medical records ang pinag-uusapan.

            Ngayon bad trip ako. Wala akong nagawa. Plano ko kasi before ako pumasok, idodownload ko na lahat ng software na kailangan ko. Tapos bigla akong tinext ng kaklase ko na wala palang class sa kaisaisang subject ko. So punta na ako ng computer shop para idownload yung mga software. Anak ng putakte si kuya. Nilagay ba naman ako ‘dun sa secluded place – secluded place + fast internet connection = porn. Ayun, I ended up surfing porn. Kaya ako nabad trip. Matagal ko na yung hindi ginagawa. I have issues kasi. After kong gawin yung ganun, I feel pathetic and terrible. I feel dirty. Kaya nawala ako sa mood. Sumakit pa yung ulo ko. Nagpalpitate pa yung puso ko. Kaya wala akong nagawa.

            After kong mapanood yung Oprah episode na nagaadvocate sa positive thinking (kung saan daw kasi nakafocus yung utak natin, yun yung mga bagay na darating sa atin. Sabi kasi nila, nageemmit daw tayo ng signal sa universe and in return nagrerespond sa atin yung universe para ibigay sa atin yung mga bagay kung saan tayo nakafocus), naisip ko na mageexert ako ng effort maging positive. How ironic kasi this is supposed to be my pathetic blog. Pero wala naman sigurong masama kung maging positive ‘di ba? Wala naman din kasing mararating yung pagmumukmok.

            So on the positive side, hindi pa naman talaga ako delayed sa schedule ko. I have been given the gift of time para magawa ko ang mga dapat kong gawin. Siguro kailangan ko talagang magfocus sa mga mas importanteng bagay.

            I freaking hate porn! They excite you for a while and make you feel miserable after. According to somebody(nakalimutan ko kung sino pero nabasa ko yata sa reader’s digest), sex is boring when you are not involved in it. Feeling ko totoo ‘yun. In reality, if you really think about it, porn is boring. Papaasahin ka lang nya. Ipapakita nya sa iyo ang isang mundong gusto mong makita na hindi naman talaga nag-eexist. Wala naman talagang mga cowboys na naliligo ng sabay sabay tapos magsesex after. Wala naman talagang mga doctor na nakikipagsex sa mga patients while on a consultation. Porn is an escape – a pathetic escape. You are lured because you think that you will be satisfied. Wala naman talagang satisfaction sa porn. As you progress, you’ll want more and more of it na mas sexually explicit than before. As you progress you’ll feel more and more pathetic and perverted. That’s how porn works. Sana makaimbento ako ng system ng magpapacrash sa lahat ng porn sites sa mundo. 

 

it took one interview Nobyembre 7, 2007

Isinalansan sa: Uncategorized — watusiboy @ 2:57 hapon
Tags: ,

All it took was one interview before I realized how irrational I can be. Ever since nabalitaan ko na in demand ang mga English tutors sa mga koreano, I’ve always imagined doing it. Not that I’ve considered it as a carrer. Gusto ko lang talagang i-try. Fascinated kasi ako sa mga foreigners. Gusto ko silang makasalamuha. Gusto kong matutunan yung culture nila first hand – hindi yung sa mga hearsays lang. Ewan ko pero nung high school ako, ang idea ko sa college, puro mga foreigners ang mga magiging kaklase ko. Tapos we would hang out together. Tapos I’ll get to tell stories to people about them. Pero hindi pala ganun sa UP. May mangilan-ngilan na foreigners pero hindi ko naman sila naging kaklase. Kaya nadisappoint ako. Kaya gusto kong magturo ng mga koreano. Tsaka I found Koreans cute. Ewan ko. Who knows baka makita ko pa ang soulmate ko along the way.

So last Sunday I received a response from one of the tutorial centers na inapplyan ko. The HR scheduled me to drop by on Monday. Pero enrolment ng Monday so hindi ako nakapunta kaya Tuesday na ako nainterview. Ang hirap pumunta dun. Sabi ng tita ko malapit lang daw yun sa Megamall. Pero ang dami pa palang pasikot sikot. Kung hindi siguro ako nagtaxi malamang dehydrated na ako nung nakarating ako sa place. Anyway, when I entered their office, the woman greeted me warmly. Sabi ko: “Sorry po late ako kasi po naligaw po kami ng taxi”. Tapos puro English ang sagot nya sakin. Dun ko lang nasense na required silang mag-english kasi nga English tutorial yung services nila. So ayun, napasubo na ‘ko sa ingles. Anyway, natatawa ako dun sa babae kasi medyo trying hard syang mag-ingles. “Buwlahkhan” ang pronounciation nya sa Bulakan. Natatawa nga ako e kasi feeling nya, porke English instructor sya, kelangan pati Filipino terms, kelangan lagyan nya ng English accent. Anyway, binigyan nya ko ng exam. Mostly puro grammatical errors yung questions. Marami naman akong nasagot kaya lang nakalimutan ko na yung ilang subject-verb agreement na high school ko pa huling naencounter. Tapos nung nasa no 30+ na ako, bigla nya ‘kong pinatigil. Napansin nya kasing taga Buwlahkhan ako. Kamusta naman daw ‘yun e mostly sa Makati area yung mga tuturuan ko. Tapos 200 lang naman ang ibabayad sa akin. Pamasahe pa lang daw, ubos na agad yung allowance ko. Tapos may times pa daw na pasaway o kaya absent yung koreano. Kapag absent ang tutee mo, walang allowance.

And so I started talking about what it means to me. Sabi ko I’m not after the money – that I just want to try this out for experience sake. Pero ‘di nila ‘yun kinagat. Hindi yata sila prepared makatrabaho ang isang martyr na tutor.

Pero totoo talaga na hindi ako after sa income. Gusto ko lang talagang itry. Meron akong “confusion factor” kung anong career path ang dapat kong tahakin. I want to try as many things as possible kasi who knows, baka somewhere along the road, mag-occur na lang sa ‘kin yung mission ko sa buhay. May ganun akong ilusyon nung pumunta ako sa interview na ‘yun.

Pero para akong nauntog sa pader nung ipinaintindi sa akin nung babae yung pinapasok ko. Sa interview na yun ko narealize kung gaano ako kairrational at emotional.

Sabi nila irrational daw talaga kapag sinunod mo ang puso mo. Pero all my life, I’ve felt na lagi na lang reason ang pinapagana ko. Have I followed my heart, I would have been in the Center for Aesthetic Studies trying out cosmetology. Have I followed my heart, I would have been in the Philippine School of Interior design taking Interior design. Have I followed my heart, I would have been enrolled in a crash course in Fashion Design. Pero I have followed my reason. I opted to write nursing in my UPCAT form (thank God it didn’t happened). I opted to shift to CompSci because it’s the “course of the future”. I never really followed my heart. Sa pagkakataon na ‘to, sinunod ko ang puso ko – nauntog naman ako. Mali yata yung diskarte ko.

Somehow I’m proud, because at least I took some steps. Sabi nga nila it’s better to have tried and failed than to have never tried at all. But somehow, I noticed a flaw in my character. I’m so impulsive. Masyado akong nagpapadala sa emosyon ko.

Siguro next time hindi na ganito. Ok lang siguro na ginagawa natin yung gusto natin pero hindi ibig sabihin nun hindi na tayo mag-iisip.

 

dear God Nobyembre 6, 2007

Isinalansan sa: Uncategorized — watusiboy @ 2:03 hapon

 

Dear God,
Eto yung isa sa maraming beses ko itong ginawa sa iyo. You don’t deserve this from me. You have been tremendously good to me. I always end up disappointing and hurting you. Minsan sinisisi kita. Bakit hindi mo na lang kasing ginawang normal ang mga sitwasyon – siguro magiging madali ang lahat. Pero kahit ano pa ang sabihin ko, mali ang ginawa ko.
Pwede bang sabihin ko ‘to sa ‘yo? Minsan kailangan ko rin nun. I know it’s wrong pero tao rin ako. I have needs. Minsan I want to have that rush. Why can’t I have it?
But I know the answers to my questions. You don’t give it to those who can’t accept it. I know in my heart that I’m not prepared and that I cannot handle it.
I just want to say that I’m sorry. Nahihiya ako sa ‘yo. I don’t even deserve to talk to you. Hindi ko na nga gustong tingnan ang sarili ko sa salamin. Gusto ko na lang maglaho. Sana hindi ko na lang ginawa. Sorry po.

 

 

doing laundry Nobyembre 2, 2007

Isinalansan sa: Uncategorized — watusiboy @ 3:50 hapon
Tags:

Naglaba kami ng nanay ko. May nabasa ako noon sa Reader’s Digest. Makikilala mo raw ang tao sa mga sinampay nya. Kung ito’y salisaliwa, kung ito’y hindi nakaayos nang husto, kung ito’y hindi gaanong malinis – lahat ng detalye ay may sinasabi sa naglaba. Dito ko napatunayan kung gaano kagaling ang nanay ko. Ako ang incharged sa pagsasampay. Akala ko nung una, basta mo lang isasampay ang mga damit. Yun pala, dapat ito’y nakabaligtad para kung sakaling marumihan, pwede pa ring gamitin. Dapat rin na ang mga kwelyo ng mga polo ay nakasandal nang maigi sa mga hanger para hindi sila pangit tingnan kapag nakasampay. Ang mga plastic ng hanger ay dapat sa mga pang-itaas lang. Ang mga bakal na hanger ay pwedeng gamitin sa mga pang-ibaba dahil ito ay karaniwang kinakalawang kapag matagal na. Marami pa lang detalye ang paglalaba. Kahit gaanong kasimple ang isang bagay, dapat ay gawin pa rin ito ng tama, nang maayos. Sabi nila, kaya raw naging santo si St. Therese of the Child Jesus ay dahil sa mga munting sakripisyong ginawa nya – hindi dahil sa malalaking bagay na naabot nya. May narinig akong quote na parang ganito: “if you can’t be a highway, be a trail. If you can’t be the sun, be a star. It’s not by size that you win or fail. Be the best of whoever you are”. Siguro nga totoo ‘to. Hindi naman siguro masyadong importante kung gaano kalaki yung nagagawa natin sa buhay. Ang mas mahalaga ay ang pagmamahal na ginugugol natin sa paggawa ng mga ito. At least may natutunan ako ngayon. For a change.

 

all saint’s day Nobyembre 1, 2007

Isinalansan sa: Uncategorized — watusiboy @ 12:36 hapon
Tags:

All saints day. Araw kung kailan natin ginugunita ang mga mahal natin sa buhay. Araw kung saan makikita mo yung mga kamag-anak mo.

I don’t really consider myself as a family oriented person. Ewan ko ba pero wala akong ka-vibes sa mga kamag-anak ko. They’ve always made me feel different. To them, ako yung intellectual at no-nonsense individual. Hindi ko alam kung dahil ba dito kaya sila nahihirapang lumapit sa akin. I mean, mabait naman ako. Masarap naman akong kausap. Pero sadya yatang iba ang mga frequencies namin. Wala akong maka jive. Iba ang mga interes ko. Iba ang mga interes nila.

I have to admit na naiinggit ako kapag nakakakita ako ng mga closely-knit families. Yung tipong kapag tiningnan mo sila, parang ang saya saya nila.

Yung feeling na ganito, sobrang nagsisink-in sa akin kapag may mga occasions tulad nito. Katulad kanina. Para akong tanga. Wala man lang akong makausap sa mga kamag-anak ko. Hindi ko kasi alam kung ano ang sasabihin. Ayoko namang mag-usap kami tungkol sa mga school matters. Naiinis ako ‘pag ganun. Parang ganun na lang lagi ang tingin nila sa akin. Kaya kanina, hindi na lang ako nagsalita. Nakinig na lang ako sa MP3 player ko. Tapos nung aalis na sila, nagpaalam sila sa isa’t isa. Tapos ako, wala man lang pumansin sa akin. Parang feeling ko tuloy hindi ako nageexist sa pamilyang ito. Iniisip ko nga kapag namatay ako, malulungkot kaya sila.

Tapos bad trip pa yung kapitbahay naming nanalong kagawad. Kinamayan ba naman yung mga kamaganak ko tapos ako hindi. Nagpasalamat sya kasi nanalo sya. Kahit sa street namin hindi ako popular. Wala nga akong halos kakilala. Yung mga kaibigan ko kasi, nakatira na sila sa Manila.

I guess this is one of the many frustrations that I have. Sana mag-iba naman.